Chapter 22

499 6 0
                                    

"Nag-enjoy ka ba?" Napatitig ako sa magkahawak namin na mga kamay at tumango sa kaniya.

"Basta kasama kita." Napakagat siya sa kaniyang pang-ibaba na labi at napangiti.

"Hmm, if that's the case, pwede ba makitulog ako dito ngayon sa inyo, para sure ako na hanggang sa pagtulog mo nage-enjoy ka?" Natawa ako at hinampas siya sa kaniyang braso.

"Sira! Sige na, ng makapagpahinga na rin iyong driver niyo." Dahan-dahan ay binitawan namin ang kamay ng isa't-isa, hindi pa rin natatanggal ang tinginan namin dahil paatras siya kung maglakad.

"I'll miss you," napa-irap ako.

"That's a kind of hyperbole," sambit ko. Huminto siya sa paglalakad, at hindi ko inaasahan na tatakbuhin niyang muli ang pagitan sa amin para madampian ako ng halik sa aking noo.

"Goodnight, my love! See you in my dreams!" sambit niya, kumindat pa sa akin bago tuluyang tumalikod sa akin at maglakad papasok sa kanilang kotse.

"Goodnight, din. Ingat kayo!" He waved his right hand. Nang mawala na sa aking paningin ang kanilang kotse ay napatitig ako sa tatlong pula na rosas na ibinigay niya sa akin, inamoy ko iyon at dinama ang kakaibang saya na nagsasayaw ngayon sa aking damdamin.

Hindi rin naman nagtagal at pumasok na ako sa loob ng bahay, bagama't nagtataka ay yinakap ko si Papa ng siya ang sumalubong sa akin.

"Pa, ang aga mo nakauwi ngayon. Nagbago na ba ang schedule mo sa trabaho?" Sa halip na sagutin ako ay dinala ako ng kaniyang tingin kay Mama na nakaupo sa may sofa at sa gilid nito ay si lola na nang magtama ang aming paningin ay malalim na napa-buntong hininga.

"Ma!" Mabilis akong tumakbo palapit dito, nang makalapit ako sa kaniya ay saktong pagtayo niya naman mula sa pagkakaupo kaya nayakap ko rin siya ng mahigpit.

"Mama, masaya ako at nakita na kita." Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata ng maramdaman ko ang pagyakap niya pabalik kahit sandali lamang iyon.

"Hindi rin ako magtatagal dito. Iyong mga gamit mo, na ayos mo na ba?" Natigilan ako, at sandaling napasulyap kay Papa na nag-iwas din ng tingin sa akin bago ako muling kumibo.

"P-Pero, Mama..."

"Ano?"

"Hindi ko po pwede iwan na lang dito sina lola. Baka naman okay lang kung isama na natin sila."

"Are you insane, Nanette? Ano na lang sa tingin mo ang sasabihin ng Tito Jack mo?"

"Ayoko lang naman po malayo kina Papa."

"Ah, ganoon naman pala. Sige, manatili ka dito!" Kinuha nito ang bag at nagsimula na maglakad palabas, ngunit kumapit akong agad sa braso nito.

"Ma, h-huwag mo na akong iwan. Please, stay..." Napalunok ako, ang pagkakahawak ko sa kaniya ay naging mahigpit na pagkakayakap.

"Bitawan mo ako, Nanette." Paulit-ulit akong umiling.

"No! Please, Mama..."

"I'll d-do everything, I'm willing to give up my dream, pero Mama, huwag ka ng umalis." Namanhid ang aking dibdib, sa sakit na nararamdaman, at napa-upo na lamang ako ng tuluyan niya ng nakalas ang aking kamay mula sa mahigpit nitong pagkakayakap sa kaniya.

"Pinili mo dito, kaya panindigan mo na mabuhay ng wala ako!"

"Ma!" Napahagulgol ako, binalak siyang habulin pa, ngunit pinigilan na ako ni Papa.

"Shh, I'm sorry. Patawarin mo si Papa anak."

"Apo, hayaan mo na ang Mama mo. Nandito pa rin kami ng Papa mo."

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon