CHAPTER 28

17 3 0
                                    

[City of Rampage Part 1]

Silver made a breath taking attempt to jump from the top of a twenty-story building to another building just to run after the guy wearing an all black suit. He knew, he was one of them, one of those wolf rebels. He jumped again from different buildings to one another. He has no plan to let him escape. He will defeat that rebel and every rebel that comes his way and take back the high priestess.

He yelled, "Stop!"

He abruptly came to a stop as he caught a glimpse of the breathtaking view from the top of the structure.

That led nowhere. . .

He is unable to leave the building where he was trapped. The only thing left for him to do was confront Silver once more, staring into his intensely blue eyes.

The fact that they were submerged in each other's eyes served as a gateway back to the earlier happenings that had led up to that moment.

---

Siksikan na ang kalsada. Ngayon na lamang nila napapansin ang napakalaking populasyon ng Crow City.

"Sila 'yun hindi ba?"
"Walang duda,"

Mga tinig na hindi malaman ni Silver kung saan nagmumula. Inilibot niya ang kan'yang paningin; nakiramdam; nagmasaid, ngunit hindi niya matukoy kung sino ang mga taong 'yon. Tatawid na sila sa main intersection ng lungsod. Kung saan tila nakatingin sa kanila ang nagtataasang gusali ng Palcrow. Nakapila silang naglalakad habang napapalingon ang mga taong nakakasalubong nila.

Namamangha sa kanilang mga uniporme at tila sinisipat ang mga bagong mukha ng mga bayani ng Etherea.

"Sila ang seventeenth generation," ang bulong-bulungan ng mga taong nakakasalubong nila na malinaw na naririnig ni Silver. Sa dami ng mga tao ay tila ba madilim ang kanilang mga mukha sa kan'yang paningin at tila napakatalas ng mga ngiting sumisilay sa kanilang mga labi. Ngiti na tila ba hindi gagawa ng kabutihan.

Hindi pa man nila natatapos tawirin ang kalsada ay natanaw na kaagad nila ang isang pangkat na magkakaangkas sa motorsiklo nilang dala. May mga dalang patpat at tila ba inaabangan ang kanilang pagdating. Bumaba ang isang lalaki at itinapon ang kan'yang sigarilyo.

"I really dislike humans. They are occassionally stupid but they are always are," Reaper uttered.

Nagtakbuhan na rin ang mga taong kanina lamang ay kalmado pang naglalakad sa pedestrian lane. Malamang ay alam na nila ang mangyayari kapag naroroon na ang pangkat na gulo lamang ang palaging dala.

"Humans are sometimes scarier than monsters; they are always capable of becoming monsters due to their abuse of rights," Radar said with disappointment while looking at those goons that are fearlessly staring at them.

"That is why I am more irritated. I frequently wonder why I should keep making the effort to defend individuals who despise heroes and disregard our efforts," Reaper said.

Hindi naman nila masisisi kung bakit nakapagbitaw ng ganoong mga salita si Reaper dahil isa sa pinakaayaw ng mga bayaning tulad nila ang maharap sa ganoong sitwasyon. Mas gugustuhin pa nilang makasagupa ng halimaw kaysa sa tao. They should still follow the law in human rights at all costs.

Naging napakabilis ng segundo at ang kaguluhan ay nagsimula na. Wala silang oras na sasayangin dahil utos iyon mula kay Van Griswold, lingid sa kaalaman ng mga bayani.

Naging marahas ang bawat paghaharap at pakikipagsagupaan. Sa una'y tila naging lamang sa lakas ang mga sanggano. Ngunit dahil sa mga karanasan nila sa pakikipaglaban ay mabilis nilang nakapa ang galawan ng mga kalaban nila. Isa-isa nila itong pinabagsak gamit ang purong lakas na hindi umaasa sa kanilang mga kapangyarihan. Nagtutulugan sila bilang isang team na siyang nagpabagsak sa kalahati ng napakalaking gang na nasasakupan ni Van.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon