Tumigil ang karawahe sa tapat ng isang maliit na bahay na yari pa sa kahoy. Isang pookan iyon ng mga taong gawa sa kahoy ang mga bahay na halos nasisira na rin. Ni hindi nga nila lubos maisip na ang ganoon ka-gandang syudad ay may parte na may ganoong lugar.
"Dito na ako. Maraming salamat sa inyo," ang sabi ng matanda na bahagya pang yumuko bilang pagpapakita ng respeto sa kanila. Muling nagpatuloy ang karawahe at itinuon nila ang kanilang paningin sa binatang halos nananatili pa rin ang mga salita sa kanilang isipan.
"H'wag n'yo na lamang pong intindihin ang sinabi ko. Isang biro lang iyon." ang sabi ni Silver na medyo nahiya na sa mga sinabi niyang ni hindi man lang niya napag-isipan. Ngunit umiling si Bleidd na ikinakunot ng noo niya. Hindi niya naiintindihan ang reaksyong iyon. Akala niya ay napapailing ito dahil naiisip nitong nababaliw na siya.
"Ang ibig kong sabihin ay naniniwala ako sa mga sinasabi mo." ang sagot ni Bleidd na napahalakhak pa sa galak. Dahil sa wakas ay nakita na rin niya ang manlalakbay mula sa hinaharap, na sinasabing magiging parte ng malaking pagbabago sa buhay niya.
"Na-niniwala kayo sa sinasabi ko?" ang nagdadalawang- isip na naitanong niya sa Ginoong kaharap.
"Bakit naman hindi. Ito ang Etherea, walang imposible sa mundong ito." ang sabi naman ni Queen Aria. Napangiti si Silver sa isiping bakit nga ba siya matatakot na magsabi sa kanila? Sila ang mga taong nag-umpisa ng milagro sa bayan ng Etherea.
Maraming naging katanungan ang dalawa, ganoon na rin si Luan na kanina pang nakikinig sa kanilang pag-uusap. Tila mga batang nasasabik na malaman ang mangyayari sa kanilang mga hinaharap. Ngunit naisip niyang hindi niya maaaring sabihin ang lahat ng nalalaman niya dahil sa posibleng mabago at magulo ang kasalukuyan. Malaking kaguluhan iyon kung iisipin. Mas pinili na lamang niyang manahimik sa mga bagay na hindi niya maaaring sabihin at pinili na lamang niya ang mga katanungang kan'yang sasagutin. Ang Clock City ayon sa kan'ya ay mananatili ang kaabalahan ng mga tao. Magiging mas masikip at mas mas maraming imprastruktura ang maipapatayo, ayon sa kan'ya. Ang Lucien Empire naman ang magiging pinakamaunlad na bayan sa kasalukuyan na pamumunuan ni Emperor Lucius at Emperatris Celestina. Magkakaroon sila ng dalawang anak na lalaki, sina Prince Diego at Prince Dillon. Nagkatinginan ang magkasintahan at napahaglpak sa pagtawa. Napataas ang kanang kilay ni Silver dahil sa kuryosidad. Kaya naman sandaling nakapag-kuwento ang dalawa tungkol kay Lucius at Celestina. Kung iyon nga raw ang mangyayari sa hinaharap ay siguradong hindi sila mawawala sa magiging kasal nila habang inaasar sila. Dahil ang dalawang taong tinutukoy nila ay matalik nilang kaibigan at hindi lingid sa kanila ang matinding pagka-irita ng dalawa sa isa't isa. Napahalakhak si Luan. " Akalain mo iyon? Ang dalawang parang aso at pusa ay magkakatuluyan rin pala!" ang bulalas ni Luan na hindi mabura ang kakaibang ngiti sa labi.
"Walang magsasabi. Panoorin na lamang natin silang mahulog sa isa't isa." ang sabi ni Prinsesa Aria na tila kinikilig pa habang iniisip na magkakatuluyan ang dalawa. Napangiti naman si Bleidd ng makita ang kakaibang kasiyahan ng kasintahan para sa matalik nitong kaibigan at muling napatitig kay Silver.
"E, ang Gabrelius? Ano ang magiging sitwasyon sa hinaharap. Ilan ang magiging anak namin ni Aria?" ang tanong ni Bleidd na nakapagpatahimik kay Silver. Isa iyong bagay na hindi nila dapat malaman. Ang pangyayaring hindi rin inaasahan ng lahat. Isang pangyayari na kahit siya ay naguguluhan pa. Ano nga ba ang nangyari kung bakit hindi ang Ginoong nasa harapan niya ang nakatuluyan ni Queen Aria.
"Maaari ko bang matanong kung ano ang pangalan mo, Ginoo?" ang tanong ni Silver na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin natutuklasan na ang lalaking kaharap niya ay nakilala na niya sa kasalukuyan. Ngunit bago pa man makapagsalita ang Ginoo ay nakaramdam na sila ng kakaibang bagay na tumama sa kanilang karawahe. Napahiyaw ang Prinsesa Aria at naalerto naman ang kan'yang mga kasama.
BINABASA MO ANG
SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2
FantasyThe world is changing. The werewolves are howling. The chaos has started, but the heroes are coming! Seventeenth-generation heroes are ready to take down the rebels to give them their biggest downfall. Sylvester Del Grande, who receives the renowne...