Chapter 5| Clock City

39 10 1
                                    

Nakatulala lamang si Silver sa labas ng bintana ng kwarto niya na inilaan sa kanila ng mga taga-Owl City. Hindi pa rin niya lubos maisip na kung sakaling ang babaeng naka-cloak na iyon ay si Seren, paano nito nagawang papaniwalain siya at ang buong Gabrelius na siya ay patay na.

"Si Seren ka nga ba?" ang naitanong na lamang ni Silver sa kan'yang isipan habang binabalikan ang oras na iyon.

Napailing siya.

Maaaring pareho lamang sila ng tattoo sa kan'yang kamay. Hindi niya maisip na si Seren ay aanib sa rebelyong iyon.
"Nakita ko ang pagkamatay niya sa aking harapan," Pilit niyang idinidikdik iyon sa kan'yang isipan.

Nang marinig niya ang ilang pagkatok sa kan'yang pintuan. Bumukas iyon at iniluwa ang hindi inaasahang tao.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" ang tanong niya habang inililibot ang paningin sa buong kwarto.

"Oo. Iba na kesa kanina. Mabisa naman ang medisinang ginawa ng manggagamot mula sa kabilang lungsod," ang sagot ni Silver na hindi maisip kung paano niya nakuha ang ilang mga sugat at ilang galos na iyon. Alam niyang naiwasan niya ang mga pag-atake nito.

"Malakas ang Loki na iyon," ang sabi ng binibini na nakapagtatakang madaldal ng mga oras na iyon. Marahil ay sa ilang mga pagkakataon ay lagi na silang nagkakasama nito.

"Tama ka. Kahit hawak ko ang Conall ay wala pa rin akong nagawa. Natalo ako," ang saad ni Silver kay Freeze na lubos iyong naiintindihan.

Kailangan pa nilang maging mas malakas!

Ngunit bigla na lamang silang nagulat nang marinig ang malakas na paglagabog ng pintuan o mas tamang sabihin na pagkasira.

"Hoy kayong dalawa? Anong ginagawa ninyo d'yan? May ginagawa kayong mga milagro. Malilibog na talaga ang mga kabataan ngayon!" ang wika ni Ferro na mukhang nakainom ng alak.

Tila nakaramdam ng kakaibang init sa mukha ang dalawa. Hindi nila inaasahan na sasabihin iyon ni Ferro.

"Mukhang nakainom ka Ferro. Menor de edad ka pa," ang puna ni Silver sa kaibigan.
Napahalakhak naman si Kick sa narinig.

"Huwag kang mag-alala, di na menor edad iyang si Ferro. Kwento niyan sa akin, ay ilang beses daw siyang umulit sa grade school dahil sa hirap ng buhay at dahil na rin sa paulit-ulit na pagsalakay ng kung anong mga halimaw sa lugar nila. Mukha lang iyang menor pero matanda na talaga iyang si Ferro," ang paliwanag ni Kick sa kan'ya.

Napaisip si Silver sa ilang mga kwento ni Kick tungkol sa kaibigan. May iba't iba silang pinagdaanan. Lahat sila ay nakaranas ng kadiliman sa kanikanilang mga buhay, nagkakaiba nga lamang sa katingkaran at kapusyawan, pero, heto sila at lumalaban bilang mga bayani ng Etherea, para sa ikabubuti ng lahat. Para sa ikapapayapa ng mundong ginagalawan nila.

Nag-aya pa ang dalawa na samahan ang mga taga-lungsod na magsaya dahil sa wakas ay ligtas na sila sa pagsalakay ng rebelyon. Nagkaroon ng bonfire sa sentro ng lungsod habang tumutugtog ang masiglang musika na nakapagpapaindak sa mga tao. Sobrang saya ng lahat at hindi magkaintindihan kung paano uubusin ang mga pagkain sa harapan nila matapos manghuli nina Fang at Radar ng mga usa sa kagubatan.

Malinaw pa rin sa alaala ng lahat ang pagdating ng anak ng pinuno na si Jahleel upang ipakita na ibinibigay nito ang dobleng bayad na hinihingi ni Fang. Gusto niyang ipamukha sa lahat na ang lahat ng pagtulong na ginawa ng mga bayani ay dahil sa pera at hindi dahil iyon ang tungkulin nila.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon