Chapter 31

19 3 0
                                    

[Delivery Boy]

Sumisikat na ang haring araw kasabay ng pagpagaspas ng mga pakpak ng isang grupo ng uwak na tila ba nagdidiwang sa himpapawid, kasabay nang pagkalembang ng malaking cathedral.

Handa na ang lahat patungo sa Ape City upang ipagpatuloy ang kanilang misyon. Ngunit isang nakabubulabog na balita ang sumalubong sa kanila.

“Nagdeklara ang Chimpan City ng restriksyon sa pagpasok ng mga dayuhang bayani sa kanilang bayan,” ani Fang na siyang nagbukas ng isang sulat mula sa bayan ng Gabrelius.

Hindi na nagulat si Silver. Naganap nga ang hinuha ni Clay Griffin. Matagal na niyang kilala ang mga bayani sa unang henerasyon kaya’t alam na niya ang takbo ng pag-iisip ng mga kapwa niya bayani.

“Bakit naman kaya?” ang tanong ni Zorro.

“Pero kung ako ang malalagay sa parehong sitwasyon, pipiliin ko rin ang kanilang desisyon,” ani Zero.

“Bilang isang pinuno ay mas nanaisin kong unahin at masiguro ang kaligtasan ng aking nasasakupan,” dagdag pa ng ginoo na sa tingin nila ay talagang may dunong.

“Pero anong gagawin natin? Isa ang bayan natin sa pinagbabawalang umapak sa kanilang teritoryo,” ang sabi ni Ferro.

“Kailangan nating sumunod sa utos ng hari. Sa ngayon ay kailangan muna nating makabalik sa Gabrelius at sundin ang kanilang kagustuhan,” ang saad ni Fang.

Napasabunot si Kick sa kan’yang ulo.

“Bakit hindi na lang tayo pumuslit sa loob nang hindi nila nalalaman?” suhestiyon ni Kick.

Ngunit mariin siyang tinutulan ni Clay na kabisado na kung paano magalit si Valin Gaumont. Sinang-ayunan rin iyon ni Monkie na higit na kilala ang kan’yang tiyahin.

“Babalik na tayo sa Gabrelius katulad ng iniutos ng hari,” ang huling desisyon ni Reaper.

Nagpahanda si Clay ng kanilang masasakyan pauwi ng Gabrelius. Siya mismo ang nagbigay ng pamamaalam sa mga bayani ng seventeenth  generation mula sa Gabrelius.

Isang pagtitig niya sa malalim na asul na mga mata ni Silver kasabay ng pagtango nila sa isa’t isa na para bang naiintindihan na nila.

Sa muling pagkikita. . .

Isang pagaspas ang ginawa ng higanteng uwak, isang senyales ng kan’yang pagbuwelo na handa na siya sa kan’yang paglipad sa ere. 

“Mag-iingat kayo Seventeenth!” ang pamamaalam ng mga sangganong kasama ni Clay Griffin.

Sabay-sabay namang ipinakita ng mga wolf ang kanilang hand signals na naging awkward para sa mga kasamahan nilang nabibilang sa ibang guild.

Pagkatapos ng isang pamamaalam ay sumubok na ang higanteng uwak sa kaniyang paglipad sa himpapawid
kaya’t napatakip ng kamay sa mukha si Clay Griffin at ang mga kasamahan nito, na halos kumain ng alikabok.

Nang mawala ang alikabok sa paligid ay kaagad na tumingala ang mga sanggano. Kuminang ang mga mata ng mga sanggano nang makita nila ang paglipad ng kanilang alagang uwak sa unang pagkakataon.

“Handa na ba talaga si Goonie? Parang kelan lamang ay kasisilang pa lamng niya,” ang tanong ng matabang sanggano kay Clay.

“Malalaman natin iyan sa pagbabalik niya,” anas ni Clay at saka tumalikod ng nakangisi.

---

Nakabibingi ang ingay ng hangin sa tenga ng mga bayani ng seventeenth generation. Ngunit para sa kanila ay mas maayos ang paglipad ng uwak na iyon kaysa ang sumakay sa Elidor.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon