Chapter 17

520 7 0
                                    

Pinupunasan ko ang aking kamay na aking hinugasan bago ako lumabas sa may restroom. Napahinto ako sa aking paglalakad ng makasalubong ko si Sheila. Ngumiti ako sa kaniya, ngunit hindi siya umimik kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang aking paghakbang, ngunit natigilan akong muli sa kaniyang mga sinabi.

"When I first saw you and Arjin together, I really noticed how you hate him so much." Napalingon akong muli sa kaniya.

"But then, I'm very surprised, Nanette. When you shouted that you like him. Ang galing mo rin magpanggap na wala ka nararamdaman para sa kaniya."

"You know? I'm actually thinking if you really hate him at first or it's just one of your ways of getting his attention." Naningkit ang aking mga mata sa kaniya at dahil na rin sa sarkastikong tono ng kaniyang pananalita.

"Ano ba ang mga sinasabi mo?" Humalukipkip siya at umirap. Kung tutuusin ay hindi ko inaasahan na may ganito siya kalala na attitude, marahil mukhang friendly at mabait naman siya lalo na kapag kasama niya si Arjin.

"Oh, hindi mo alam? Hanggang ngayon ba ay may hang over ka?" Napatitig ako sa kaniya, ngayon ko lang napagtanto kung bakit siya nagkakaganito.

"Nagseselos ka ba dahil sinabi ko na gusto ko si Arjin? Lasing ako noon, Sheila."

"It's not an excuse, Nanette." Mas naging walang emosyon ang tingin niya sa akin.

"I'll get to my point." Humakbang siya palapit sa akin.

"If you're stupid enough not to noticed, let me tell you. I like Arjin, ever since."

"Oh, may gusto ka pala sa kaniya noon pa. Hindi ba ay gusto ka rin noon ni Arjin, eh 'di sana sinabi mo sa kaniya para naging iyo na siya agad, kaya lang kung naging kayo noon, kayo pa kaya hanggang ngayon?" Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

"How dare you? Ganiyan ba talaga ang ugali ng tao na nasa broken family? Hindi na rin ako magtataka kung malaman ko na ikaw ang dahilan kung bakit iniwan kayo ng Mama mo!" Unti-unting naglaho ang ngisi sa aking labi.

"Kami man o hindi, sa akin na si Arjin. At kung nagbabalak ka man na ulitin iyong cheap na pag-amin mo ay huwag mo ng gawin." Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo.

"I even wonder why Rox was enjoying every moment with you, as well as why Arjin's want you to be close with him? When in fact, you're such a boring person, your background, your passion, and you, yourself." Bumilis ang aking paghinga.

"Kung masaya man ang iba na kasama ako, hindi ko na iyon problema, Sheila. Lilinawin ko lang din sa iyo na hindi labag sa batas ang sinabi ng bibig ko noong kaarawan ni Arjin."

"And I may came from a broken family, but I never owned someone who doesn't even belong to me yet. I only have my father, and grandma, but I know where to keep my insecurities." Hindi ko na hinintay pa ang bumuka muli ang kaniyang bibig dahil baka matahi ko pa iyon ng wala sa oras.

It's the mid of the night, and I'm still here sitting in my bed, with my eyes still fully opened. I can't sleep, my mind's sore from repeating what Sheila told me. And while the silence of the night watched my lonely self, I started to cry all my anxiety. Who really I need to blame, is it because how unworthy I am, why did my mother go? Or is it the love that's no longer existing in our family bond that made her leave us? Paulit-ulit na lang ang katanungan, mayroong kasagutan, pero tila palaging hindi sapat.

Another day goes by. There are times I even don't know where Am I going, does everything I'm doing is worth my energy? But I just chose to dance in the flow of life, because what else should I need to do, if there's no other choice, but to keep on moving.

It's Saturday. I'm already in the middle of the mango plantation. Sa ilang ulit na paghakbang muli ng aking mga paa ay natigilan ako sa isipin na bakit nga ba ako pumayag na makipagkita ako ngayon dito sa kaniya?

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon