Chapter 35|Judgement of the Sun

37 3 1
                                    

[Judgement of the Sun]

Isang grupo ng mga lalaki ang bigla na lamang dumaan sa harapan ni Silver dahilan upang matakpan nila ang natatanaw ng kan'yang mga mata. Ngunit kasabay ng kanilang pag-alis ay ang pagkawala rin ng babaeng hindi niya inaasahang makikita niya roon.

Isang pagtapik mula kay Radar ang naramdaman ni Silver sa kan'yang kaliwang balikat.

"Ano bang tinitingnan mo d'yan?" ang tanong niya.

"Na-nakita ko ang unang prinsesa," aniya na biglang gumuhit sa mukha ang pagkalito.

"Nagbibiro ka ba?" Hindi makapaniwala si Radar. Sumagot naman siya ng hindi siguradong pagtango.

"Ano naman ang gagawin ng unang prinsesa rito?" ang dagdag pa niya saka inilibot ang kan'yang paningin sa buong casino. Ngunit walang prinsesa ang nagpakita.

"Oo nga. Bawal ang isang kasapi ng monarka sa sugalan," ang pagsingit ni Kick na kanina pa pala nakikinig sa kanilang pag-uusap.

"Hindi kaya guniguni mo lang iyon?" ang tanong ni Radar sabay siko sa kan'yang tagiliran.

"H-ha? Ano bang sinasabi mo? Kahit yata sa guniguni, hindi ko siya gugustuhing makita," ani Silver na nagpahalakhak kay na Radar at Kick.

"Siguraduhin mo 'yang sinasabi mo. Baka sa huli ay ikaw ang kumain ng mga salita mo," ang nawika ni Radar habang tinatapik ang kan'yang balikat.

Narinig na rin nila ang pagtawag ng iritableng si Fang sa kanila kaya't bumalik na sila sa kanilang pag-uusap tungkol sa kanilang plano.

Sugal ang kanilang kakaharapin-isang walang kasiguruhang kapalaran ang kailangan nilang malampasan para sa isang siguradong misyon. Si Fang ang napili nilang maglaro sa kanilang grupo dahil siya lang ang marunong maglaro. Hindi nila pwedeng sayangin ang oras, maging ang pera nila.

Naupo si Fang sa isang bakanteng upuan at mula sa kan'yang bulsa ay inilabas niya ang isang makapal na pera kapalit ng chips para maglaro ng poker, kung saan pinakamagaling ang isang Gulliver Mcmillan.

Nagmasid naman ang apat niyang kasama na pinagdidiskusyunan pa ang nasabing laro- ang poker.

Ilang beses niyang naipanalo ang ilang laro ngunit hindi napapansin ang iilang beses na pagkatalo.

"Hindi ko alam na ganito kahirap ang larong poker," ani Radar.

"Dapat ay sanay kang manlinlang ng kalaban," ang opinyon naman ni Silver.

"Sa larong ito, hindi lang sa panlilinlang ka mahusay, dapat kapanalig mo rin ang swerte," ang opinyon naman ni Tempest.

Napaisip si Silver. Kung swerte ang pagbabasehan sa larong iyon, ay mukhang dehado siya. Sa umpisa pa lamang ng pagtapak niya sa mundong iyon, ay hindi na siya pinanigan ng swerte.

Napabuntong-hininga siya. Tila nakaramdam siya ng kabalaisan. May parte ng utak niya na hindi nila maibabalik ang perang hiniram nila sa loan shark na iyon.

Nagpatuloy pa ang laro. Nanalo si Fang pero may pagkakataong natatalo rin. Tumatakbo ang oras at nilalamon na si Silver ng pagkainip. Sandali siyang lumayo sa kalagitnaan ng walang tigil na pasugalan. Tila nga kumakalam na ang kan'yang sikmura sa gutom.

Sandali siyang lumabas para makalanghap ng sariwang hangin at upang sandaling takasan ang magulong mundo ng pasugalan.

Napatingin siya sa kan'yang relo at muling pinagmasdan ang kapaligiran na siyang naging dahilan ng pagguhit ng kan'yang pagtataka. Hindi pa rin bumababa ang kadiliman. Hindi pa rin umaakyat ang araw kahit na alas diez na iyon ng umaga.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon