Chapter 9

516 10 0
                                    

Masasabi ko na masaya ako sa mga nangyari ngayong araw. Sana lamang ay palagi na lang ganito.

"You really surprised me, Pa. Hindi ko akalain na makikita kita doon kanina. You really made me happy."

"Syempre naman sweetie, kahit busy ako ay hahanap ako ng oras para makita ka magperfrom. Isa pa, matagal-tagal na rin simula ng huli mo iyong ginawa dahil sa pagpipigil sa iyo ng Mama mo." Napangiti ako at naisipan na maglakad-lakad sa loob ng aking kwarto.

"Ang totoo niyan ay kabado talaga ako kanina, mabuti na lang at may nagpalakas ng loob ko."

"Sino? Iyong lalaki na nagpa-piano?"

"Hmm, siya nga po."

"Hindi ba ay iyon din ang lalaki na ikini-kwento mo sa akin? Mabuti naman ang mukhang hindi ka na nai-inis sa kaniya ngayon."

"Sa tingin ko ay tama ka nga Papa. Hindi naman siguro masama kung papalayain ko sa damdamin ko iyong inis na nararamdaman ko para sa kaniya."

"Tama ka riyan anak. Sige at magpahinga ka na, ihahatid ko rin sa isang hotel iyong boss ko ngayon kaya kailangan ko na ihanda ang kotse. I love you, sweetie. Goodnight!"

"I love you too, Pa. Bye!" Masaya akong ibinaba sa gilid ng kama ang aking cellphone, kasabay ng isang pagkatok sa pintuan ng aking kwarto. Naglakad naman ako patungo doon, at pagka-bukas na pagka-bukas ko nito ay isang sampal ang sumalubong sa akin.

"Hindi ka na talaga nadala, Jeliah Nanette? How many times do I have to tell you? No to ballet dance!" madiin na bigkas niya sa bawat salita. Nanginig ang aking mga kamay na nakahawak sa aking pisngi na kaniyang sinampal.

"Ma, so—"

"Sorry?" Itinulak niya ang aking balikat kaya napa-atras ako.

"Ipinapahiya mo ako. Kung hindi ko nalaman sa Tita Jacqueline mo ay hindi ko malalaman iyong pagsuway na ginagawa mo sa akin!"

"Ma! It just a fucking performance. Bakit po ba pinapalaki niyo pa ang gulo?"

"Ah, ganoon?" Nabigla ako sa paghila niya sa aking buhok, hanggang sa makalabas kami ng bahay.

"Do you want an attention, right? Kaya paulit-ulit mo akong sinusuway, para lang diyan sa walang kwenta mong pangarap!" Ang ilang kapit-bahay namin ay nagsimula ng maglabasan sa kanilang bahay. Nagsimula naman mas humapdi ang aking pisngi ng matuluan iyon ng aking luha.

"M-Mama, nasasaktan po ako. Tama na." Binitawan niya ang aking buhok.

"Diyan ka matulog!" bulyaw nito sa akin at isinarado na ang gate ng aming bahay. Pinunasan ko ang aking mga luha, at ilang sandali lamang ay nahanap ko ang aking sarili na naglalakad papunta sa bahay nina lola Anna, ngunit bago tuluyang makarating doon ay naisipan ko na sa may court malapit sa baranggay tumigil.

Iniyak ko lamang ng iniyak ang hinanakit na aking nararamdaman. Bagama't nagagalit ako sa aking ina ay mas nangingibabaw pa di ang sakit at kalungkutan. Kung hindi niya kaya nakilala si Tito Jack, kung nanatili man kayang buo ang aming pamilya ay magiging masaya naman kaya kami?

"Jeliah?" Narinig ko ang isang pamilyar na boses at ng mag-angat ako ng aking tingin ay nakita ko si Arjin, kasama si Dandreb at ang isang pa na lalaki sa tingin ko ay hindi namin ka-edaran.

"Umiiyak ata mga 'insan, baka iniwan ng boyfriend niya, i-comfort mo Arjin, pagkakataon mo na ito," rinig kong sambit ni Dandreb kaya mabilis kong pinunasan ang aking pisngi.

"Manahimik ka nga Dandreb!"

"Kilala niyong dalawa?"

"Kaklase namin, Kuya Lionel."

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon