Chapter 13

522 8 0
                                    

It's Sunday, after that day. Sinigurado ko na isasantabi ko muna ang ilang gawain na mayroon ako. Pagkatapos kong lagyan ng hairpin ang ilang bahagi ng aking buhok ay lumabas na ako sa aking kwarto.

"Are you ready?" Masaya akong tumango kay Papa, at tumakbo na pababa ng hagdan. It's our bonding time again now. We're going to watch a ballerina show in a nearby place here in our street. And like before, that moment is indeed memorable. It seems like the wind brought back the happiness I wanted to just stay in my daily life.

I slowly opened my eyes, just to realized that I fell asleep in almost an hours. Masiyado lamang siguro talaga akong napagod sa mga pinuntahan namin ni Papa kanina. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga. Napahawak ako sa aking tiyan, hindi naman ako nagugutom, dahil na rin siguro sa dami ng kinain namin kanina, ngunit naisipan ko pa din lumabas ng kwarto para sana magtungo sa kusina at uminom ng tubig, ngunit natigilan ako sa dulo ng hagdan ng mahagip ng aking tingin si Papa na nakaupo sa may carpet doon sa may sala at may hawak na bote ng alak.

I remained where I was standing silently. He looked a little sad and that made me think to walk towards and ask him what's wrong, not until I heard his sob.

"Why? W-Why Janette?..." My hands that's resting on the side of the stairs tighten. I turned my back to him and slowly walked inside my room again and locked its door, because I couldn't look at him anymore.

All along I thought that my father already forgot my mother, that he's no longer hurt from all what's happened unlike what I'm going through, but I am wrong.

Napasandal ako sa may pintuan, unti-unti ay yumukom ang aking mga palad. Paanong hindi ko napansin na hanggang ngayon ay nasasaktan pa din si Papa sa lahat ng nangyari?

I took a deep sigh, maybe we can't really run away from the melancholy that our life has. We can't be one of the choices for someone if their decision is already intended for the person they want to be with longer. And in the shade of secret pain, I promised to myself that I will do my best to give a bundle of joy for the man who never left me. Ipinangako ko sa aking sarili, na kahit ano ang mangyari ay hindi ko iiwan sa Papa.

"Nanette, paki-sunod mo na nga lang itong mga notebook ng kaklase mo sa faculty, ah?"

"Sige po, Ma'am." Isinara ko na ang aking bag, itinabi ko na din ang mga gamit ko at hinintay magpasa ng notebook ang ilan ko pa na mga kaklase.

"Rox, patulong naman ako na isunod ito sa faculty."

"Nako, Nanette! Tinatapos ko pa itong assignment ko kay Sir. Lui, alam mo naman na kapag walang naipasa doon ay ilang linggo ka na pagi-initan ng ulo."

"Sige na, babalik din naman tayo agad dito sa classroom." Hinila ko ang kaniyang kamay, ngunit bumalik lamang siya sa kaniyang pagsusulat.

"Nanette, kaya mo na iyan o kaya magpatulong ka kay Arjin."

"Ayoko nga!" Napakamot siya sa kaniyang sintido.

"Ano nahihiya ka? Nako, huwag ka nga diyan Nanette, pansin na pansin ko na mas nagiging close na kayo ni Arjin, lalo na nitong mga nakaraan na linggo."

"Kaya sige na magpasama ka na sa kaniya. Ako na nga ang magsabi."

"Ar—" Mabilis kong tinakpan ang kaniyang bibig.

"Huwag ka nga sumigaw. Sige na! Ako na lang ang magdadala nito sa faculty, tapusin mo na iyong assignment mo." Dahan-dahan ay kinuha ko na sa lamesa ang mga notebook. Hindi ko rin maiwasan na mapasimangot dahil nahihirapan ako na magbalanse.

"Jeliah, da—" Akmang hihinto na ako ng malapit na ako sa pintuan dahil narinig ko ang pagtawag sa aking pangalan ni Arjin, ngunit ng lingunin ko ito ay nakita ko na naharang na siya ni Sheila, kaya naman nagtuloy-tuloy na lang din ako palabas ng classroom.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon