Chapter 18

507 10 0
                                    

"Arjin, doon sa bandang gilid mo, mayroon pang hinog!" sigaw ko, habang siya naman ay nilingon ang aking itinuturo.

"Nasaan?"

"Ilihis mo iyong ilang dahon."

"Dito ba?" Napakamot siya sa kaniyang sintido. Kanina pagkatapos ko sabihin sa kaniya na gusto ko ng hinog na mangga ay kaagad siyang umakyat sa may puno.

"Jeliah, wala naman." Hindi ko na napigilan pa ang mapatawa.

Sometimes I am thinking what's the best part of being with him, but then I can't think of anything specific from them, because for me, every second that we're together, is indeed a very special moment I've had in my life.

"Niloloko lang kita, bumaba ka na nga diyan at hugasan na natin ito!" Napasimangot siya sa akin.

"Oh, dahan-dahan lang baka mahulog ka."

"Bilisan mo ah, sumunod ka na lang sa akin." Kinuha ko na ang mga mangga at nagsimula ng maglakad, ngunit natigilan ako sa kaniyang pagsigaw.

"Jeliah, nahulog na ako!" Mabilis akong napalingon sa kaniya, sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso ay tila sumasakit iyon.

"Sa'yo," dagdag niya. Matalim ko siyang tiningnan, pagkatapos ay tinalikuran ko lang siyang muli.

"Hey, hintay naman!" rinig ko pa na sigaw niya, ngunit hindi ko na siya binalak pa na lingunin, hanggang sa ilang sandali lang din ay naabutan niya na ako.

"Ang bilis mo talaga mapikon." Bahagya niyang ginulo ang aking buhok.

"Eh, siraulo ka naman kasi. Ang buong akala ko ay nahulog ka na roon sa puno ng mangga. Tapos ano magui-guilty ako ng sobra kasi ako ang dahilan kung bakit ka umakyat doon." Kinuha niya ang mga hawak ko at siya na ang nagdala ng mga mangga na hinog. Lihim akong napa-ngiti, ito ang isa sa gawain niya na nakatatak na sa aking isipan. Madalas sa tuwing may dala ako kung hindi siya darating na lang bigla ay hahabol naman siya para tulungan ako.

"Ang haba naman sinabi mo, pwede naman na sabihin mo na lang na, nag-alala ka sa akin, dahil sobra mo akong mahal." Napahinto ako sa aking paglalakad, umangat ang gilid ng aking labi, ngunit hindi ko na rin naituloy pa ang aking sasabihin.

One thing I like the most when I'm looking in his eyes? I can see that there's someone I can be my companion, and comfort. It's already the second summer vacation, almost two years since I said my sweetest yes to him. My father knows about our relationship, he's even with Arjin's side, everytime they're preparing a surprise for me. Even though I felt a sort of contentment, I still wonder if it'll be much better and happy if my mother also knows that I already found the second best man of my life.

"Tanggalin mo iyong salitang sobra." Pinigilan ko ang matawa, hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat at hinarap sa kaniya.

"Bakit kailangan ko pa tanggalin iyong salitang sobra? Hindi ba dapat parehas nating sobrang mahal ang isa't-isa, para sigurado ng hindi natin kakayanin na maghiwalay." Napatitig ako sa ekspresyon ng kaniyang mukha na tila unti-unting nalulukot. Kinagat ko ang aking pang-ibaba na labi, sandaling pinisil ang dulo ng kaniyang ilong at inilagay ang aking mga braso sa ibabaw ng kaniyang magkabilang balikat.

"Dahil sa pagmamahal, palagi dapat tayong may itira sa sarili natin, Arjin." Napatitig siya sa akin, inilayo ko naman na ang sarili ko sa kaniya at nagsimula na akong maglakad muli.

"Basta, mahal na mahal kita Jeliah." Bumagsak ang aking tingin ng hawakan niya ang aking kamay. Sumulyap ako sa kaniya at doon ko nakita ang ngiti niya na kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan na makita.

"Happy Birthday, Nanette!" Sa unti-unting paglinaw ng aking paningin pagkatapos ko tanggalin ang panyo na itinakip ni Lovely sa aking mga mata ay napatakip ako sa aking bibig gamit ang aking mga palad.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon