[A/n: disclaimer again that I have no rights to use the chosen airline's privacy, procedures, and such; this is just for writing purposes only]
Dahan-dahan akong dumilat at narinig ko ang ingay ng mga tao sa aking tabi.
"Doc! Gising na ang loka!! Si Luna!"
"Doc! Nurse! Gising na ang anak ko!"
May oxygen mask ako at madaming nakadikit na gamot sa aking braso at naka bandage pa kanang paa ko.
Tiningnan ko ang mga tao sa loob at inobserbahan ang isa't isa. Nandoon ang isang kaibigan ko na si Jane at isang matanda na lalaki sa harapan ko na mukhang nasa 70s na. Bigla na lang din pumasok sa kwarto ang dalawang doctors at tatlong nurses.
Mas lalo akong nagulat nang makita ko sila Elle at Brian that were my doctors. May hawak na clipboard si Elle at naka salamin pa rin siya, while Brian puts his hands sa dalawang pockets ng jeans niya.
The woman who looked like Elle questioned, "How are you feeling, Ms. Luna West?" and gently took off my oxygen mask.
Kumunot noo ko dahil sa last name ko. Bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa kanya. "Luna Alvarado."
Everyone in the room gave me a questioning look. "Huh? Where did you get that from, anak?" the old man asked.
"D-Dad?" Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na ang tatay ko. Ang alam ko ay namatay na siya. Kulay white na ang buhok dahil sa pagkakatanda na.
"Oo, ako ang tatay mo," lumapit siya sa akin.
"Luna Alvarado ako, 'diba?" I asked once again, making sure to everyone na ayun ang last name ko.
Umiling ang kaibigan ko. "Hindi, beh." Tumingin naman ang kaibigan sa dalawang doctors. "Doctora Elle, may amnesia po ba kaibigan ko?"
Nilagay ni Elle ang isang kamay niya sa kanyang baba at mukhang nag-iisip. "Well, let me inform you first, Ms. West, that you got a car accident at na-comatosed ka in three months. And based sa X-ray results, may Traumatic Brain Injury siya which means from the car accident that she had... Natamaan utak niya."
"Eh, ang puso niya, Doc. Brian? Okay lang po ba?" tanong muli ni Jane.
Tumango ng dahan-dahan si Brian at pinapaabot ang clipboard na hawak ni Elle na binigay din naman sa kanya.
"The good news is that she put up a brave battle for her life during the previous few months, which is admirable of her, but the bad news is that she must remain in the hospital for a while dahil kailangan ipagaling ang mga sugat niya at ipagaling din ang kanyang puso at paa."
"Isa din sa mga symptoms ng TBI ay amnesia, you may ask her some relevant questions if may naalala siya," Elle added.
Tumango si tatay at tumingin sakin na may pag-alala. "Anak," he called. Dahan-dahan ako bumaling sa kanya. "Do you know where you are right now?"
"We're in the hospital, of course," pilosopong sagot ko.
Lumaki ang mga mata niya pati si Jane. Umiling si tatay at tinanong ako muli ng mahinahon. "Kilala mo ba kami?"
Tumango na lang ako. "Nasaan si Stella, Jane?"
Umaasa ako na buhay pa ang aking mahal sa buhay kong ito.
Kumunot noo nila Brian at Elle at tinanong ako ng babae. "Who do you mean by Stella, Ms. West?"
Hirap ako makapaniwala sa tanong niya dahil West nga ang last name ko at puro panaginip lang pala ang nangyare sa amin ni Stella. "Estella Agustin, her nickname is Stella."
YOU ARE READING
Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)
Teen Fiction[Based on a true Filipino story] "You're the light of my life, my star, my Stella... I will love you, even in another universe." A story wherein Stella is currently having a hard time to survive in her life. After crossing paths with Luna, will Luna...