The day has come where everyone have been waiting for. Deadline na ng pasahan for the Battle of the Bands project para sa Personal Development and Music subjects. Kung sino man ang mataas ang score, sila ang kakanta sa February 14 that will be live on Facebook publicly.
Na chat ko na si Luna na kinakabahan ako at nag overthink na what if hindi kami mapili. I mean, basta hindi kami mabagsak.
Binigayan naman ako ni Luna ng mga words of encouragement. "No matter what happens, we did our best. I know how hard you practiced, but I'm here, okay? We're here for you, Stella."
Kahit paano, with her reply, gumaan pakiramdam ko. Napabuntong hininga na lang ako sa aking iniisip kanina. Nagsalamat ako sa kanya.
"Thank you, students, for sending your videos to us. Please wait for a week so that you will be informed of the section representative. Have a nice day!" The Music Teacher said and appreciated us for our hard work.
After some reminders, the next subject comes next. Nagiging seryoso ako magsulat ng mga notes at nakakapag-recite ako sa klase, attentively. Ayaw ko isipin ang magulong nararamdaman ko para kay Luna.
Hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis tibok ng puso ko whenever we are together or when we are just simply chatting in Messenger. Lalo na nung isang gabi na ako naglagay at nag-ayos ng pagsoot sa kanya ng helmet, I hoped na hindi niya narinig ang mabilis kong tibok na puso.
"Should I tell my friends about this?" I asked myself after the afternoon online class schedules.
Nakahiga na ako ngayon sa kama at nakalagay ang isang braso sa aking noo. "Maiintindihan ba kaya nila Elle ang ganito? Eh... baka magulat sila na nagkakaganito ako sa babae, which I never felt and understood before."
@itsmeStella: Please don't be like this, my heart...
@siLunatoh: Do you have a problem that you can't share with me?
Nagtaka ako sa nakita kong screenshot na bigay ng isa sa mga followers ko sa aking tweet. Nakalagay pa sa caption, "Are you two miraculously connected, or am I just assuming so much?" The picture is Luna's tweet in my follower's timeline that is just below my tweet.
Tiningnan ko ang username at sinearch kung siya ba talaga iyon. Seconds later, hindi ako nagkakamali na Twitter iyon ni Luna.
Mga 300+ followers lang meron siya at marami na din tweets. Nagtataka tuloy ako kung bakit nagsinungaling si Luna sa akin noong tinanong ko kung may Twitter siya at sinabi ng babae wala daw.
Mas lalo ako nagtataka kung bakit hindi ko nakikita sa timeline ang mga tweets ni Luna.
Na follow ko si Luna without hesitating to do it. I just want to be friends, that's all.
Na follow back naman niya ako agad at siya'y nag direct message sa akin sa Twitter.
siLunatoh: Hi, Stella! :)
Bumuntong hininga ako. "Hoy, liar!"
siLunatoh: what did I do?
Sinabi ko ang dahilan kung bakit nagsinungaling si Luna sa akin.
siLunatoh: Luh baka kasi stalk mo ako kaya hindi ko sinabi sayo at tsaka naka priv acc yan dati, opo
"Asa ka stalker ako! Hindi ako ganun, excuse me?" depensa ko sa sarili.
siLunatoh: believe in what you believe, Agustin
"K pi"
I don't understand what my feelings yet but I know that I am having fun whenever we talk to each other.
--a week later
The Music Teacher announce that me and Luna will be the strand pair representative that will be judged by our videos during Valentine's day.
Naging masaya ang lahat, lalo na kaming dalawa ni Luna, kaya madami nag congratulate sa amin. Hindi pa ito ang exciting part kasi malalaman naman sino ang mananalo sa Battle of the Bands.
"Sabi ko sayo, mapipili tayo, eh!" asar at masaya na sabi ako kay Luna sa chat.
Luna: Oo, syempre, ako nag edit at nagpasa eh. Ako ata ang lucky charm
Tumawa ako ng mahina at tumingin sa screen. Tinitignan ko kung naka bukas ba ang microphone ko kahit hindi naman; baka kasi marinig ako ng mga classmates at teacher ko na tumatawa.
"Corny af!" reply ko sa sinabi ni Luna sa lucky charm daw siya. Nag laughing reaction na lang ang isa.
Ipinakita ni Matthew ang performance nila ni Jenna, partner niya, sa Amarelo gc kasi hindi naman sila pinili kaya okay lang ipakita iyon. Ang mga representatives ay bawal ipakita at iparinig ang sa kanila para daw surprise.
Kinanta nila Matt at Jenna ang Muli by Ace Banzuelo at ang With a smile by Eraserheads. Jenna sang in a melodious voice. While Matt had a deep voice. Wala sila instruments but they nailed it parin. Hindi ko alam kung bakit hindi napili sila Matthew dahil ang ganda ng chemistry ng dalawa when singing.
"Galing niyo! So proud ako huhu," compliment ko.
Gavi: wow ganda boses ng hakdog at ni jenna vebs
Niko: pwede ka na maging singer pag may kasal, bro
Brian: bro, bagay kayo ni Jenna, ah. Ship ko kayo
Elle: Hoi same!! Para bang nag harmonize ang boses niyo or something
Matt: anoba, ako lang toh guys... at tsaka huwag niyo nga ako ship kay Jenna, nakakahiya kayo
"Wow bumalik na ba toh sa mahiyain era na naman?" asar ko sa kaibigan na binigyan ako ng laughing reaction, except kay Matthew na rolling eye reaction.
Niko: ilayo niyo nga si Stella kay Luna, nahawaan na ng ka cornihan HAHHAAHHA
Gavi: tignan natin, how long will they hold on to each other. Minsan nga parang mag jowa ang dalawa, hindi makapag-hiwalay based sa last weeks
"Mga gago! Malamang nag practice kami for BOB pfft," reason ko. Totoo naman na for academics lang ito.
Brian: hmm parang mag jowa huh
"Oh bakit?" medyo naiinis ako mag type.
Brian: wala wala taena HAHHAHAHHA akala ko may maselos, char
Matt: hindi na ako ah
Elle: sino naman tinutukoy mo, unggoy ka?
"Ah teka sino pala partners niyo at sino representatives sa strand niyo?" Pag-iiba ko ng topic kasi walang isang araw na hindi ata nag-aaway ang dalawa.
Niko: kami ni Gavi at kami ang reps
Brian: kami din ni Elle at kami ang reps
Elle: aguy kay Matt
Matt: oks lang ako, sino ba naman ako diba
Gavi: HAHHAAHHAHAHA sadboi amputa
"Ano kakantahin niyo?"
Niko: secret
Elle: bawal sabihin eh, diba?
"Since when ang babait niyo sumunod sa rules?" Nagtataka ngunit natatawa kong tanong.
Brian: since the day that I met you~
Elle: puta yan na naman tayo
Minsan wala kwenta kausap ang Amarelo, but that's one of the friendships that I need. To have fun sa buhay, no matter what the challenges we are facing.
YOU ARE READING
Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)
Teen Fiction[Based on a true Filipino story] "You're the light of my life, my star, my Stella... I will love you, even in another universe." A story wherein Stella is currently having a hard time to survive in her life. After crossing paths with Luna, will Luna...