~05~

5 0 0
                                    


"Sure!" With just that one answer, napangiti ako sa wala sa oras.

Nag pop up sa messenger ko na nag replied na si miss saken.

"Sweetie, hello. If you wanted to add any instruments, you and your partner should decide, although I believe your music teacher would talk about this. And also, you can tell your classmates na yung focus ng theme(s) ay kung may development nga ba kayo based on your real life story. Bahala na lang kayo kung paano niyo edit video niyo.. and by the way, separate video for each theme :)"

Nag heart react ako sa message ni Miss. Okay, medyo may alam na ako na themes den.

"Okay, thank you, ms! Noted on this po!"

After my reply with her, sinened ko na sa section gc namin ang message niya. Everyone understood and thank God naman wala daw nangyare away sabi ni Matt. Parang mga bata kasi, please.

Binaba ko na ang cellphone ko at kinausap na si Luna. "Ahm, g ka ba gumamit tayo ng instruments?"

Please say no..

I saw her smiled. A teasing smile, I believe. Lord, pls ano nangyayare saken? Bakit bigla bumibilis tibok ng puso ko sa ngiti lang nya?

"Yep! So pwede ko na ba sabihin ang idea ko? Hehe," tinaasan niya ako ng kilay.

Ay sige no choice na, may alam na siya eh. "Sure, go po."

Huminga siya ng malalim bago sabihin ang idea niya at tumingin sa screen, sa akin. Malamang alangan naman tumingin siya sa gilid niya.

"What if sa english song ay unrequited love at sa tagalog song ay na in love na sila sa isa't isa na hindi na sila duwag or something like that ?"

Tumango ako sa idea niya since pwede naman namin gawin yun. "But I have a suggestion hehe," nahihiya kong sabi.

"Go lang," she leaned forward at nilagay ang braso sa lamesa niya. Pero required ba talaga na mag lip bite habang naghihintay ng sasabihin ko?

Nilagay ko yung kanang kamay ko sa aking batok kunyare kinakamot. Nakakahiya naman kasi mag-usap sa babaeng toh. "A-ahm, so... Balak ko sana sa tagalog song na lang yung parang na in-love na yung dalawang tao at yung english ay yung kumukuha ng hope ang person kay God..?" 

Tumatango-tango lang si Luna. "Mhm, sige go lang din naman ako diyan. Wow ah, different themes talaga! Banal mo pa, vice president"

Tumawa ako ng mahina sa sinabi niya habang umiiling. "Salamat sa compliment, I guess, new student na cold."

Mukhang nagulat si Luna sa sinabi ko. Tinuro niya ang kanyang sarili "Ako? Cold? In your dreams, love."

"Hoi! Yung ginawa mo kanina, yung tono ng boses mo at na likezone mo pa ako. Hindi na 'yun cold for you, lods?" Angal ko. Hindi ko na lang pinansin sa pagtawag niya sa akin na 'love'. Baka kung saan pa umabot na planeta ang usapan namin.

I believe that's when she came to her senses. "Ah kasi pagod na ako ngayon, okay? At... meron ako ngayon kaya you know, mood swings."

"Pft, okay okay reasonable. You should have said it kanina para hindi ako mag overthink amp."

Nag smirk naman si Luna. "You didn't asked."

Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)Where stories live. Discover now