Chapter 7

24 6 1
                                    

Isang malamig na pagpatak ng natunaw na sorbetes sa kan'yang paa na nasasapinan ng manipis niyang tsinelas, ang gumising sa kan'yang kaisipan na mukhang malayo na ang nalakbay patungo sa nakaraan. Isang kaibigan ang biglang sumagi sa kan'yang isipan ng marinig ang pangalang Silver. Isang pangalan na halos muntikan ng malimot ng kan'yang nagkaka-edad na kaisipan. Ilang taon na nga ba ang nakararaan simula ng huli siyang umasa na matatagpuan na niya ang anak na sinasabi ng taong iyon. At sa pagkakataong iyon ay ang binatang kaharap na ba niya ang matagal na niyang hinihintay? Napailing siya sa loob ng kan'yang isipan. Sa isip niya ay napaka-imposible ng hinihinging pabor ng taong iyon. Paanong siya ang pinagkatiwalaan nito samantalang may iba pang taong mas nakahihigit sa kan'ya. Sa isip niya ay paano kung magkamali siya ng mapagbigyan ng bagay na iyon.

Isang pagkalabit sa kan'yang tagiliran ang gumising sa kan'yang kamalayan. Ang apo niyang si Samson iyon na nagtataka sa kan'yang pagiging tahimik. Kilala niya ang kan'yang Lolo na madaldal at makuwento pero iba ang araw na iyon. 

"Ayos lang ba kayo Lo?" ang tanong ni Samson na nakakunot ang dalawang kilay. Sumagot ang matanda na ayos lang siya at nag- dahilang bunga lamang iyon ng pagod. Tumayo na ang matanda na mula sa kan'yang kinauupuan ng makarinig sila ng malakas na pagsabog mula sa kanlurang bahagi ng Horatius. 

"Nasusunog ang Mount Aurora!" ang sigaw ng isang mamamayan ng Horatius. Puno ng pangamba ang tinig na iyon na siyang kumayap sa bawat mamamayan ng Clock City. Tila lasong lumulunod sa kanilang sistema na unti- unting nagpapahina sa kanila. 

"Ang pangkat na siguro iyon ni Fist." ang sabi ng kalmadong si Kick na walang pakialam sa nangyayari basta't hindi siya nasasangkot sa kaguluhan. Ngunit ang kakalmahan niya ay napalitan ng takot. 

"Ano ang bagay na iyon?" ang naibulalas ni Silver ng matanaw rin niya ang bagay na natatanaw ni Kick. Isa iyong aso na may dalawang ulo at malaking pakpak. Nakaramdam sila ng pangamba. Hindi iyon katulad ng sinasabi ng ilang sumubok na pasukin ang lugar. Walang nabanggit na may pakpak at may kakayahang lumipad ang nasabing halimaw. Isang malakas na daluyong ang kumawala sa bundok ng Aurora ng magsimulang lumipad ang nasabing halimaw. Napahanda naman ang mga kabataang bayani ng mapagtanto nilang ang direksyon nito ay patungo sa lungsod. Noon lamang rin napansin ng mga tao ang nagbabadyang panganib na siyang lumikha ng malaking kaguluhan sa syudad. Nagkagulo ang mga tao ng mag-kan'ya- kan'ya na sila sa pagtakbo upang mailigtas ang kanilang mga sarili. Napuno ng pagkataranta ang mga tao kaya naman halos magtulakan ang mga tao sa puntong magkasakitan na sila. Mayroon pang natumba at may ilang nahimatay dahil sa labis na pagsisiksikan.  

"Huminahon kayong lahat!" ang sigaw ni Silver na tila lumikha ng malakas na daluyong ng tunog. Ngunit hindi sapat ang kan'yang tinig upang pakalmahin ang mga tao. Sarado ang kanilang mga isipan at ang pagliligtas sa kanilang mga sarili ang mahalaga sa kanila. "Tumigil ka na sa kalokohan mo. Makasarili ang mga tao para pakinggan ang iyong mga salita." ang sabi ni Freeze sa kan'ya na naghanda na sa paglusob ng kalaban.

Nagpalabas siya ng isang malaking ice barrier na dahan- dahang sumakop sa buong lungsod. Medyo naging mabagal ang pagkalat ng ice barrier na halos inakala pa niyang hindi aabot sa tamang oras. Ngunit nakahinga siya ng maluwag ng magawa niya. Namangha ang mga kasamahan niya sa kan'yang ginawa at sa yelong bumalot sa lungsod. Tila kasing tibay iyon ng kumikinang na hiyas na hindi basta matitibag ng kahit na anong halimaw. Natigilan ang mga tao ng makita ang pananggalang na siyang promotekta sa kanila. 

"Ba-yani... Iniligtas tayo ng mga bayani!" ang sigaw ng isang lalaking mamamayan ng Clock City. Tila nabuhayan ang mga tao at nagdiwang sa kanilang kaligtasan. Kumayap ang pag-asa sa bawat isa at huminahon ang lahat. Ngunit sa dami ng mga taong nagbalik ang tiwalang makaliligtas sila ay may isang nakaramdam ng pagdududa. Ang beteranong manggagawa ng orasan ay batid ang panandaliang kaligtasan na iyon. Hindi rin magtatagal ay masisira ang pananggalang na pilit na sinisira ng makapangyarihang si Sheridon. 

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon