Hinihintay niya na sasabihin ng binatang kaharap na isa lamang iyong biro. Ngunit hindi, kaya binasag na lamang niya ang katahimikan sa pamamagitan ng paghagalpak ng malakas.
"Magandang biro iyon, bata!" ang bulalas ni Kairos na medyo ikinadismaya ni Silver. Hindi niya akalaing hindi siya paniniwalaan ng matanda. Pilit siyang tumawa at sinabing biro lamang iyon. Sino nga ba namang tao ang maniniwala na nagmula siya sa hinaharap? Sino ang maniniwalang nakasulat na ang kapalaran ng isang tao. At habang sinusubukan nilang makaligtas sa kasalukuyan ay nagpapatuloy naman ang kwento nila sa hinaharap. Paano niya mapapaniwala sila na totoo ang kan'yang mga sinasabi. Na hindi natupad ang kanilang inaasahan sa panahong kasalukuyan pa lamang sa kanila.
"Masaya ako at napatawa kita Ginoo," ang mahinang tugon ni Silver na muling napahigop ng kan'yang mainit na tsokolate. Tinapik- tapik naman siya ni Ginoong Kairos at muling bumalik sa trabaho.Samantala sa di kalayuan ay isang humahangos na karawahe ang mabilis na tumatakas palabas sa isang espesyal na panuluyan na inilalaan para sa mga espesyal na panauhin ng bayan ng Horatius.
Hinahabol ito ng ilang konsorte at kawal ng panauhin nilang nagmula pa sa Bayan ng Gabrelius, si Prinsesa Aria. Itinakas siya ng kan'yang kasintahan na si Bleidd upang makapamasyal sila ng sila lamang dalawa. Ipinagpaalam niya iyon sa punong konsorte na si Conrad ngunit hindi ito nakisama sa kanila dahil iyon ang kanilang trabaho. Ngunit ang medyo may kapilyuhang binata kasabwat ang may kapilyahang Prinsesa ng Gabrelius ay nagplano ng kanilang pagtakas.
Nagtatawanan ang dalawa ng matakasan nila si Conrad na para sa kanila ay palaging kontrabida sa kanilang pag-iibigan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang pag-ibig ni Conrad sa Prinsesa ngunit dahil sila ang nagkapalagayan ng loob ay palagi nilang sinasabi na darating din ang tamang tao para sa kan'ya. Hindi lang nila alam kung nakikinig ba ito sa payo nila o hanggang sa mga oras na iyon ay nananatili pa rin ang pagtingin nito sa Prinsesa.
"Hindi ko maisip na matatakasan natin si Conrad." ang nasambit ni Luan kasunod ng malutong na paghagalpak nito. Kung ang Prinsesa ay may tinatakasang tulad ni Conrad, si Luan naman ay palaging tumatakas sa kan'yang sariling konsorte at kanang kamay na si Baron. May kapilyuhan rin ang binata kagaya ng matalik niyang kaibigan na si Bleidd. Sabay namang napalingon sina Bleidd at Aria sa halos hindi na matanaw na Aroa Inn, lalo na sa lalaking tinatanaw ang kanilang pagtakas.
"Sinabi mo pa." ang matipid na sagot ni Bleidd na napasuklay sa sarili niyang buhok, "Pero alam kong susundan pa rin tayo ni Conrad," ang dagdag pa niya.
Isang nakaiindak na musika ang bumungad sa kanila sa pagbaba nila ng karawahe. Nagkukumpulan ang mga tao habang nakikinig sa isang matandang musikero sa gilid ng kalsada habang gumagawa ng kakatwang pag-si-sirko ang alaga nitong puting unggoy na tumatawid sa isang lubid. Habang sa kabilang parte naman ng palengke ay may nag-aalok ng ilang mga bulaklak na nang makita ng Ginoo ang isang pamilyar na bulaklak ay kaagad siyang humugot ng isang papel na pera upang iabot sa matanda kasabay ng pagkuha niya ng bulaklak na paborito ng nag-iisang Prinsesa ng Gabrelius, na si Aria.
"Forget- me- not?" Ang nasambit ni Bleidd sa nag-iisang babae para sa kan'ya habang tinitingnan ng may kinang ang kan'yang mga mata.
"Hinding- hindi kita makakalimutan aking Ginoo." ang sagot ni Prinsesa Aria na pumulupot sa kan'yang braso. Tila nagpalamon sila sa karamihan ng mga tao habang sabay na pinakikinggan ang pilya, naka-iindak, at makislot na musika na sila lamang ang nakaririnig. Isang musika na sabay nilang sinasayaw ng magkapareha.
Mabuti na lamang at hindi napapansin ang kanilang presensya. Kung sabagay ay hindi sila sumama sa parada ng mga bayani kanina upang ikubli na rin sa mga tao ang kanilang mga katauhan. Malaya at masaya. Iyon ang buhay na gusto nilang dalawa. Kung maaari lamang nilang hilingin na huwag ng matapos ang mga ganoong sandali na nararanasan nila sa tuwing tatakas sila. Tila ba, kapag magkasama sila ay wala silang hindi kakayanin.
BINABASA MO ANG
SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2
FantasyThe world is changing. The werewolves are howling. The chaos has started, but the heroes are coming! Seventeenth-generation heroes are ready to take down the rebels to give them their biggest downfall. Sylvester Del Grande, who receives the renowne...