Chapter 38 |Luck & Risk

19 2 4
                                    

Bumibigat ang atmospera sa paligid at ramdam na ng mga manonood ang init ng laban sa natatanging lamesa na iyon.

“Fold,” ang saad ni Ricks na nagpasya nang iwasan ang pagtaas pa ng kan’yang pagtaya sa bet ng kaibigang si Gulliver.

Tumaas ang sulok ng labi ni Silver na malinaw na naririnig ang tibok ng puso ng katunggali. Sigurado na siyang nag-iisip na ito sa barahang hawak niya.

“Call,” aniya.

Halos sabay-sabay na nagpakawala ng buntong-hininga ang ilang manonood na kinakabahan sa kanilang mainit na tunggalian.

Iniayos ni Tom ang kan’yang salamin bago niya ipagpatuloy ang laro na sa tingin niya ay alam na niya kung kanino papanig.

“Flop,” ani Tom na isa-isang isinawalat ang tatlong cards sa ikalawang round ng laro.

Ten of spade; seven of spade; at ang kahuli-hulihan sa tatlong baraha, na lumantad sa lahat ay ang Ace of spade.

Napasinghap si Gulliver mula sa kan’yang kinauupuan.

“Raise,” ang buong kumpyansang saad ni Gulliver.

Muling napuno ng maugong na bulungan ang bawat sulok ng unang palapag ng Las Veras Casino.

Ang tayang limang daang libong dolyar  kanina lamang ay pumatak na sa limang daan at dalawampu’t limang dolyar.

Mukhang si Gulliver Mcmillan na naman ang uuwing wagi sa araw na iyon, sa isip-isip ng mga manonood. May kasiguraduhan na sa kanilang mga prediksyon, base sa kumpyansang laro na ipinapakita ng ginoo.

“Unang laro pa lang ito, pero mukhang ilalaban na lahat ni Silver ang pera natin!” naghihisterical na saad ni Kick.

“Pwede bang manahimik ka. Sa una pa lamang ay iyon na ang plano. Ang lumaban ng patas at buo ang loob,” ang sabi ni Tempest na naniniwalang may laban ang mga baraha ni Silver.

Tila nagbago ang paniniwala niya pagpatak ng laban sa ikalawang round.

“Raise,” ani Silver na ikinagulat muli ng lahat. Pumatak na sa six hundred thousand dollars ang halaga ng chips.

“Call,” ang saad naman ng matanda na mukhang nagkaroon na rin ng kumpyansa sa kan’yang mga baraha pagtuntong nila sa second round.

Katulad ng matanda ay sumang-ayon na rin si Ricks sa bet na six hundred thousand dollars, na inaasahan niyang mas lalaki pa sa third at fourth round.

Inaasahan pa ng mga manonood na magiging mas kapanapanabik pa ang second round, ngunit nagdesisyon na si Gulliver at Silver na isarado sa six hundred thousand dollars ang taya dahil may natitira pa namang mga rounds.

“Sarado tayo sa six hundred thousand dollars para sa round two,” ani Tom na dumako na sa third round, ang tinatawag na turn. Ang ika-apat na baraha na hinihintay ng bawat isang manlalaro.

Queen of spade ang siyang isiniwalat ng ikaapat na baraha. Muling nagbitaw ng bet ang bawat manlalaro. Sa ika-tatlong round ay napansin ng mga manonood na kumpyansa pa rin ang tatlong manlalaro sa kanilang mga baraha, maliban na lamang sa maamong matanda na umiwas nang tumaya sa ikatlong round.

Pumatak na sa six hundred and sixty five dollars ang kanilang taya sa ikatlong round. Hindi rin gaanong katagal gaya ng ikalawang round.

Mas naging maugong na ang paligid sa pagtapak ng laro sa ika-apat at huling round ng laro, na tinatawag na River kung saan isisiwalat na ang huling baraha.

Sa paningin nila ay naging slow motion ang lahat bago isiwalat ni Tom ang huling baraha.

“Six of spade,” ani ng beteranong dealer na bahagyang pumatak ang pawis sa may sintido.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon