Christmas should be full of happiness and excitement but dahil nga may COVID-19, hindi makagala ang mga tao.Na miss ko pumunta sa province namin sa Bicol, huhu. For me, mas maganda mag bakasyon sa probinsya, hindi ganun kalamig at kainit. At hindi ako gagamit ng wifi at data tuwing nandun ako para may peace of mind ako, 'diba?
Nakaka guilty lang sa part na taga Bicol nga kami noong baby ako pero lumaki ako sa City at... Hindi ako mahilig sa spicy food! I feel left out kapag nandun kami tas ako lang hindi kakain ng maanghang, shet.
"Ano gagawin natin ngayong Christmas?" Mom asked while eating her favorite breakfast, Moroccan baked eggs.
Dad was watching TikTok sa kanyang cellphone since tapos na siya kumain ng breakfast pero tumigil nang nagtanong ang si mama.
"Ehem," he coughed a little before answering. "Pwede naman tayo... Gawin natin ang gusto natin.. dito sa bahay na lang since lockdown na eh," he sighed.
Tumango kami ni Rando habang kumakain din. Wala naman sila masyado gagawin, pero ako ay mag-aaral na lang siguro.
"Great!" Wendy smiled and clapped her hands. "Mag order na lang ako sa Lazada ng mga gusto ko bilhin, hehe."
"Pabili din ako, ma" I said while smiling too.
"Eh? May pera ka, 'diba? Ikaw na bumili ng sayo, anak," bilin ng niya habang nag scroll sa Lazada ng mga damit.
Pfft, as expected. Buti na lang may pera ako dahil sa savings ko.
Wala man lang 'Merry Christmas' greetings sa kanila, huh?
Nag-aaral lang ako about Entrepreneurship nang bigla tumunog cellphone ko dahil sa notification.
Luna: Hi, Stella! May gagawin ka ba ngayon?
Oh, Luna...
Binaba ko muna ang binabasa kong libro at ni-replyan si Luna. "Nope, wala naman hehe :)) ikaw? May problem ba lods?"
I am trying my best to sound happy para hindi mahalata na stress ako ngayong pasko. Eh, ano naman gagawin ko sa bahay? Ang boring, kahit mag swimming pool pa siya. Bawal naman ako pumunta sa aking bar kung pina-lockdown ng gobyerno ang Rizal.
Luna: nope, wala din ako gagawin ngayon HAHHSHAHAHA do you want to practice ulit? Buti di sumasakit ulo mo?
"Nope, hindi siya sumasakit, lods," I laugh even though hindi naman sa alak ang problema ko last night, I guess.
"And sure, let's practice! Ang boring dito sa bahay eh AHHSHAHAHA btw, do you have a guitar ba?"
Luna: ay wala eh hehe. Sorry, you know naman kasi hindi ako instrument lover...
I smirk at umiling. "Ohhh, kung wala ka pala gitara, bakit mo gusto magpaturo sa akin? I mean okay lang naman kung ako ang mag gitara sa video eh."
Luna: luh wala lang hehe new experience, I guess?
"New experience pala ah," Stella tease her.
Luna: oo nga kulet HAHAHAA kunin mo na nga gitara mo, hilig mo mang asar eh
"I can tease you whenever I want though *pleading eyes*"
Luna: luh jowa ba kita?
Ay teh jowain mo na ako, pero hindi kita jojowain, chariz. Ayoko nga!! Hindi pwede!!
Luna: oh nawala ka?
"Sorry HAHAHAHA kinuha ko lang si Libba," I somehow lied. Katabi kasi ng gitara yung study table ko kaya hindi ko na kailangan tumayo.
YOU ARE READING
Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)
Teen Fiction[Based on a true Filipino story] "You're the light of my life, my star, my Stella... I will love you, even in another universe." A story wherein Stella is currently having a hard time to survive in her life. After crossing paths with Luna, will Luna...