Chapter 5

673 9 0
                                    

I found myself walking through the music room, but then when I'm almost there my feet glued on the path realizing that I shouldn't be here. Hindi ko dapat ipakita sa kaniya na ganito ako kahina para tanggapin lahat ng panglalait na sinabi niya sa akin noon.

"Nanette!" Nataranta ako ng mapansin na may papalabas ng music room. Mabilis kong tinakbo ang pagitan sa amin ni Rox. Tinakpan ko ang kaniyang bibig at hinila palayo doon.

"Ano ba naman? Wala naman sigurong premyo 'to, kung makahila at makatakbo tayo ay parang may nagawa tayong mali ah, o..." Pinanliitan niya ako ng kaniyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin, nagkunwari na may inaalis na dumi sa aking palda.

"Uy, Arjin!" maya-maya ay sigaw niya, hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang aking dibdib, lalo na ng maamoy ko ang pamilyar na pabango.

"Jeliah." Nagtama ang paningin namin ni Rox.

"Jeliah? Lakas mo naman Arjin, first name pa ang nais." Humalakhak si Rox.

"Hmm, her first name is better, sounds like a jelly." Mahina akong siniko ni Rox, kagat niya pa ang kaniyang labi.

"Ano nga pala ang ginagawa mo sa music room Arjin, doon kasi kita nakita-" Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Arjin, pagkatapos ay napatakip sa kaniyang bibig.

"Matagal na ba kayo magkakilala? Wait lang ah, siguro magsyota talaga kayong dalawa."

"No way!" Inirapan ko si Arjin at iniwan na silang dalawa doon.

Slowly, I move the heel of one of my feet, to the middle of the other, with my legs remaining straight, as well as my feet and legs turned out equally. The rhythm of joy that's blooming within me, that's what my passion's brought in my life.

"Bravo!" Namilog ang aking mga mata sa pagkabigla, nang makita ko si Papa na nasa pintuan ng aking kwarto habang pumapalakpak.

"Papa!" Halos madapa pa ako ng takbuhin ko ang pagitan sa amin at kaagad siyang yinakap.

"What are you doing here?"

"Bakit, hindi ka ba masaya na nandito si Papa?"

"Of course, I am happy!" Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.

"So, can I watch my ballerina?" Napa-ngiti ako at tumango sa kaniya.

Sitting in the backyard, I handed him a mug of chocolate coffee, our favorite. Underneath the night sky, he broke the silence.

"Kamusta ang unang araw mo sa eskwelahan? Pasensya ka na anak at hindi tayo nagkita ng lunes, naghahanap kasi ako ng trabaho na mapapasukan."

"Ayos lang, Papa. At least nandito ka ngayon. Iyong sa bago ko naman po na school na pinapasukan may nakilala ako agad na kaibigan, si Rox po, may pagka-tomboy nga lang." Mahina akong natawa, makalipas ang ilang sandali ay napatitig ako sa kaniya.

"Pa, alam ba ni Mama na pupuntahan mo ako ngayon dito?" Umiling siya sa akin.

"I saw her live video with your Tito Jack, before I decided to go here. Naisip ko rin na wala ka kasama, kaya tumuloy na talaga ako sa pagpunta dito." Ngumiti siya sa akin. I was in my 5th grade in elementary when I realized that a smile is one of the foolish things in the world. A person can let you believe that everything's fine, but then even how perfect it looks, you'll notice that there's something wrong from the way their eyes wear that twinkle, screaming that they're actually hurting.

"I'm sorry, Papa," nabasag ang aking boses, ginulo niya naman ang aking buhok.

"Why saying sorry to Papa, hmm?"

"Sorry, if I'm not enough to make Mama fix your marriage." Hinaplos niya ang aking pisngi at hinalikan ako sa noo.

"Hush, you don't need to say sorry to a situation that are really destined to end up being broken, sweetie. Ang mahalaga sa akin, masaya ako dahil nagkaroon ako ng anak na katulad mo." Mabilis ko siyang yinakap.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon