"Can we not be legal first to my parents? I'm still scared to come out..."
I said while both of us sat in front of the house. Luna glanced at me habang nakatingin ako sa kalangitan na madilim sapagkat onti lang mga stars ngayong gabi at crescent moon lang. Kinakabahan pa ako umamin sa parents ko kung ano ako talaga. Kung tatanggapin ba kami ni Luna.
Luna suddenly hold my hand, firmly. Nagulat ako sa biglang ginawa ni Luna kaya bumibilis na naman tibok ng puso ko. Mas lalo pa bumilis nang i-kiss ng marahan ni Luna ang likod ng kamay ko habang nakapikit ang mga mata.
Parang mga 3 seconds ang kiss niya doon. Nang ibukas niya mga iyon, tumingala siya upang tignan ang mga mata ni ako at ngumiti. "Sure thing, mhine. Take your time, no need to pressure yourself. Just know that I am here beside you, okay?"
Ngumuso ako sa kanya at tumango. "Pero, balita ko mag lockdown na simula bukas? Panira naman, kung kailan tayo na oh!"
Dahil hindi pa tinatanggal ni Luna ang kamay namin sa isa't isa, hinigpitan niya ang paghawak doon at binigyan na naman ako ng reassuring smile.
"Pwede naman tayo mag call or chat, diba?" Tumango naman ako sa kanya na may onting ngiti at nagbuntong-hininga. Tumingin ako sa kamay namin magkahawak. Ang lambot pala ng kamay niya.
I bite my lower lip to stop myself from smiling pero mukhang alam na ni Luna ang galawan ko kaya pinisil niya ang aking pisgne. "Mag smile ka na! Huwag mo na itago, anubayan. Hindi mo naman kailangan kiligin sa sinabi ko. Ako lang toh," mayabang na asar niya.
Tumawa naman ako sa sinabi niya. "Gago! Kaya pala ang lamig ngayon dahil sa sinasabi mo, eh."
"Malamig? Yakapin mo itong teddy bear," turo niya sa bear na katabi ko. Nag smirk si Luna. "Or... pwede ako yung hug mo para maging mainit na agad katawan mo."
Double meaning ba ito? Hala, huwag po muna bata pa ako!!
Kung ano-ano pumasok sa isip ko kaya tumawa ako habang sinasapak ang braso ni Luna pero playfully lang. "Loko!"
Umiiling-iling si Luna habang natatawa din. "Ano naman iniisip mo, huh?"
"Wala, wala. Basta thank you sa comfort at support!"
Ngumiti kami at tiningan ang mga mata ng isa't isa. Katulad sa mga drama series o movie, pa onti onti lumalapit ang aming mukha hanggang sa mapikit ko na ang aking mga mata.
Kinakabahan ako, bumibilis muli ang aking puso, at tsaka ko na naman naramdaman umiinit ang mga cheeks ko. Naramdaman ko hinawakan ni Luna ang aking kanan na pisgne at nilalapit ang aming ulo.
Hanggang sa maramdaman ko ang labi ni Luna sa aking noo.
"Kung hindi ka pa ready, sa noo at sa cheeks na lang muna, okay? Because if I'm disrespecting your boundaries, let me know. Don't be afraid to speak up for yourself, mhine."
Ready naman ako pero hindi ko nasabi sa kanya diretsahan baka kasi makita kami sa cctv ng gate namin. Buti nga lang, ang nag monitor ngayon ay isa sa mga bodyguards namin.
Ngumuso na lang ako at tumango sa kanya. Sayang ata kilig ko doon, ah? Chariz.
"Pasok ka na sa loob, baka magtaka si Sir Mark kung bakit ang tagal mo dito," sabi ni Luna. Yumakap siya sa akin upang magpaalam na.
Ngumiti ako sa kanya at yumakap pabalik. "Thank you for tonight, mhine."
"Always my pleasure to make you happy."
Nagkulitan pa kami kung sino muna aalis sa eksena pero sa huli, pumasok na ako sa loob.
I had no idea that Luna had been keeping an eye on me until I entered the house by myself, safely.
YOU ARE READING
Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)
Teen Fiction[Based on a true Filipino story] "You're the light of my life, my star, my Stella... I will love you, even in another universe." A story wherein Stella is currently having a hard time to survive in her life. After crossing paths with Luna, will Luna...