Hindi niya inaalis ang kan'yang paningin sa asong si Sheridon. Alam niyang makakabangon pa ito sa kabila ng pwersang inilabas niya laban sa kalaban. Ngunit handa siya sa maaaring mangyari kapag nagising pa ito. Subalit ang mas ikinababahala niya ay ang binatang alam niyang nakatitig sa kan'ya. Alam niyang mag-iisip na ito, kung sino siya. Marahan niyang nilingon ang binatang hindi naaalis ang paningin sa kan'ya, katulad ng inaasahan niya.
"Anong problema? Nagulat ka ba sa lakas ko?" ang tanong niya sa mayabang na tono. Isa sa mga bagay kung bakit napanatili niyang tago ang kan'yang sekreto ay dahil kilala niya ang kan'yang sarili. Madali niyang binabago ang nakasanayan niyang pag-uugali upang malihis niya ang mga nakakakilala sa kan'ya.
"Pa-pasensya na." ang maikling tugon ng binata na lumingon sa ibang direksyon dahil sa pagkapahiya. Naisip rin niyang may kaunting kaangasan ang babaeng iyon, malayo sa kilala niya. Muli niyang ibinalik ang kan'yang paningin sa asong may dalawang ulo. Napailing na lamang siya ng makita ang muling paggalaw nito. Ilang beses siyang humiling na huwag na sana itong bumangon para matapos na, ngunit sadyang malas ang binata. Hindi siya pinagbibigyan sa kahit na anong kahilingan niya. Muling nakabangon si Sheridon na ikinangiti ni Fist. Iyon ang labang gusto niya, may challenge.
"Umalis na kayo rito. Ako na ang tatapos sa isang ito. Kami ang gumawa ng gulo, kami rin ang tatapos." ang pagmamayabang muli ni Fist. Papayag na sana si Blaze pero hindi ito sinang-ayunan ni Silver. Gusto niyang lumaban dahil nangako siyang proprotektahan niya ang mga taong naniniwala sa kan'ya.
"Bakit hindi mo tanggapin na may mga pangakong sadyang hindi matutupad? H'wag kang isip- bata." ang naging sagot ni Fist sa kan'ya. Ngunit wala siyang balak makinig. Hindi siya ang magpapabago ng kan'yang isipan. Napakuyom siya ng kamao.
"Nakapag-desisyon na ako at hindi ikaw ang magpapabago ng bagay na iyon." ang sabi pa ni Silver at saka nagpumgiglas sa pagkakahawak ni Blaze na ikinagulat niya kaya nabitawan niya ito. Matalino si Silver pero kapag napangunahan ng bugso ng kan'yang damdamin ay hindi na nakapag-iisip ng tama. Akala niya ay kapahamakan na niya iyon ngunit iniligtas siya ng mala-higanteng rosas na mabilis na tumubo sa lupa. Tila trampaulin iyon na tumalbog pa siya sa pagpatak niya rito. Napahawak siya sa kan'yang katawan habang iniisip kung buhay pa nga ba siya. Kaagad na lumapit si Saber sa kan'ya lulan ng malapad na dahon.
"Maswerte ka, iniligtas ka ng kapatid ko. H'wag mo nang uulitin ang katangahan mo," ang sabi niya na sa pagkakataong iyon ay hindi niya minasama. Alam niyang ganoon lamang ito magsalita ngunit may kabutihan ito.
"Sa susunod h'wag ka ng mag-alala sa akin." ang sagot naman ng binata na ikinataas ng kilay ng unang Prinsesa.
"At sinong may sabing nag-alala ako sa 'yo?" ang bulalas niya na sinagot lamang niya ng pagtaas niya ng dalawang balikat. Hindi niya alam pero ang inis niya sa Prinsesa ay tila nawala na. Mas pinipili na lamang niyang sagutin ng pabiro ang mga pagtataray nito kaysa magsayang ng lakas na magalit sa kan'ya. Lumapit na rin si Fist sa kanila upang sawayin sila na mas unahin muna ang kalaban sa kanilang harapan bago maglambingan at saka mabilis na lumayo sa kanila. Napanganga naman ang unang Prinsesa sa naturan ng leader nilang si Fist. Tila na-ambush siya nito ng walang kalaban- laban. Ngunit sandali niya iyong iwinaglit ng makitang bumangon pa nga ang higanteng aso. Kahit siya ay hindi rin inaasahan ang pagbangon nito dahil para sa kan'ya ay kamangha- mangha na ang pag-atakeng ginawa ng leader nilang si Fist. Ngunit mas ikinabigla nila ang pagbatingaw mula sa kung saan. Isang matinis na tunog na ginagawa ng kung sino. Pinilit nilang hanapin kung saan nagmumula ang tunog ngunit isang naka- cloak na lalaki ang umagaw sa atensyon nila. Naglalakad ito sa hangin habang iniikot ang isang music box na may lever, na siyang gumagawa ng kakaibang ingay. Sa pagtigil niya sa pagpihit sa music box ay mabilis na umikot pabalik ang lever pasalungat sa pag-ikot niya kanina. Kasabay nito ay ang pagdidiklom ng buong kapaligiran. Nawala ang kulay ng kapaligiran at tila nanikip ang daluyan ng kanilang paghinga. Pati ang ibang mga bayani ay naramdaman rin ang kakaibang pwersa sa paligid na tila humigop sa kanilang mga lakas. Nanghina bigla si Freeze at nawalan ng konsentrasyon sa kan'yang mahika na siyang dumurog sa ice barrier na ginawa niya. Mabuti na lamang at pinalikas na rin nila ang mga tao para masiguro ang kaligtasan nila. Ang natira lamang sa tabi nila ay ang beteranong manggagawa ng orasan at ang apo nitong si Samson. Mababagsakan sana ang matanda at ang batang si Samson ngunit tumunog ang pinakamalaking clock tower sa Clock City kasunod nito ay ang pagtigil ng oras. At ang pagputok ng nakasisilaw na liwanag mula sa bumukas na music box.
BINABASA MO ANG
SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2
FantasyThe world is changing. The werewolves are howling. The chaos has started, but the heroes are coming! Seventeenth-generation heroes are ready to take down the rebels to give them their biggest downfall. Sylvester Del Grande, who receives the renowne...