Chapter 1

1.7K 19 0
                                    

Mula sa kabilang sa taas ng puno ng bayabas ay lumipat ang isang lalaki sa mas mataas pa na sanga nito at nilaglag ang dalawang bayabas sa na hawak niya para saluhin naman ng isang lalaki na nasa ibaba at nakatingala sa kaniya.

"Pagkabilang kong sampu nakatago na kayo, isa, dalawa..." Inalis ko na ang aking tingin sa dalawang batang lalaki at inikot ang aking paningin sa paligid upang maghanap ng pwedeng taguan.

"Lima, anim..." Napakamot ako sa aking sintido, nataranta na kaya naman tumakbo na ako patungo sa gilid ng puno ng bayabas at nagtago sa may halaman ng santan. Napasimangot pa ako dahil may mga sapot dito ng gagamba, medyo malamok din.

"Stop!" Mas isiniksik ko pa ang aking sarili sa may gilid. Mula dito sa aking pinagtataguan ay natatanaw ko pa si Lovely na nagpipigil ng tawa kung saan siya nagtatago ngayon.

"Wala ng gagalaw ah," sambit ni Lea. Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig ng magawi sa aking banda si Lea, nakahinga naman ako ng maluwag ng nag-iba na siya ng direksyon, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng may bumagsak sa aking ulo.

"Aray!"

"Aha! Nanette, taya ka." Tumawa siya ganoon din sina Lovely. Napasimangot ako at matalim na tumingala sa may puno ng bayabas at doon ay nakita ko ang batang lalaki na dali-daling bumababa habang mahina pa na pumipito.

"Tara na, Dandreb. Mukhang dragon iyong nabagsakan ko ng bayabas," bulong niya sa kasamahan ngunit malinaw pa rin iyon sa aking pandinig.

"Hoy! Nakikikuha na nga lang kayo ng bayabas dito kina lola pagkatapos ay babagsakan niyo pa ako, ng dahil sa inyo ay nabuking kung saan ako nagtatago." Naghagikgikan sa aking gilid sina Lovely. Ipinagkrus ko ang aking mga braso sa aking bandang dibdib at naglakad palapit sa lalaki na nasa taas ng puno ng bayabas kanina.

"Ano, hindi ka man lang ba magso-sorry?" Tinaasan ko ito ng aking kilay. Siniko naman siya ng kaniyang kasamahan.

"Magsorry ka raw, Arjin." Tumingin siyang muli sa akin, bumuntong-hininga pa ito ng malalim. Lumapad ang ngiti sa aking labi sa paga-akala na hihingi na ito ng paumanhin sa nagawa, ipinikit ko pa ang aking mga mata habang hinihintay siya, ngunit napamulat ako sa halakhakan nina Lovely, Lea at Lyka at ang nakita ko na lamang ay ang dalawa na tumatakbo na palayo at sa bandang dulo bago ang eskinita ay dali-dali ng sumakay sa isang kotse.

"Oh, ano na Nanette? Huwag mo sabihin na nakalimutan mo ng ikaw ang taya." Napa-irap ako, padabog na naglakad patungo sa puno ng sampalok at doon ay ipinikit ang aking mga mata at nagsimula ng magbilang.

Nanggigigil ako na naglakad papasok sa aming bahay ng maka-uwi na ako. Sa aking isipan ay pinapatay ko ang lalaki na dahilan kung bakit tila magkakabukol pa ako sa aking ulo.

"Nanette, where have you been? And what's that?" Napahinto ako, nakatitig lamang kay Mama habang tinitingnan niya ang ilang dumi sa aking damit.

"Nakipaglaro lang naman po ako doon kina lola." Nangunot ang kaniyang noo.

"Doon na naman ba kina Lovely? Ilang beses ko ba kailangan ulitin sa iyo na huwag ka na makikipaglaro sa kanila?"

"Ma—"

"Tingnan mo, ang dungis mong tingnan!" Napanguso ako, kasabay ng pagtama ng aking paningin kay Papa na pababa sa may hagdan.

"Janette, huwag mo na pagalitan ang bata. She's still a kid, normal lang na makipaglaro siya. Mabuti na iyong ma-enjoy niya naman ang buhay." Pagkalapit sa amin ay ngumiti sa akin si Papa, at natutuwa na pinisil ang dulo ng aking ilong.

"Jeloh ah, huwag mo mga ini-spoiled itong anak mo. Hindi ngunit nagi-isa lang siya ay ibibigay na natin lahat ng naisin niya." Minasahe ni Papa ang ibabaw ng balikat ni Mama, ngunit mas sumama lamang ang tingin nito sa kaniya.

"Bahala nga kayong mag-ama, aalis na ako!"

"Janette, linggo ngayon. Saan ka na naman pupunta? Alam ko na day off mo ng ganitong araw."

"May pupuntahan lang akong kaibigan, huwag ka na nga magtanong linisan mo na lang ang pasaway mo na anak." Kinuha na nito ang bag sa may gilid ng upuan. Napatitig ako kay Papa na sinundan ng tingin si Mama na nagtuloy-tuloy ng naglakad palabas ng bahay.

"C'mon, sweetie. Magbihis ka muna ng damit mo sa kwarto, para pagbalik ng Mama mo, hindi na siya magiging dragon sa iyo." Napangiwi ako, ngunit kalaunan ay sabay na lamang kami natawa ni Papa.

Sa harap ng salamin ay itinali ko ang aking buhok at inayos ang aking damit. Napa-ngiti ako at dali-daling pinindot ang aking cellphone, pagkatapos ay narinig ko na ang mabagal na himig ng isang kanta.

I put my feet together, as I slightly bend my knees and sway up my right hands slowly while making my body chase the rhythm of the music.

I want to dance, this is my dream at gusto ko na pagdating ng araw ay matupad ko ang aking pangarap na maging isa rin sa mga kilalang mananayaw ng ballet.

Pagkatapos ng ilang oras ko sa loob ng aking kwarto ay lumabas na din ako nang marinig ko ang boses ni Papa na tinatawag na ako para kumain ng tanghalian. Habang pababa naman ng hagdan ay hindi matanggal ang ngiti sa aking labi habang paulit-ulit ko pinapanood ang video ko mismo sa aking sarili na sumasayaw kanina.

"Kaunti na lang talaga." Humagikgik ako at ng makarating na sa dining table ay sandali akong umikot kung saan nakaupo si Papa.

"Papa, I have something to show you. Pigilan mo muna ang kumukulo mo na tiyan." Mahina akong tumawa.

"At ano naman iyan?" Pinagtaasan niya ako ng kaniyang kilay.

"Here." Inabot ko sa kaniya ang aking cellphone, dali-dali akong umikot sa kabila ng lamesa, umupo sa katapat ng kaniyang upuan at pinagmasdan siya na panoorin ang video.

"Aba! Ikaw ba talaga ito anak? Hindi ka ba nasapian doon sa kwarto mo?" Itinukod ko ang aking siko sa may lamesa.

"Nah, ako iyan Papa ang talented mong anak. Maybe next time I can do the Grand Jeté technique better than that. At saka bakit mo naman nasabi na nasapian ako, Papa?"

"Habang tumatagal kasi ay mas lalo ka gumagaling. Tiyak na matutuwa ang Mama mo kapag napanood ito." Napanguso ako at kinuha sa kaniyang kamay ang aking cellphone.

"Stop playing clueless, Papa. Alam mo naman po na ayaw ni Mama na nagtututo ako magballet, and you know how much she wants me to be in a piano training." Hindi ko maiwasan na malungkot, ngunit nabaling muli sa kaniya ang tingin ng kuhanin niya ang cellphone sa aking kamay.

"Hayaan mo na ang Mama mo, let me watch this talented girl again." He smiled at me, the same time he pinched the tip of my nose. Inilagay ko ang aking mga palad sa aking magkabilang pisngi.

My father is my only supporter from my dreams that I keep on hiding from my mother. Sa kaniya ko lang nakikita ang paghanga, na hindi ko makita sa mga mata ng iba. Kaya marahil kung papipiliin man ako sa kung sinong tao sa aking buhay, ay palaging siya lamang ang aking pipiliin. 

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon