Chapter 12

501 10 0
                                    

Nagmamadali akong bumaba sa may tricycle at tumakbo papasok ng aming eskwelahan, muntik na akong madapa dahil mabato ang aking dinaraanan. Muli kong nilingon ang relo na nasa aking kaliwang kamay. It's already 7:47 in the morning, the start of our first class is at 7:30 pm. Napakamot na ako sa aking sintido at mas binilisan ang aking paglalakad.

"Kasalanan mo ito, Nanette. Bakit ba naman kasi isip ka ng isip sa kaniya? Hindi ka tuloy nakatulog agad kagabi!" bulong ko sa aking sarili at pagdating ko sa aming classroom ay habol ko ang aking paghinga. Halos lahat ng kaklase ko ay nandito na, ang akala ko pa ay mag pinapagawa na sa kanilang groupings na activity.

"Nanette! Halika na, wala pa si Ma'am." Mabilis na akong pumasok at pabagsak na inilagay ang aking bag sa aking silya.

"Mabuti na lang, ang buong akala ko ay male-late ako, moody pa naman madalas si Ma'am, baka napagalitan na ako kung sakali man na nandito siya."

"Sa tingin ko ay wala si Ma'am, hindi naman kasi nale-late iyon." Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng aking palda at pinunasan ang ilang butil ng pawis sa aking noo.

"Akala ko ay hindi ka papasok. Ano ba ang nangyari at na-late ka?" Tumingin ako sa kaniya, itinagilid naman niya ang kaniyang ulo.

"Hindi ka ba nakatulog?" Nagpipigil ng tawa niyang tanong sa akin, sumandal naman ako sa aking silya.

"Hindi," tipid kong sagot at nagulat ng makita na kakapasok pa lang sa classroom ni Arjin.

"Good Morning, Arjin! Late ka ata ngayon?" pagbaling na tanong sa kaniya ni Rox.

"Magu-umaga na kasi ako nakatulog," sagot naman niya, kalaunan ay nakita ko na nilapitan siya ni Sheila, habang nabaling naman sa akin muli ang atensyon ni Rox.

"Ano na naman nasa isip mo?" Humagikgik siya at ipinatong ang isang kamay sa aking balikat.

"Bakit parehas ata kayong hindi nakatulog ng maayos ni Arjin?" Nanliliit ang kaniyang mga mata na tanong sa akin, pinalis ko naman ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat.

"Nagkataon lang iyon!" sagot ko sa kaniya at kinuha ko na lang ang aking cellphone para manuod na lang sana ng ilang ballerina's performance sa YouTube, tutal ay wala naman ang aming teacher. Namilog naman ang aking mga mata at mabilis kong itinaob ang aking cellphone sa may desk ng mapagtanto na hindi ko pala iyon na-exit sa timeline ni Arjin kagabi bago ako makatulog.

"Nagkataon ba talaga?" Namayani ang halakhak ni Rox sa buong classroom. Hindi naman ako maka-ngiti ng mapalingon sa amin ang ilan kong mga kaklase, kabilang na sina Sheila at Arjin.

Tinakbo ko ang aking kwarto para kuhanin ang isang bag pati na rin ang isang plastik kung saan ko ipinasok ang ilang mga gamit na kailangan namin para sa by partner na experimentation sa subject namin na Science. While I was walking down the stairs I dial the phone number of Arjin, just to tell him not to go there anymore.

"Actually papunta pa lang ako."

"May kasama ka ba diyan sa bahay niyo?"

"Hmm, oo. Nandito sina Daddy."

"Oh, good. Pwede ba na diyan na lang sa inyo? Ano kasi..." Inikot ko ang aking paningin sa may loob ng bahay. Araw ng Sabado ngayon, ngunit naiwan ako dito mag-isa dahil may bibisitahin si lola na kamag-anak at si Papa naman ay ipinatawag ng kaniyang boss dahil sa may biglaan itong kailangan puntahan.

"Kasi? Are you still on the line?" Napatikhim ako.

"Ah, o-oo. Ako lang kasi mag-isa dito sa bahay, umalis sina Papa at lola. A-And I think..." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Sure! Sunduin na kita."

"Nako, huwag na. Alam ko naman na kung saan iyong bahay niyo."

"I insist. Tara tuloy dumaan sa palengke para bilhin iyong mga kulang pa natin na gagamitin."

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon