Chapter 6

577 8 0
                                    

Nakatitig lamang ako sa aking plato na hindi ko masiyadong nilagyan ng pagkain. Ang aking kanan na kamay na nakahawak sa kutsara ay humigpit ng makita ko ang pagsusubuan nina Mama at Tito Jack.

"Ma..." Tumikhim ako, ngunit nagpatuloy lang sila sa paglalambingan.

"Ma, can you stop it." Doon pa lamang sila natigilan. Nangunot ang noo ni Mama ng tumingin siya sa akin.

"What?"

"Hmm, ayaw ata akong kasabay kumain ng anak mo, Janette."

"Oh, no. Huwag mo na lang siya pansinin." Naging makahulugan ang tingin niya sa akin. Wala akong nagawa, kun'di ang kumain na lamang, kahit wala akong gana.

"Siya nga pala, gusto kong malaman mo Nanette na magpapakasal na kami ng Tito Jack mo, so better call her Daddy, starting today." Nabigla ako sa sinabi nito, kaya naman napatayo ako agad sa aking silya.

"You're getting married? Pero, Mama hindi pa nga kayo annual ni Papa. Ba-"

"Nanette, ano ba?!" Naging mabilis ang aking paghinga, ginawa ko ang lahat para makapagtimpi, ngunit ng hindi ko na nakaya ang inis na aking nararamdaman ay minabuti ko na lang na tumakbo papasok sa aking kwarto.

Isinara ko ang pintuan, ang aking noo ay may mga butil ng pawis. Nagsimula naman akong suntukin ang isang unan.

"I hate you! I really hate you!" Napuno ng hinanakit ang aking damdamin. Lumipas ang ilang oras at ang galit na boses niya ang namayani sa aking kwarto.

"Why you act like that to your Daddy Jack? Wala kang respeto." Hindi ako nagsalita, hanggang sa pinilit niya akong iniharap sa kaniya.

"Sana ay ngumiti ka naman at ipinaramdam sa kaniya na masaya ka para sa amin."

"Ma, can you please stop pushing me to something or someone I don't really want?!"

"I can't call him Daddy, because I don't want to accept him as my father!" Nanginig ang aking labi.

"I can't force myself to be happy, because it's not what I want, what I need is a complete family, not a replacement for my father."

"I will never be happy, knowing that Papa's hurting because of what you've done. Hindi ko kailanman matatanggap ang lalaki mo!"

"Bastos ka!" Napahawak ako sa aking pisngi, dahil sa pagsampal niya sa akin. Mabilis iyon na namanhid, humapdi pa lalo dahil sa pagdaloy ng aking mga luha.

As my tears keep on flowing down into my cheeks, I saw the blurred vision of myself turning into pieces. Hindi na ako buo, hindi na ako mabubuo pa.

I hugged my pillow tightly, the blank night sky looked dotted by the tears twinkle in my eyes.

"Hello sweetie, sorry ngayon ko lang napansin na tumatawag ka sa akin, alam mo naman na busy si Papa sa pagiging driver," masaya ang boses na bungad niya sa kabilang linya.

"Pa..." Pinigilan ko na mabasag ang aking boses.

"Umiiyak ka ba?" Napakagat ako sa aking labi.

"No... I'm just missing you."

"Don't worry sweetie. Sa araw ng sweldo ko ay ipagpapaalam din kita sa Mama mo, para makapagbonding tayo."

"Excited na ako para sa araw na iyan, Papa. Pero huwag mo pababayaan ang sarili mo. Magpapahinga ka rin po."

"Ang sweet talaga ng anak ko. Ikaw din, Nanette, kahit hindi tayo magkasama gusto ko ay palagi kang safe. Huwag magtitiwala agad kung kanino." Sandaling natahimik ang linya, hanggang sa magsalita siyang muli.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon