[tw// mention of death; don't worry, wala pa mamatay ha ;)]
On a cold day on the 31st of January, I want to call Luna to release my boredom. Lumabas ako ng kwarto upang pumunta sa aking terrace at umupo sa pink striped of Tommy's chair. Habang nag ring ang kabila, tumingala ako sa taas at nakita ko na madami bituin ngayon at tsaka full moon pa.
"Hello? May problema ba?" Luna asked on the other end of the call with a worried tone.
It made me chuckle. Iniling ko ang aking ulo, kahit hindi niya nakikita. "Nope, I'm just bored at gusto ko lang may makausap."
I heard her laugh. "Haha! Bakit hindi na lang ibang friends mo? Bakit ako pa?"
Tumahimik ako saglit. Oo nga noh? Bakit hindi na lang sila Elle? Natawa na lang ako ng mahina at sinagot ang kanyang tanong.
"Bakit hindi ikaw?"
Ang totoo ay komportable na ako kay Luna ever since noong napili kami bilang representative for our strand sa Battle of the Bands. I do not know the reason yet why, since I should be uncomfortable with Luna kasi may gusto ang babae sa akin.
Luna is just different than the other people I have crossed path with.
Seconds later, naging seryoso na ako. "Nasa labas ka ba? Can you check out the sky?" Sumagot ng 'oo' si Luna at tsaka ko narinig ang pagbukas ng pinto. Lumabas siguro si Luna sa kanyang bahay.
"Ang ganda ng mga stars! Oh, tignan mo, may moon pa!" Luna brightly scream. Nag wish ako na sana hindi iyon marinig ng mga kapit-bahay lalo na gabi pa.
I smiled, knowing na mahilig din siya sa galaxy. "I know, right? And..." Nag-iisip ako ng malalim na tanong na para bang perfect sa situation ngayon. "Have you ever wondered why the galaxy is beautiful and takes a long time before they disappear?"
"What do you mean? Bakit naman mawawala ang magandang galaxy?" She curiously asked. Ang cute niya pag ganito, not gonna lie. Para kasi siyang bata na curious sa mga bagay-bagay.
"As things go, like stars with finite lives, there will come a time when they must disappear from the universe," I explained habang nakatingala parin sa taas. Lahat ng mga bagay mawawala sa mundo, o di kaya sa universe. "Kaya ang kailangan gawin is to live fully while being alive".
"Deep words huh?" Luna was probably amused by my answer at my own question.
"Reality check lang," we both laugh. "May I ask you a personal question?" importante magtanong muna, kasi kapag sensitive na masyado ang tanong for that person, hindi ko na tatanongin pa.
"Shoot away, Agustin!" Luna excitedly said.
I laugh first at her tone of voice. "Well, how do you think will you die?" I bit my lower lip to not ask further questions pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kasi curious din ako sa sagot niya. "And... if you died today, what regrets would you have about your life?"
"Kinuha mo ba iyan sa google?"
Tumawa ako muli. Pwede na siguro siya maging manghuhula. "Oo, nakita ko lang kanina habang kumakain ng lunch. Answer mo na tanong ko!" I pleaded habang nakanguso.
"Hmm," Luna started being serious too. "If I will die, I hope it is because the death of my love one. Cliche as it may sounds, pero sineseryoso ko talaga ang katagang 'I can't live without you'. Eh, kasi siya na nga lang nagmamahal sa akin tapos mawawala pa sa buhay ko? At kung mamatay man ako, I won't regret anything. Kasi pinakita ko na sayo, sa inyo, ang pagmamahal ko at ang best ko upang tanggapin niyo ako."
Kasi pinakita na niya sa akin? As in ako ba?
"But sometimes, you don't need anyone's approval just so you can accept yourself," seryoso kong sabi sa kanya. "Are you... scared of death?"
Sorry na, hindi ko mapigilan magtanong tungkol dito!
"Oo. Death has a good and bad side, you know? The good one is that you can now rest after going through hell during your waking life. Except for the bad side... you will leave your loved ones with your unsaid words to them. Kaya tulad nga ng sabi mo kanina, live while you're still here," Luna claimed.
Bigla kami tumahimik. Ang deep din ng sagot ni Luna na para bang may pinagdadaanan din siya related sa topic na ito.
Narinig ko na umubo saglit si Luna at huminga ng malalim. "Stella, ang bait pala ng parents mo na sila Mr. Lucas and Ms. Wendy."
Pumikit ako ng mariin sa pagtawag ni Luna sa parents ko. "Look, huwag mo na sila tawagin in a formal way, okay? We're... friends... kaya tawagin mo na lang sila tito at tita. Maiintindihan naman nila 'yun."
"Ah, kaibigan? O ka-ibigan?" Luna teased.
"Gago," mahina kong sambit sa sarili pero hindi na ako naiinis. Nagtataka ako kung bakit hindi, tangina. I heard her small laugh sa kabilang linya. Ang sarap pakinggan...
Tangina, Stella! Ano ba pinagsasabi mo?
"Alam mo," I finally spoke up after a few seconds of us not talking. "Kahit mayaman kami, never pa ako nagka passport."
"What? Seryoso? Why naman?" Luna curiously asked.
Bumuntong hininga ako habang tumatayo sa aking upuan at nag crossed arms pagkatapos. "Iniisip kasi ng parents ko na baka daw umalis ako sa ibang bansa na walang pasabi sabi sa kanila."
"Over protective of parents moments." Hindi ko alam kung nag joke ba ang kausap ko o concerned sa akin o wala lang pake sa akin .
"Kasi naman, Luna, paano nga ba ako aalis kung may bantay ako dito? Tapos, kailangan ko pa i-manage mga businesses ni mom na baka next year. Gago paano na ako mabubuhay nito?" I blurted out. Hindi ko mapigilan ang sarili sabihin ang isa sa mga problema ko para sa future.
"Calm down first, Stella. Alam ko mahirap nga lalo ngayon na may virus, but they just wanted the best for you. I mean, I don't know your parents, personally, at ikaw lang ay may makakaalam nyan kapag tinanong mo. They're your parents after all."
Somehow, parang nagka deja vu ako pero hindi ko matandaan kung kailan ko sinabi iyon sa isang tao.
"Remember the first time we met when you asked me kung ano dream job ko?" Um-oo naman si Luna sa aking tanong. "I... I want to be a Flight Attendant. Para kahit paano, maranasan ko lumipad, maranasan ko pumunta ng iba't ibang places since ayun ang isa sa mga gusto ko gawain. At tsaka, maganda at masaya tumulong sa mga passesngers siguro, noh?"
"Yeah, I hope you will reach that dream of yours, Stella."
"You too, future Attorney," I said in a friendly tone while looking at the full moon.
Gusto ko ang ganito. Because every night, my thoughts are always mixed up at kailangan ko na may kausap.
Often, ang nakakausap ko ay yung stuff toy ko or nag voice message na lang ako sa cellphone. Ayaw ko na guluhin ang Amarelo kasi lahat ay busy at may sariling buhay, kaya naisipan ko na maging busy din sa sarili.
Hindi na namin namalayan na madaling araw na kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Good night, Luna," naantok kong paalam sa kanya.
"Sweet dreams, Stella,"malambing niya paalam din.
At tsaka natulog ako sa aking kama na masaya ang pakiramdam. Sana ganitong pakiramdam na lang palagi ang nararamdaman ko.
YOU ARE READING
Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)
Teen Fiction[Based on a true Filipino story] "You're the light of my life, my star, my Stella... I will love you, even in another universe." A story wherein Stella is currently having a hard time to survive in her life. After crossing paths with Luna, will Luna...