Chapter 45| Skeptical

12 1 0
                                    

Sandali lamang niyang binuksan ang kan’yang puso, ngunit ang sandaling iyon ang naging pintuan upang makita ng kalaban na siya ay mayroon ding kahinaan, higit pa sa inaasahan nila.

Isang matalas na dagger ang siyang mabilis na lumipad patungo sa direksyon ni Lady Valin. Ngunit hindi matitibag ng simpleng patalim ang isang Valin Gamount.

“Kung gusto mo akong patayin, dapat alam mong hindi uubra sa akin ang gan’yang pag-atake,” ang asik ni Valin sa taong pinagmulan ng pag-atake.

Ngunit paghalakhak lamang ang naging tugon nito.

“Isa lamang iyong pagbati Lady Valin,” aniya habang nakangisi ang kalahating parte ng kan’yang pagiging tao habang ang pyesa mula sa iba’t ibang klase ng makina ay masiglang umiikot at nagbabanggaan, idagdag pa ang maliliit na tunog nito.

Sandaling napatitig si Valin sa logo ng kanilang uniporme.

Mula naman sa likuran ni Loki ay tahimik na nagpakita sina Kryxanthe at Seren.

“Amaris. Anong pakay ninyo?” ang tanong ni Valin.
“Tinatanong pa ba iyan?” ang tugon ni Loki.
“Naririto kami para isulong ang kapayapaan,” ang sabat ni Seren.

Napatawa si Valin.

“Kapayapaan o kaguluhan?” aniya.
“Alam natin na kayo ang sanhi ng kaguluhan ngayon sa Etherea,” dagdag pa niya.
“Dahil iyon ang pinapakalat na balita ng aming mga kalaban. Palagi nilang binabaliktad ang mga pangyayari magpahanggang sa ngayon,” ang kalmadong saad naman ni Kryxanthe.
“Hindi ko kailangang paniwalaan ang mga taong hindi ko rin kakampi.”
“Kaya nga nandirito  kami para hingin ang iyong oo para sa alyansa,” ang wika ni Loki.

Muling napahalakhak si Valin.

“At paano kayo nakasisiguro na papayag ako?”
“Dahil pareho tayo ng hinahangad—ang kapayapaan; ang katarungan,” ani Seren.
“Bakit sa tingin mo, ay tinangkang ubusin ang aming angkan ni Cross Archer?” ang tanong ni Loki.
“Para nga ba sa tunay na kapayapaan o para lamang sa kapangyarihan?” ang dagdag pa ni Loki.

Tahimik lang na nakikinig si Valin.

“Tama bang patayin maging ang mga sanggol na lobo ng Grandeur? Iyon ba ang naging sagot sa kapayapaan?” ang tanong ni Seren.
“Naging makatarungan ba para sa angkan namin ang walang-awang pag-patay dahil sa kasalanang hindi naman napatunayan?” ani pa Seren.
“Traydor si Bleidd. Pero hindi ko sinang-ayunan ang kahit na anong makasariling desisyon ni Cross patungkol sa pagtatangkang brutal na pagpaslang sa buong angkan ninyo,” ani Valin.
“Kaya nga hinihikayat ka namin na umanib sa aming samahan upang mapabagsak si Archer? Ang huwad na hari,” ani Loki.

“Hindi ko iyon magagawa,” aniya.

Sumilay ang pagtataka sa mukha ng binibini mula sa Amaris.

“Bakit hindi?” aniya.
“Dahil hindi ako naniniwala sa salita lang,” ang tugon niya.
“Pero hindi ito salita lamang. Ito ang katotohanan,” ang wika ni Seren na hahakbang pa sana nang pigilan siya ni Kryxanthe.

“Kami ang produkto ng kagustuhang matamasa ng angkan namin ang kapayapaan at ang kalayaan. . .” ani Kryxanthe na mabilis na tinanggal ang cloak niya.

Bahagya pa niyang ibinaba ang zipper ng jump suit nito  hanggang sa kan’yang tadyang at lumantad sa mga mata ni Valin ang iba’t ibang kulay ng wires na pinagdugtong-dugtong sa halos itaas na parte ng kan’yang katawan. Kahit ang puso nito ay artipisyal na rin.
“Sa tingin mo, paano pa kami nabuhay sa ganitong kalagayan? Para lamang sirain ang Etherea?” ang tanong ni Kryxanthe.

Marahan siyang umiling.
“Nabuhay kami para masilayan ang tunay na buhay sa Etherea. Hindi ang huwad na araw, ang huwad na puno; ang huwad na kalayaan,” ani Kryxanthe.
Napatakip naman ng bibig si Seren. Hindi niya inasahan na ganoon na ang kalagayan ng katawan ni Kryxanthe.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon