~01~

34 0 0
                                    

Stella's POV:

Nang marinig ko yung alarm sa cellphone ko nakita ko na "6:15am-Start of online class". Bumangon ako ng medyo may sama ng loob. Sa totoo lang, kanina pa tumutunog yung phone ko dahil 6:30am na ng umaga. Puyat pa more, Stella. Like sana all may gana pumasok ng new school year of online class, hays lintek covid-19 pandemic. Edi sana nakakapag-gala tayo at medyo madali gawin ang mga bagay. Simula kase nung lockdown nawawalan na ako ng gana sa lahat. Nakaka pressure tuloy mag-aral ngayong online set-up.

Oh yeah! July start ang online classes namin kaya medyo hindi pa talaga ako sanay sa online set up since last year.

Binuksan ko agad ang Twitter para sabihin na "good morning, world!" na madalas ko naman ginagawa na parang routine ko na. At syempre hinding hindi mawawala ang mga kaibigan ko na laging umeepal sa buhay ko.

@itsmeStella: Good morning, world!

Replies-- @Elleisme: ma lalate ka na ogag mamaya ka na mag Tweet!!

@itsmeStella to @Elleisme: shut up ang aga aga pa nga e. Ang aga aga naalala ko na naman si Kiro :((

@Gaviko: ay naging kayo ba?

New tweet:

@itsmeStella: Kakagising ko lang ito agad bungad ng mga tropa ko, nice!

Replies--@Elleisme: oks lang yan pre para magising ka na sa katotohanan

After ko basahin reply ni Elle, nag prepare na ako ng mga damit na kailangan suotin dahil may dress code, na dapat sinusundan ang mga students for online class, at tsaka ako naligo. Taena masama ba na hindi ako maka move on ng higit na dalawang taon na wala na kami ni Kiro? Nagmahal lang naman ako eh, pero bakit niya ito ginawa sa akin?

Grade 8 naging kami pero Grade 10 kami naghiwalay dahil sa lintek na ginawa niya.

Out of all the 7 billion people, why would you choose my 'best friend' over me? Why did you choose the one you just met in an online set-up for a few days? I wish that I didn't introduce you with each other. Edi sana tayo pa rin hanggang ngayon.

Hinayaan ko na lamang na tumulo ang tubig sa akin para kahit papaano may kasama ako, diba?

Na prepare ko na ang mga kailangan sa online class, such as laptop and cellphone for back up, pen and paper in case may announcements and/or reminders, and of course dapat maganda at fresh tayo tignan kahit online class.

-- after hours of school orientation --

Twitter gc (Stella, Gavi, Elle):

Gavi: oi alam niyo ba pwede na lumabas?

Elle: pano mo naman nasabi? gawa gawa mo yan noh?

Gavi: gago napanood ko kasi sa balita, inannounce na pwede na ulit lumabas.

Stella: wow nakikinig na pala sa news. Hays humss students nga naman.

Gavi: k. Since pwede na lumabas tara gala tayo sa sabado kahit saglit lang! Miss ko na kayo~

Elle: G ako! Ikaw ah miss mo na kami. Kalma kami lang toh. Though saan ba gala?

Gavi: Dito na lang samin like Netflix and milktea ganern

Elle: Basta libre mo HAHHAHAHA!! Ikaw, stella? Makakasama ka ba?

Stella: Sorry guys na nominate ako bilang VP agad taena first day pa lang oh may officers na?!

Elle: ay wow sipag yarn. Sige basta pag naalala mo na naman yang Kiro nayan uuntugin kita sa pader

Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)Where stories live. Discover now