Chapter 10

537 8 0
                                    

Araw ng Sabado, ikatlong linggo simula ng magbakasyon, nabigla ako ng paglabas ko ng aking kwarto ay natanaw ko sa ibaba si Papa, kaharap sina Mama at Tito Jack.

"Are you insane Janette? Hindi mo na ba talaga ini-isip ang mararamdaman ng anak natin?"

"Well, I think my decision will be in favor of her. Isipin mo na lang, sa iyo naman talaga niya gusto sumama." Nag-umpisa na akong bumaba sa may hagdanan.

"Ina ka pa rin ni Nanette, at sino ba ang nag-suggest sa iyo na mag-ibang bansa kayo ay iwan si Nanette, dito? Itong lalaki mo?" Tumayo si Tito Jack mula sa kaniyang pagkakaupo, ganoon din si Papa at nagsimula na naman may mabuo na tensyon sa pagitan nila, kung hindi lang siguro ako nagsalita at hindi sila napatingin sa akin ay magsusuntukan na naman sila.

"Aalis kayo?" Doon pa lang din tumayo si Mama mula sa kaniyang pagkakaupo at saka nahagip ng aking paningin ang ilang mga bagahe.

"Tang*na Janette, huwag mong saktan ang anak mo," mahina ang boses na iyon ni Papa ngunit narinig ko pa rin. Tuluyan naman na akong nakababa sa hagdanan at nilapitan sila.

"Your Tito Jack and I are going to migrate to New Zealand. Naisipan namin na roon na magpakasal at magsimula ng bagong buhay," pagsasalita ni Mama, na tila masaya lang na ikine-kwento sa kaibigan ang kaniyang plano.

"Wow, start a new life without us?" Nagpabalik-balik ang kaniyang tingin sa akin at kay Papa.

"Yes," sagot niya. Mas lalo akong hindi makapaniwala na tiningnan siya.

"You're selfish! How could you think to start a new life knowing that you have a child you abandoned here in the Philippines?" Mabilis na tumulo ang aking mga luha, kaya naman tinalikuran ko sila.

"Nanette," si Papa ang tumawag sa aking pangalan ngunit si Mama ang humawak sa aking braso at iniharap akong muli sa kanila.

"C'mon Nannette, gusto mo rin naman ito. Baka nga masaya ka pa dahil magkakasama na kayo nitong Papa mo." Hinila ko mula sa kaniyang kamay ang aking braso at masamang tinitingnan si Tito Jack.

"You know, it's your fault! Kung hindi ka sana dumating sa buhay ni Mama ay hindi kami masisira."

"Nanette!"

"What? I'm just telling the truth. Oo at noon pa man hindi na maayos ang pamilya natin, pero baka may chance pa naman siguro kung hindi lang talaga iyan dumating."

"Tumigil ka na, Nanette. Kahit umarte ka pa diyan ay hindi na magbabago ang desisyon namin." Nanginig ang aking labi, lumapit sa aking gilid si Papa at hinimas ang aking balikat.

"Tingnan mo na lang, dapat maging masaya ka na at wala ng pipigil sa iyo na makasama iyang Papa mo." Napayuko ako at napahikbi. I hate her, yes. But knowing that she'll let me live without even her shadow made me feel this deep pain in my soul.

"What Am I to you?" Walang umimik sa kanila, kahit ang mismong pinaglalaanan ko ng aking katanungan.

"A daughter or just a nothing you'll just leave somewhere just for your own happiness?"

"G-Gusto ko malaman mo Mama na masamang-masama ang loob ko sa iyo. Wala kang kwentang ina!"

"How dare you?!" Mahigpit akong nitong hinawakan sa aking braso

"Janette, nasasaktan ang bata."

"Wala ka ng utang na loob! Matapos kitang paghirapan iluwal ay ganiyan ang sasabihin mo sa akin. Mabuti na lang din talaga na maiwan ka dito sa Papa mo at magsama kayong dalawa na parehas na sakit lang sa ulo ang dulot sa akin."

"I-Iyon nga, iniluwal mo lang ako, pero hindi mo ginampanan ang pagiging ina mo." Pinalis ko ang kamay ni Papa sa aking balikat at tumakbo ako papanhik sa aking kwarto at doon inilabas lahat ng aking sama ng loob.

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon