Chapter 23

481 7 0
                                    

Sa paglabas ko ng classroom ay napahinto ako sandali ng marinig ko ang boses ni Arjin.

"Saan ka pupunta?" Natawa ako sa kaniyang katanungan, ipinakita ko naman ang hawak ko na flash drive.

"Magpapa-print ako ng chapter 3 namin."

"Bakit, ikaw lang? Nasaan iyong mga ka-group mo?"

"Iyong iba ay hindi ko pa nakikita, 'yung dalawa na lalaki naman, taga-singil ko lang din sila, hindi na ako aasa ng higit pa."

"Sige na, diyan ka muna at baka maabutan pa ako ng pagsasara ng gate mamaya ng guard."

"Samahan na kita." Umangat ang aking kaliwang kilay, ngunit hindi rin ako tumanggi sa kaniyang kagustuhan. Habang naglalakad naman kami ay nilingon ko siya sa aking bandang gilid.

"Oy, Arjin! Nandito ka at sinasamahan ako, baka naman hindi ka tumutulong sa thesis niyo ah?"

"Oy ka rin, Jeliah. Masipag kaya itong future husband mo." Napakagat ako sa pang-ibaba ko na labi at pabiro na kinurot siya sa kaniyang tagiliran.

"Sure na sure ah,"

"Syempre, kahit kapalaran ay matatakot na humadlang sa ating dalawa."

"Tama ka riyan. Gusto rin naman kita makatuluyan kaya hindi na ako magrereklamo sa mga sinasabi mo," natatawang sabi ko. Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad, matapos ang ilang minuto na katahimikan sa pagitan namin ay nagsalita siyang muli.

"Ilang buwan na lang bakasyon na naman tapos college na tayo."

"May plano ka na ba? Like kung saan ka magte-take ng entrance exam, at kung ano ang kukuhanin mo na course?" tanong ko sa kaniya.

"Sa UP Diliman ako magte-take ng entrance exam, hindi na rin magbabago ang isip ko kasi kahit paano makikita pa rin kita. Hindi na rin ganoon kalayo ang UP sa De La Salle University." Sandali ko siyang tinapunan ng tingin.

"At saka, ang plano ko ay malapit lang ang apartment natin sa isa't-isa para makampante ako."

"Kung makapagsalita ka naman ay parang ikakamatay mo kapag hindi tayo nagkita ng matagal." Lumapit siya sa akin, kaya naman nagtatama na ngayon ang aming mga braso.

"Ganoon talaga, Jeliah. At saka hindi sa literal, but when you really love someone, losing or not seeing that person even just in one day feels like there's an emotions that's killing you inside."

"Sabagay, tama ka naman diyan."

It's already a month of March, nang nakaraan na linggo lamang ay kumuha kami ng entrance exam ni Arjin sa Unibersidad sa Manila kung saan namin napagplanuhan na mag-aral ng college.

Ngayon ay halos pagod ang mababakas sa mukha naming magkaka-klase, nagpra-practice kasi kami ng modern dance na ipe-perform namin next week. Hindi ko na rin maipagkakaila na napapagod na ako.

"Guys, ulitin natin. Hindi pa rin talaga sabay-sabay." Malalim akong napabuntong-hininga at pinahid ang ilang butil ng pawis sa aking bandang noo.

"Ayos ka lang?" Nilingon ko si Arjin na nasa aking kaliwang banda nakapwesto.

"Hindi, nagugutom na ako at pagod na. Ayoko lang masungitan ni Jerry," bulong ko.

"Ipagpapaalam kita, Je-" Mabilis ko tinakpan ang kaniyang bibig.

"Sira ka ba? Tiyak ako na gagaya ang iba at saka ayoko isipin ng ibang kaklase natin na unfair ako."

"Balik na sa dating pwesto guys, dali! Pagod na rin ako." Sumunod na kami agad, dahil alam din naman namin na hindi ganoon kadali magturo ng sayaw.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon