Chapter 14

515 8 1
                                    

The silence of the room was filled by Arjin's movement of the chair, that time I couldn't even take my eyes away from him easily, because I was surprised to see his furrowed brows, and his closed fist resting on the desk in front of him, while looking at me.

"Halika na, kainin na natin iyang mga chocolate mo galing kay..."

"Ano na nga ang name ng manliligaw mo?"

"Hoy, Nanette!" Napalingon na ako kay Rox.

"Ah, James."

"Alam mo, bet ko rin iyon para sa iyo, kahit may pagkamahiyain ay gwapo naman." Palihim kong sinundan ng tingin si Arjin na naglakad palabas ng classroom, sinubukan pa siyang tawagin ni Sheila, ngunit hindi niya na ata ito narinig.

"Linggo na din ang lumipas simula ng manligaw si James sa iyo. Kahit si Dandreb ata ay boto para sa inyo, kasi tinutulungan niya iyong si James sa panliligaw sa iyo. Ano, kailan mo balak sagutin?" Inilagay ko sa ilalim ng aking silya ang ilang pulang rosas at itinuon ang aking paningin kay Rox na kumakain na ng tsokolate.

"Alam mo naman kung sino talaga ang gusto ko," mahinang sambit ko.

"Nako, sa tingin ko naman ay hindi interesado sa iyo si Arjin." Napasimangot ako ng dahil sa kaniyang sinabi.

"Ang saya naman ng sinabi mo," sarkastiko kong sabi sa kaniya.

"Ano ngayon ang balak mo kay James? Hahayaan mo na lang ng manligaw siya sa iyo, kahit alam mo sa sarili mo na wala siyang pag-asa riyan sa puso mo na si Arjin ang nilalaman?" Sinundot niya ang aking tagiliran dahilan upang ilayo ko ang aking sarili sa kaniya.

"Hindi ko alam, okay? Ayoko na makasakit ng damdamin." Pinitik niya ang aking noo.

"Sira ka talaga, sa laban ng pag-ibig may masasaktan at masasaktan. Walang kang choice."

"Pero malay mo habang nanliligaw sa iyo si James at mahulog din ang loob mo sa kaniya. Mas maganda iyon kapag nagkataon dahil makaka-move-on ka agad kay Arjin kahit hindi naman naging kayo." Tumalim ang tingin ko sa kaniya, binuksan naman niya ang panibagong tsokolate.

"Hindi ka nakakatulong Rox, manahimik ka nanlang." Dumukdok ako sa desk at hinayaan na lang siyang kausapin ang kaniyang sarili.

Ito na ang aking ika-anim na pagtayo sa aking silya, hindi ko kasi makita ang mga nakasulat sa pisara dahil puro ulo lamang ng aking mga kaklase ang nakikita, kaya naman naisipan ko na din na lumipat sa mas bungad na upuan.

Ang aking kaliwang siko ay ipinatong ko sa katabi na silya at saka ko ipinagpatuloy ang aking pagsusulat. Ilang sandali lamang ay kumalabog ang aking puso ng maamoy ang pamilyar na pabango at mapansin mula sa gilid ng aking mga mata na si Arjin ang umupo.

I want to laugh at the situation I'm in, I can't believe this, it feels like I'm going to be crazy. Kahit hindi ko pa siya tinitingnan ay nagwawala na ang aking damdamin, na tila ba gusto ko na kapag humarap ako sa kaniya ay aaminin ko ng gusto ko siya.

"Ano 'yung last sentence, hindi ko makita?"

"Alin—" Nilingon ko siya, ngunit hindi ko inasahan na ganoon kalapit ang kaniyang mukha. Nagtagal ang tinginan namin, hinintay ko pa ang pag-guhit ng ngiti sa kaniyang labi, ngunit nanatili lamang seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Do you like, James?" Naging mabilis ang pagkurap ng aking mga mata, ibinalik ko na lang din ang aking tingin sa aking notebook.

"Bakit mo naman nai-tanong?" Sandali akong sumulyap sa kaniyang kamay na nilalaro ang ballpen na hawak niya.

"Gusto ko lang malaman, kung may gusto na bang iba ang babae na gusto ko." Ang aking kamay na nagsusulat ay nanlambot, dahilan upang kusa iyong dumulas sa aking kamay at gumuhit sa notebook.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon