Chapter 16

489 7 0
                                    

Masakit ang aking ulo ng magmulat ako ng aking mga mata kinabukasan. Kahit ang aking pakiramdam ay mabigat.

"Aish! Ang sakit ng ulo ko..." Muli akong napapikit dahil nasisilaw ako sa may sinag ng araw na nagmumula sa bintana dito na bahagyang nakabukas.

"Mabuti naman at gising ka na." Sandali kong ibinukas ng bahagya ang aking kanan na mata ng marinig ko ang boses ni Papa.

"Naka-inom ka, mabuti at hinatid ka dito ng kaibigan mo. Halika at uminom ka nitong gamot para mabilis matanggal ang hangover mo." Isinandal ko ang aking likuran sa dulo ng kama at inabot ang gamot at tubig ng hawak ni Papa. Pagkatapos ko iyon inumin ay ibinagsak kong muli ang aking sarili sa higaan dahil pakiramdam ko ay binibiyak ang aking ulo. Napahinto naman ako ng mahagip ng aking tingin ang orasan.

"A-Alas-onse na?" Napahilamos ako ng aking mukha ng maalala na hindi pa nga pala weekends ngayon. Nilingon ko si Papa na ina-ayos ang tray kung saan nakalagay ang baso sa may ibabaw ng silya na kalapit ng aking kama.

"Magpahinga ka at mamaya ay maligo ka na dahil ang baho mo na." Pinisil ni Papa ang dulo ng aking ilong, pagkatapos ay tinawanan ako.

"Pa, hindi ba ay may pasok ka?" Tumango siya sa akin.

"Pero bakit po nandito ka?"

"Syempre, alam ko na kailangan mo ako. Ang likot at ang ingay mo pa naman pala kapag na lasing ka."

"Sorry, Pa. Baka mamaya niyan ay mapagalitan ka pa ng boss mo ng dahil sa akin." Umupo siya sa aking tabi at inipit ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga, at pinunasan ang ilang butil ng pawis sa aking noo.

"No worries, sweetie. Nagpaalam ako, isa pa kahit magalit sa akin ang boss ko ay ayos lang, basta ay maalagaan kita." Mabilis ko itong yinakap, inasar naman ako nito na tila ang baho ko na talaga.

"Nasaan nga po pala si lola?"

"Isang oras na din simula ng pumunta siya sa bayan para mamili ng ulam natin mamayang tanghalian."

"Sige na, maglilinis muna ako ng ilang kalat sa may sala at ikaw maligo ka na. Kung maayos na ang pakiramdam mo ay pumasok ka na din mamaya, para hindi ka mahuli sa ituturo ng mga guro mo."

Nang tanghali ay pumasok na rin ako sa eskwelahan, ganoon din naman si Papa sa kaniyang trabaho, habang si lola katulad ng dati ay naiwan sa may bahay. Tumindi ang sikat ng araw kaya naman kinuha ko ang aking payong at ginamit iyon bago ako makarating sa may hallway kung saan hindi na ako maiinitan pa.

"Nanette!" Natanaw ko na si Rox, na nasa harapan ng aming classroom at malayo pa man ay sinalubong na ako.

"Ang init, dapat ay naghintay ka na lang doon."

"Hindi na ako makakapaghintay pa!" giit niya at sumilong sa aking payong.

"Siya nga pala, salamat sa paghatid mo sa akin kagabi."

"Napasobra at ako, kaya sobrang sakit din ng ulo ko kaninang umaga pagkagising ko." Hinimas ko pa ang aking sintido, narinig ko naman ang kaniyang pagtawa.

"Sino ang nagsabi sa iyo na ako ang naghatid sa iyo?"

"Nasabi sa akin ni Papa, hinatid daw ako ng kaibigan ko, malamang ikaw iyon." Napahawak siya sa aking balikat at sumunod ay sa kaniyang bandang tiyan nang muli akong tawanan.

"Arjin, your so-called friend also, Nanette." Napahinto ako at napatitig sa kaniya. Hindi ko talaga naalala na si Arjin ang naghatid sa akin kagabi, at bakit niya naman iyon gagawin?

"Ibig sabihin..." Tumango siya ng makailang ulit, nanggigilid na ang luha sa sobrang pagtawa.

"Nandoon ka pa nga lang sa bahay nila ay nagpabuhat ka na." Nalukot ang aking mukha, at halos sabunutan ko ang aking sarili kung hindi ko lamang talaga hawak ang payong.

"Oh, calm down my friend. Hindi pa iyan ang dahilan kung bakit ko tinakbo ang mabato na daan at sinuong itong init." Kinabahan ako sa paraan ng pagngisi niya sa akin. Mamaya lamang ay nagtatalon na siya at may pasuntok pa sa ere.

"You did it! You already confessed your feelings to Arjin." Umawang ang aking bibig, nabitawan ko ang hawak na payong.

"N-No. Of course, I'll not confess!" giit ko, pilit ng inaalala kung ano ba talaga ang mga nagawa at nasabi ko sa kaniya.

"Maniwala ka man o hindi Nanette, hindi mo na mababago ang katotohanan. Ang totoo nga niyan at knock down na ako kagabi, ngunit umangat ang tenga ko sa isinigaw mo."

"Isinigaw?" Tumango siya sa akin, ako naman ay halos magpapadyak na sa aking kinatatayuan.

Pagdating sa classroom ay mas nauna na si Rox sa magkatabi namin na silya at doon ay ipinatong niya ang siko sa may desk na tila sinasadya pa na pagmasdan ako habang naglalakad ako palapit doon.

Nanginginig ang aking paa sa aking bawat paghakbang, natatakot ako na i-angat ng tuluyan ang aking paningin at iikot iyon sa loob ng classroom dahil baka magtama ang aming paningin ni Arjin, kaya naman sadyang nagulat talaga ako ng marinig ko ang kaniyang boses mula sa aking bandang likod na siyang bahagya ko pa na ikina-talon.

"Chin up, Jeliah." Nilingon ko siya, wala naman masama sa kaniyang sinabi, hindi ko rin alam kung para sa akin lamang ba, ngunit napansin ko ang naglalaro na ngiti sa gilid ng kaniyang labi.

"K-Kakapasok mo lang din?" Tumango siya sa akin, ramdam ko pa ang aking magkabilang pisngi na nagi-init.

"Magkasunod lang tayo," dagdag niya pa.

"Magkasunod?!" Mabilis kong natakpan ang aking bibig. Mas naging malikot na ang aking mga mata, ini-isip kung kanina pa kaya? At kung sakali man na oo, narinig niya kaya ang mga pagu-usap namin ni Rox.

"Naaalala mo ba iyong nangyari kagabi?" Napatitig ako sa kaniya, may kung anong kislap pa akong nakita sa kaniyang mga mata.

"Kagabi?" Kinakabahan akong tumawa.

"Iyon nga eh, hindi ko na maalala kasi knock out talaga ako. Sige, punta na ako sa silya ko." Pinilit ko ang ngumiti, at muli na akong naglakad palapit kay Rox habang madiin kong kagat ang aking pang-ibaba na labi.

Pagkatapos makalabas ni Rox sa loob ng classroom ay isinusi ko na ito. Pakiramdam ko ay nabunutan na ako ng kung anong tinik, dahil nalampasan ko na ang araw na ito ng wala naman akong ibang napapansin kay Arjin sa tuwing nagkakatinginan kami at nagkakausap, maliban sa madalas ko siyang nakikita na nakangiti.

I guess I survived from being silent about my true feelings for Arjin, at least I'm still not the one who said that I like him, with my eyes open and my mind in a normal condition.

Siguro ay hahayaan ko na lang isipin niya na dahil lang talaga sa sobrang kalasingan kung bakit ko nasabi sa kaniya ang mga salita na ganoon noong kaarawan niya. But then, he's the best guy when it comes on making you spill something you keep on hiding for a long time.

"Arjin, let's go," anyaya ni Sheila kay Arjin na hindi ko mawari kung bakit nga ba kasi nandito pa rin, hindi niya naman siguro hinihintay si Rox.

"Rox, tara na at isauli na natin itong susi kay Ma'am bago tayo umuwi."

"Sama ako," kapwa napalingon kami ni Rox kay Arjin.

"Just let them, Arjin. Nandoon na ang sundo mo, kanina ka pa din doon hinihintay ni Dandreb," sabi naman ni Sheila.

"Magu-usap pa kami ni Nanette." Naituro ko ang aking sarili.

"A-Ako? Ano naman ang pagu-usapan natin?" Nag-umpisa ng maglaro sa aking isipan ang mga posible na dahilan kung bakit kami magu-usap.

"It's important." Ngumiti siya sa akin, hindi naman nakatakas sa aking tingin ang bahagyang pag-irap ni Sheila.

"Alam mo Arjin, tama naman si Sheila. Umuwi na rin muna kayo kasi hapon na rin. Itulog mo na lang iyong sasabihin mo sa akin. Wala rin ako sa mood makipagbidahan sa iyo."

"Pero—"

"Bye! Ingat kayo. Rox, tara na!" Hinila ko na ang braso ni Rox, upang makalusot na din ako kaagad, ngunit napapikit ako ng mariin dahil sa paghabol ni Arjin.

"On Saturday then, I'minviting you to my grandfather's mango plantation." My knees weakened. Thevibration I felt in my heart amazed me. I still want to control it, but as longas I'm trying to, the more it feels like it wants to be shouted. Kung gaano kosiya kagusto ay nagkukumawala sa aking isipan, kung gaano ko gustong malamanniya na may espesyal akong nararamdaman para sa kaniya ay tumitili sa bawatsulok ng aking damdamin.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon