Chapter 2

886 16 0
                                    

Sa likod ng kawayanan ay nagi-ipon kami nina Lovely at Lea ng mga natuyo ng dahon. Napatalon naman ako sa gulat ng biglang sumigaw si Lovely, kaya napatingin kami sa kaniya ni Lea.

"May nahanap ako na malaking lata oh, dito natin iluto iyong bigas."

"Saan natin ipapatong?" tanong ni Lea.

"Wala ba kayong alam na mapagkukuhanan ng piraso ng hollow blocks?" tanong ko din.

"Mayroon kami doon sa likod ng bahay, kaya lang kailangan ko ng kasama para mabuhat agad ng hindi nagigising si Mama. Kami na ni Lea ang kukuha."

"Hihintayin ko na lang kayo dito?" Nagkatinginan sila.

"Hindi ah, ikaw ang kukuha ng isang dakot na bigas doon kina lola Anna mo."

"Ayoko, baka mahuli niya ako at ma—"

"Basta, kaya mo iyan Nanette." Nagtatakbo na silang dalawa, ako naman ay napakamot sa aking sintido.

Tulog ang aso ni lola na si Jill, tahimik din ang bahay, marahil tulog si lola dahil nga katanghalian ngayon. Inalis ko ang aking sandalas at dahan-dahan na pumasok sa bahay at nagtuloy-tuloy ako sa gilid ng kusina para magtungo sa lalagyanan ng bigas.

"Okay na siguro ito." Inilagay ko sa isang maliit na plastik ang isang dakot na bigas na akong kinuha. At saka maingat na akong naglakad muli, ngunit wala pa man ako malapit sa pintuan ng mapahinto ako ng dahil sa presensya ni lola.

"Ano na naman iyan, Nanette?" Bigla akong kinabahan, mabilis kong naitago ang plastik sa aking bandang likod.

"W-Wala po lola, uminom lang ako ng tubig." Napalunok ako.

"A-Akala ko ay tulog ka lola. Sige po, alis na a—"

"Nanette, kayo talagang mga bata kayo. Nakita ko roon sa likod ng kawayanan sina Lea at Lovely. At alam ko na kumuha ka ng bigas at magluluto-lutuan kayo." Kinakabahan akong tumawa.

"Na—" Matapos ko maisuot ang aking sandalas ay mabilis akong nagtatakbo. Napapikit pa ako sandali ng mariin ng paglingon ko ay nakita ko si lola na hinahabol ako ng walis-tingting.

"Hala!" Nagtago ako sa likod nina Lea, ngunit sa huli ay sila ang nagkubli sa aking likuran.

"Itigil niyo iyan, Nanette akin na ang bigas." Inilabas ko iyon sa aking bandang likuran.

"Kung ano-ano ang ginagawa niyo, kapag kayo namatanda, ewan ko na lang sa inyo. Lovely, Lea, umuwi na kayo at magsi-tulog!" Mahina akong siniko ni Lea, dismayado naman akong tumango sa kanila. Ngayon ay naglalakad na kami ni lola pabalik sa bahay habang walang tigil ang pagsesermon niya sa akin.

"Sa tingin mo ba ay hindi tayo papagalitan ng Mama mo kapag nalaman niya ito?" Napayuko ako.

"Sorry na po lola, pumayag lang naman ako makipaglaro ng ganoon, kasi sabi nila ay papanoorin nila ako sumayaw ng ballet."

"I just want to know others opinion about my talent, lola. Puro kay Papa ko lang naman kasi nalalaman kung nagi-improve na ako o hindi. And knowing him, his really never want me to felt disappointed, baka pangit pala galaw ko pero sinasabi niya na magaling pa rin ako." Napahinto ako ng huminto rin sila at lumingon sa akin.

"Hija, alam mo naman na taliwas ang pangarap para sa inyo ng Mama mo hindi ba? Bakit hindi mo na lang subukan iyong gusto niya, tutal bata ka pa naman, para mas madali ka matuto sa pagpa-piano."

"Pero paano naman iyong gusto ko, lola?" Hinawakan niya ang aking balikat.

"Malay mo magbago pa din ang hilig mo, bas—" Malalim akong napa-buntong-hininga.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon