LUCIEN Empire- ang binansagang Tiger of Etherea dahil sa pagiging malikhain at pagiging bukas nito sa pagtanggap sa pagbabago sa mga pangangailangan ng mga mamamayan nito sa paglipas ng panahon. Naging maunlad ang lungsod na ito matapos pamunuan ng magaling na Emperador ang lugar na iyon. Niyakap nila ang pagsasanib pwersa ng teknolohiya at salamangka upang mapaunlad ang bayan nila. Nagpatayo ng mga kamangha- manghang imprastruktura katulad ng tulay, mga pampagamutang gusali, laboratoryo at pinaunlad ang mga makinarya para sa mga magsasaka sa mga nayon. Isang napakaliwanag at tila paraisong lugar para sa mga mamamayan.
Hindi magkamayaw ang hindi mahulugang karayom na kalsada ng Xavier City, ang kapital na syudad ng Lucien. Parada iyon ng mga magiging bagong bayani sa historical path na Calle Fetha kung saan unang beses na sinalubong ang labindalawang bayani ng Etherea na tumalo sa ilang Ancient Vandals, ang founders ng Twelve Grand Guilds ng Asthoria at ang First Generation Heroes...
Nakasuot ang lahat ng kulay puti na uniporme habang nagmamartsa patungo sa Sagrada Castalia kung saan iginagawad ang isang Hero badge ng Kanaloa, na siyang nag-iimplementa at nagpapatupad ng regulasyon ng batas at polisiya ng Etherea patungkol sa pagkakaroon ng lisensya ng isang bayani.
Masaya namang nagsisigawan ang mga tao ng makita ang mga bagong mukha ng mga kabataang iyon. Tumutunog ang maingay na trompeta at mga tambol sa pagdaan nila. May ilang mga bata ang nakasampa sa balikat ng kanilang mga ama at masayang kumakaway sa mga magiging bagong bayani ng Etherea.
Matapos ng mahabang parada ay tila naging ala-ala na lamang ang ingay na iyon sa pandinig ng mga bagong bayani ng Seventeenth Generation Heroes, lalo na ng pasukin nila ang isang malaking gusali kung saan ay naghihintay ang Emperador ng Lucien, si Emperor Lucius Lannister. Naroroon rin ang kan'yang may bahay na si Emperatris Celestina Rosenborne. Naroroon naman sa kanilang tabi ang unang Prinsipe, si Prinsipe Diego at ang bunsong Prinsipe na si Prinsipe Dillon. Parehong may kagandahang lalaki ang mga Prinsipe kaya hindi maiwasan ang pagkamangha ng ilang kababaihan sa kanila. Ngunit talagang angat ang ka-hustuhan ng unang Prinsipe kaysa sa bunso na nagsisimula pa lamang mahinog mula sa kan'yang pagkabata. Ganon pa man, ay napag-uusapan na ang agawan sa trono sa pagitan nila. Ang isa ay eksperyensado na habang ang isa ay natututo pa lamang.
"Sigurado ako. Si Diego ang magiging susunod na Emperador ng Lucien. At ito ang magiging dahilan ng pagbagsak nito." ang sabi ni Prinsesa Saber habang tinitingnan ang unang Prinsipe na puno ng kumpyansa habang kumakaway sa ilang kababaihan na nasa hall.
Napalingon si Prinsesa Fleura sa kan'yang ate at ganoon na rin ang kaibigan ni Saber na si Aire.
"Hindi ba magandang balita iyon para kay Ama? Babalik na sa Gabrelius ang dati nitong katanyagan kung si Diego mismo ang sisira rito." Ang sabi naman ni Fleura.
Ngunit nanahimik lang ang unang Prinsesa. Sa isip niya'y hindi dapat bumalik sa Gabrelius ang kapangyarihan. Ang Lucien Empire pa rin ang pinakamahusay sa lahat. Ang kailangan lamang ay si Dillon ang maging sunod na Emperador. Iyon ang kaniyang opinyon. Si Dillon na matagal na niyang kaibigan kahit na magkaribal ang kanilang mga bayan.Nagsimula na ang pagtawag sa kanilang mga pangalan. Ang Kalanoa at saksi ang Emperador ng Lucien ay iginawad na sa bawat isa ang kanilang mga hero badges. Kasunod pa nito ang pagtatatak ng isang hero tattoo sa likuran ng kanilang palad. Ang simbolo ng angkla ang siyang magpapatunay na sila ay ganap ng bayani ng Etherea.
Tinawag na ang pangalan niya. At isang mahihinang bulungan ang namutawi sa loob ng Sagrada Castalia at nang magsabay- sabay ay naging maugong sa buong lugar.
"Silver? Hindi ba't iyon ang code name ng isang taksil?"
"Ang pangalan ng taksil na bayani," Iyon ang mga salitang namumutawi sa buong hall.Marami ang bumuo ng haka- haka. Senyales daw iyon ng pagkagunaw ng mundo. Ang magkaroon ng ikalawang bayaning Silver ang ngalan. Baka maulit ang nakaraan ayon sa kanilang malikot na imahinasyon.
BINABASA MO ANG
SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2
FantasíaThe world is changing. The werewolves are howling. The chaos has started, but the heroes are coming! Seventeenth-generation heroes are ready to take down the rebels to give them their biggest downfall. Sylvester Del Grande, who receives the renowne...