Chapter 16| Mano-a-Mano

28 5 2
                                    

Isang paglingon ang kan’yang ginawa sa dalawang kabataan na kasama niya. Mukhang malalim ang kanilang pinag-uusapan na nagpasilay ng ngiti sa sulok ng kan’yang labi. Marahan niyang nilapitan ang dalawa at dahil sa napakahinang existence niya ay hindi man lang namalayan ng dalawa ang paglapit niya.

“Hinahanap ninyo si Delmira?” ang tanong ni Alois nang marinig ang pangalan ng taong kilalang-kilala niya. Mabilis na napalingon ang dalawa dahil hindi man lang nila namalayan ang paglapit nito sa kanila.

“Kilala mo ba si Lady Delmira? Matutulungan mo ba kaming makausap siya?” ang deretsahang tanong ni Saber sa kan’ya, isang bagay na nakapagpahanga na naman sa binata.

Ang kawalan nito ng pasensya sa isang mahabang pag-uusap ay malaking tulong sa ganoong pagkakataon. Deretso at wala nang paligoy-ligoy. Alam mong matalino dahil kahit nagmamadali ay alam mong pinag- iisipan ang mga sinasabi.

“Kilala ng lahat si Lady Delmira. Kilalang bayani na kasama sa paglupig sa isang malakas na vandal na nagngangalang Strega,” May ngiti sa labi niya habang binabanggit ang pagkakakilanlan ni Delmira.

Ngunit ang ngiting iyon ay napalitan ng kaseryosohan.

“Bakit nyo hinahanap ang bayaning si Delmira? Sino ba kayo?”  ang tanong niya nang may pangingilatis ang mga tingin.
“Kailangan naming makabalik sa hinaharap ng oras na ito, at sa tingin namin ay kung mahahanap namin siya ay matutulungan niya kami,”  ang sagot ni Silver na walang pag-aalinlangang sinabi ang kanilang pakay.

Akala niya ay tatawanan sila ni Alois ngunit nagulat siya nang mangako ito ng kan’yang oras para matulungan silang makita nila si Delmira.
“Pero isang bagay lang...” ang sabi niya at saka napabuntong-hininga ng malalim.
“Kailangan ninyong mapagsama- sama ang natitirang labing-isang founders. Kapag nagawa ninyo ang bagay na iyon, magagawa ko nang palabasin si Delmira,” ang kondisyon ni Alois na nakapagpataas ng kilay ni Saber kasunod ng pagsilay ng mapait na ngiti sa labi niya.
“Anong kalokohan ang sinasabi mo?” ang nawika ni Prinsesa Saber na muling pinigilan ni Silver na hindi nanaising mawala pa ang nag-iisang pag-asa nila upang mapalabas si Delmira Clare!
“Ang totoo niyan ay kailangan naming matipon ang labing dalawang founders at para magawa iyon, ay kailangan namin ang tulong ni Lady Delmira,” ang saad ni Silver na nakatitig sa mga mata ng dalaga na may katalasan ang pagtitig. Tila sinisisid nito ang kailaliman ng pagkatao ng binata upang malaman ang tunay na intensyon nito.

“Kung ganoon ay mali kayo ng hinahanap,” ang sagot ni Alois sa kanila na nasisiguro ang pagkakamaling tinutukoy niya.

Napakunot ang kilay ni Silver sa naturan niya.

“Kung ganoon ay sino ang dapat naming hanapin para matipon ang lahat ng mga founders?” ang tanong ni Silver.
“Isang tao lang ang makagagawa ng bagay na iyon at iyon ay ang susunod na hari ng Gabrelius... si Bleidd Grandeur,” ang tugon ni Alois nang may ngiti sa kan’yang labi.

Ngunit ang pangalang iyon ang dahilan kung bakit may kaguluhan sa panahon nila ngayon. Ang pangalang Bleidd Grandeur ang lider ng kasalukuyang rebelyon. Napakuyom ang kamao ni Silver. Sa kan’yang pananaw ay hindi niya magagawang lapitan o hingan ng tulong ang ganoong klase ng tao.

“Saan namin siya makikita?” ang tanong ni Saber na kumuha ng kan’yang atensyon na nagpadaloy ng kuryosidad sa kan’yang sistema.
“Sa naririnig ko ay kasama niya si Luan at ang Prinsesa Aria. Nagliliwaliw sa central town ng Horatius,” ang sagot ni Alois na tila nagpaputla ng kulay ng balat ni Silver.

Noon lamang bumalik sa kan'yang alaala ang taong kasama lang niya noong nakaraang araw. Ang Ginoong kaharap niya ay ang rebeldeng lobo na nakaharap na niya sa kasalukuyan. Hindi niya ito nakilala. Malayo na ang naging hitsura; pagkatao; at presensya nito para sa kan’ya. Ang traydor na sa pananaw niya ay hindi pa inilalantad ang kan’yang tunay na balat sa lahat. Isang taong nagkukubli pa sa kan’yang makapal na balahibo na kapag tuluyan niyang inilantad ang tunay na anyo ay sisilay ang sariling pangil at kuko. Mga pangil na sasakmal at mga kukong makamandag na siyang lalason sa buhay ng lahat ng may buhay sa Etherea.
Marahang naikuyom ni Silver ang kan’yang kamao at mabilis na tinalikuran ang dalawa. Walang kahit na anong salita ang lumabas mula sa kan’yang labi at saka iniwanang naguguluhan ang dalawa sa kan’yang inasal.
Humahangos siya na ang nasa tanging isipan niya ay patungo sa lugar na iyon. Isang lugar na sa tingin niya ay doon niya makikita ang Ginoong kasalukuyang pinuno ng rebelyon. Sinundan lamang siya ng dalawa ng may pagtataka.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon