Chapter 7

530 11 0
                                    

I was speechless when our teacher said, that I and Arjin will be the one who'll going to perform on stage, since it's our section that's scheduled next month in a flag ceremony.

"Ma'am, hindi po ako pwede," ito ang aking dahilan.

"But your friend Rox, told me that you're a great ballerina."

"Oo, Ma'am! Totoo po." Binantaan ko ng tingin si Rox, I think she made an exaggeration again about that, kaya naman sa tono ng aming guro ay malaki ang tiwala nito sa akin.

"Ma'am—"

"That would be fine to me, Ma'am." Napatingin ako sa gawi ni Arjin.

"Excited na ako!" Tili ng ilan kong kaklase na babae.

"It's not a competition, no worries Nanette, just express yourself on the stage, isang araw lang naman iyon which is sa first Monday ng September."

Hindi na ako nakakibo, habang naririnig ko sa kanilang mga boses ang saya at pananabik ay hindi pa rin ako makampante.

"Galingan mo ah, sa wakas ay makikita na rin kita magballet," masiglang saad ni Rox, pagkatapos ay umupo sa aking tabi at inabot ang ipinabili ko na mai-inom.

"Nanette? Ano, dedma lang?" Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"Rox, naman kasi. Bakit mo sinabi kay Ma'am. At saka, hindi mo pa naman talaga ako nakikita magballet, tapos baka ang sinabi mo kay Ma'am ay pagkagaling-galing ko." Tinapik niya ang aking balikat.

"Hindi naman ito problema Nanette, huwag ka mag-alala, ako ang mangunguna na magchi-cheer sa iyo sa lunes," dagdag niya pa.

"Hindi mo ako naintindihan, Rox."

"Ha? Ano ba kasi ang dahilan at ayaw mo, dahil ba kasama mo si Arjin? Kasi hindi naman pwede na ang dahilan mo ay natatakot ka na magkamali o hindi maging maganda ang performance mo, dahil sa tuwing nagkwe-kwento ka sa akin ay pansin ko sa tono ng boses mo na masaya ka talaga sa pangarap mo na maging isang ballerina."

"Nako, Nanette. Masiyado ba malalim ang pagka-inis mo kay Arjin at hindi mo mapatawad?"

I turned my sight to the sky with shades of blue and white and it seemed like I met the sadness there. We're having a silent conversation again. It would be my happiness to let others see my talent, but I know that it'll be a disaster if my mother knows it.

"Pumayag ka na sweetie, tiyak na maraming tao ang hahanga sa iyo." Nilaro ko ang lapis sa akin kamay, at ini-loudspeaker ang aking cellphone.

"Ini-isip ko kasi si Mama, paano na lang kapag nalaman niya? Tiyak po na mapapagalitan na naman niya ako, lalo na at ang alam niya ay pinagbubutihan ko ang piano lesson ko at tuluyan ko ng ibinaon sa limot ang pangarap ko na maging isang tanyag at mahusay na ballerina."

"Kung palagi mo iisipin ang sasabihin ng iba, paano ka magiging masaya?" Natahimik ako. Nag-umpisa na akong maguluhan sa ano ang tamang gawin. Gusto ko magperfrom para sa class section namin, ngunit alam ko na hindi dapat dahil tiyak na makakarating ito kay Mama, dahil guro sa aming eskwelahan ang kapatid ni Tito Jack.

"Alam ko kung ano ang naglalaro sa isipan mo ngayon, Nanette." Binitawan ko na ang lapis, na tigilan na ako sa pag-guhit ng ilang larawan na siyang takdang-aralin namin.

"Sa dalawang desisyon, palagi mo dapat piliin kung ano ang mas titimbang na isisigaw ng puso mo at isipan." And there, I found the answer in my problem, I already chose my decision.

Nakaupo ako sa isang silya katabi si Dandreb, habang si Rox naman ay panay pa din ang papuri kay Arjin habang tumutugtog ito ng piano. Kung tutuusin ay kami lamang dapat dalawa dito sa music room, dahil Sabado ngayon, mabuti na lang din at napilit ko si Rox na pumunta ngayon dito.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon