Chapter 21

517 8 0
                                    

The surroundings are dark, it's been two hours. Matatapos na ang movie na pinapanood namin ni Arjin.

"Wah!" Nagtilihan ang iba, ako naman ay bahagyang nagulat. Napatingin naman ako kay Arjin ng tumawa siya, tila nanga-asar pa siya ng lingunin ako, kaya naman mahina ko siyang sinuntok sa kaniyang braso.

Kung tutuusin ay romance dapat ang papanoorin namin, ngunit para daw may thrill ay hinila niya ako sa pila para sa ticket ng isang horror movie.

"Sira ka talaga!" sambit ko, at napa-irap sa kaniya. Maya-maya naman ay napatitig ako sa kaniyang kamay na isinusubo sa aking ang ilang pop-corn.

"Sorry na, mukhang nage-enjoy ka rin naman." Bahagyang lumiwanag ang paligid dahil sa repleksyon na nagmumula sa aming pinapanood.

"Mamaya ka sa akin," natatawang sabi ko sa kaniya at kinain na din ang pop-corn na isinusubo niya sa akin.

May mga pag-sigaw na nagsusulputan, tapos ay maririnig ko ang halakhak ni Arjin na tila natutuwa pa siya makarinig ng boses ng iba na natatakot. Hindi na rin nagtagal pa ng kalahating oras ang movie, sa paglabas namin sa sinehan ay nanatili ang kaniyang kamay sa aking bandang bewang.

"Nakakabitin!"

"Ano pa ba ang hinahanap mo, iyong mai-ihi ka sa sobrang takot?" Ipinatong niya ang kaliwang kamay sa ibabaw ng aking balikat.

"Ikaw naman, parang kanina ka pa badtrip."

"Nagugutom ka na ba?" Umiling ako.

"Let's watch another movie."

"Seryoso ka ba?" Hindi na siya sumagot pa sa halip ay hinawakan ang aking kamay at pumila na naman kami para sa ticket ng ibang movie.

"2:30 pm pa ang simula, kumain muna tayo," anyaya niya, sumang-ayon naman ako.

While staring at him who's now in front of the cashier and just paying a bill on those food he ordered for us, my heart started to feel nervous. Inalabas ko sa paperbag na nasa aking gilid ang regalo ko sa kaniya.

"Here you go, let's eat!" Tinulungan ko siya ibaba sa lamesa ang mga pagkain na nasa hawak niyang tray. Pagkatapos namin iyon ayusin ay umupo na rin siya sa silya na kaharap ng sa akin.

"Happy Anniversary!" Inilahad ko sa kaniya ang aking regalo, napatitig naman siya doon. I love the smile and the shine in his eyes, even though he's still not know what's inside the envelope, that's somehow take away the nervousness I'm feeling.

"Wow..." he whispered slowly. Naidiin ko ang aking mga kamay sa aking bandang binti.

"Nagustuhan mo ba? I mean, you know that I'm not a fan of sketching. But I really find that picture of us memorable, so I tried to draw it." Tumingin siya sa akin. That look of him that made me blush, hindi siya pumapalya na kilitiin ang aking puso.

"Hey! Magsalita ka kaya, ang pangit ba?" Napanguso ako, hinihintay na tawanan niya ang aking regalo sa kaniya ngunit sa tingin ko ay mas lalo na akong namula ng bahagya siyang tumayo sa kaniyang silya at dinampian ako ng halik sa aking noo.

"A-Arjin, nakakahiya!" bagama't sinaway ko siya ay gumu-guhit ang malapad na ngiti sa aking labi.

"That's wonderful, Jeliah. Thank you, my love." Napangiti ako.

"By the way, about my gift, that's a surprised."

"Mapapatalon ba ako diyan?" pabiro kong tanong sa kaniya. Hinawakan naman niya ang aking kamay na nakapatong sa may lamesa.

"Baka nga mahalikan mo pa ako kapag nakita mo ang surpresa ko sa'yo." Tinapik ko ang kaniyang kamay, pinigilan ko ang mapa-ngiti pa lalo dahil ayoko na asarin niya pa ako.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon