Chapter 11

503 10 0
                                    

Pagkatapos ko magwalis sa harapan ng aming classroom ay kinuha ko ang isang maliit na timba para lagyan iyon ng tubig sa hindi naman kalayuan na gripo para madiligan na ang mga halaman.

Matapos kong mapuno ng tubig ang timba ay sandali ko munang pinunasan ang ilang butil ng pawis sa aking noo. Umagang-umaga ay napapagod ako, iyong mga ka-grupo ko naman kasi ay sadyang nagpapahuli kung pumasok, kung hindi naman ako gagalaw ay kami din ang mapapagalitan.

Nang pabalik na ako sa harapan ng aming classroom ay nakita ko na kakapasok lamang ni Arjin. Hindi ko naman na rin siya masiyadong pinagtuunan pa ng pansin at pagkatapos maubos ang tubig na nasa timba ay bumalik lang din ako sa may gripo para lagyan itong muli.

"Ang sipag naman." Napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa aking bandang likod, hindi ko na rin naman kailangan pa na lingunin kung sino iyon, dahil pamilyar na sa akin ang kaniyang boses. Pinatay ko naman na ang gripo ng mapuno ng muli ng tubig ang timba. Sa paghawak ng aking kamay sa hawakan nito ay saktong ganoon din ang kaniyang ginawa. Napatitig ako sa aming kamay na ngayon ay magkapatong, at hindi ko maitatanggi ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Ako na," saad niya.

"Hindi kaya ko na." Hindi niya pa rin inalis sa hawakan ng timba ang kaniyang kamay.

"Arjin, bitawan mo. Magtatagal pa ako niyan dahil sa iyo eh!"

"Bakit ba balik pagsu-sungit ka na naman sa akin?" Naitikom ko ang aking labi ng dahil sa kaniyang katanungan. Binuhat ko na ang timba at nagsimulang maglakad, ramdam ko naman ang presensya niya sa aking bandang likod.

"Minsan mo lang din ako kausapin, maayos naman tayo tuwing nagkikita dati at nagkakausap." Hindi ko siya kinibo hanggang sa matapos na akong magdilig ng halaman, unti-unti na rin dumarami ang aming mga kaklase.

"Jeliah?" Hanggang sa makarating ako sa aking silya ay patuloy lang siya sa pagsunod sa akin.

"Tina-tanong ki—"

"Arjin!" Mabilis na nabaling ang kaniyang atensyon kay Sheila na kakababa lamang ng bag. Lumapit siya sa amin na tila ba mayroon magandang balita at sa tingin ko nga ay hindi ako nagkamali.

"Natutunan ko na i-play sa piano iyong Clair de Lune," sabi nito kay Arjin.

"I actually have a record of that on my phone. Halika pakinggan mo." Bumagsak ang aking tingin sa kamay niyang humawak sa braso ni Arjin.

Napa-irap ako. At naitukod ang aking siko sa may desk. Ilang sandali lamang ay narinig ko na ang boses ni Rox, nilingon ko naman siya sa aking gilid habang ibinababa niya ang kaniyang bag.

"Anong mayroon sa umaga at ganiyan kaasim ang pagmumukha mo?" tanong niya sa akin, tila may humila naman sa aking mga mata para mapa-sulyap ako sa gawi nina Arjin at Sheila na kulang na lang ay magdikit ang mga ulo habang nasa pagitan ng kanilang mga tenga ang cellphone.

"Ah-huh? Masakit ba?" Tinitingnan ko siya habang nanliliit ang aking mga mata.

"Ang alin?" Umupo siya sa pinaka-desk at lumapit sa akin.

"Iyong makita iyong taong gusto mo na masaya sa iba?" bulong niya, hinampas ko naman ang kaniyang binti na idinu-dunggol niya pa sa akin.

"Hindi, kahit magmukha pa silang daing na tuyo ay wala akong pakialam, Rox." Iniwas ko sa kaniya ang aking tingin, umupo naman na siya sa silya na katabi ng sa akin.

"Huwag mo na kasi ilihim sa akin, Nanette. Kahit tumanggi paulit-ulit iyang bibig mo ay masiyado naman halata riyan sa mga mata mo na mayroon ka gusto kay Arjin." Pumade-kwtaro siya ng upo at nilaro ang dulo ng kaniyang mga daliri.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon