~17~ Brian

7 0 0
                                    

--during Stella's birthday (tw// mention of death/gun)

I am seating beside Elle on the couch, both drinking Black Label while staring at the dance floor. Tumikhim si Elle na mukhang malalim ang iniisip dahilan napalingon ako sa kanya.

"Oh, bakit?" I asked worriedly at nilagay ang braso sa balikat niya. 

Tumingin si Elle sa akin with an emotionless look at napabuntong hininga. After a few seconds looking at each other's eyes, Elle started the conversation.

"Kung maaari mong baguhin ang isang bagay sa iyong buhay, ano naman ito?"

I curiously looked at her. Lalim naman mag tagalog nito, gagi! Nasaan na ang pagiging conyo mo? 

"Lalim naman ng iniisip mo, pre," natatawa kong sabi.

"I'm serious here, Brian."

Tumahimik ako at iniwas ang tingin sa babae. Nag-iisip ako ng maayos na sagot since halata talaga kay Elle na seryoso siya at ayaw ko naman mainis ang babae sa akin, kahit sa isang araw lang. 

Madalas kasi kami nag-aaway dalawa lalo na sa mga bagay na hindi naman dapat pag-awayan; in short, we're fighting or scolding to unreasonable things yet we still have each other at the end. Kaso hindi niya maramdaman ang nararamdaman ko sa kanya, eh.

"What I want to change one thing in my life," I said slowly, nag-iisip parin ng sagot.
Gusto ko man sabihin ang sagot na may half percent na hindi magiging kami in the future dahil sa torpe ako, pero naalala ko hindi ito ang tamang panahon upang umamin lalo na't party pa ito ni Stella. Baka magkagulo pa.

Napabuntong hininga na lang ako. "Ayun ang... mabuhay sa mundo na ang lahat ng mga tao ay nabubuhay na... healthy. 'Yun bang hindi sila mamatay dahil sa sakit... well, of course, huwag din sana mamatay sa guns and stuffs... In the future, I'll become a cardiologist and I will do my best to help those who are struggling with their heart problems. Syempre, as a human being, ayoko makakita ng tao mamatay sa harapan ko, tapos masisi ko pa sarili ko na ako pa dahilan kung bakit sila nawala," I answered with confidence habang umiinom na ng whisky.

Elle knows that my answer is based on my experience kaya tumango siya at ngumiti sa akin. 

My mother died because of a heart disease when I was 5 years old. Ang nag-aalaga na lang sa akin ay yung tatay ko na Chef. Nung nalaman ko ang dahilan kung bakit nawalan ako ng nanay, naging motivation iyon para maging doctor ako paglaki at matulungan ko ang mga may sakit sa puso.

"Last question," Elle said. "What comes to your mind when you heard the words 'to be healthy'?"

I smirk at tumingin ulit sa babae. "Pang doctor talaga ang topic, huh? At tsaka, maniwala ako na iyan na ang last question mo. For sure, mayroon pang iba, eh."

Elle rolled her eyes. "Just answer it! Pwede naman ikaw magtanong sakin after para fair at hindi ka na umangal."

I salute using my right hand. "Okay, ms!" Tumawa kami sa aking kalokohan.

"Ayun nga," I started answering. "To be healthy means taking care of your body, mind, and soul. Minsan kasi nakakalimutan ng iba na ang pagiging healthy ay sa katawan lang, pero ang hindi nila alam, mayroon pa silang kaluluwa at kailangan din nila alagaan ang kanilang utak. We won't be alive without those three... For example---"

"Ay wow may example pa, huh? Sineseryoso mo talaga mga tanong ko pero sige lang!" I was interrupted with Elle's teasing.

"Panira ka talaga sa moment, lokabels ka!"

I sighed once again. " For example, a person was tasked to do their plates since architecture siya. Hindi siya kumakain but that person only drinks water dahilan hindi lumalabas ang mga creative stuffs sa ulo niya. Wala siya time magpahinga kasi next two days ang pasahan ng task na 'yun. Hanggang madaling araw niya ginagawa ang task, as in hindi siya makatulog dahil sa pressure. Ang effect?" tanong ko sa sarili pero nakatingin parin kay Elle.

"Nahimatay siya after passing the task. The person shouldn't pressure themselves too much. I mean, yes onti lang time binigay pero importante parin ang health mo, spiritually, physically, and mentally."

Tumango si Elle at ininom muli ang vodka niya. "Sabagay, baka nga bumagsak pa siya since hindi creative paggawa niya at wala pa siya kinain kahit apples man lang. Sana natulog siya for 15 minutes or 1 hour. Sayang tuloy effort."

"To conclude, if you can't take care of yourself, let someone do it for you. Let them comfort you with the words and actions that you want to have. Because they love you." Alam naming dalawa na ang random ng pagkasabi ko, pero ayun ang lumabas sa aking bibig. Tumawa na lang si Elle sa akin.

I know kung gaano mo din na pressure sarili mo sa pag-aaral, Elle. But please, don't forget that I'm also here to be your comforting person who will be like a pillow for you, so that you can take time to rest before doing your activities.


Tumingin ako kay Elle na may ngisi sa labi at tinaasan siya ng kilay. Elle look back curiously. "Oh, ako na magtatanong!"

"Pfft, bring it on!" Pagyayabang na sabi ni Elle.

"Hmm," tinap ko ang right cheek ni Elle habang nag-iisip. "What do you love the most in life?" Hindi ko sana itatap ang cheeks ng babae pero hindi ko mapigilan kasi ang cute niya kapag lumalabas ang naasar look niya.

"Pota hindi mo naman kailangan ulit gawin yun sa akin! Ano ako? baby?" naasar na tanong ni Elle habang tinatanggal ang hawak ko sa pisgne niya.

Pwede naman, 'diba?

"What do I love the most?" Elle asked herself.

Naghihintay ako ng sagot habang nakatingin sa hooded eyes niya.

"It's that person," tumingin si Elle sa malayo. Tumingin din ako doon pero walang tao.

"Sino?"

At tsaka tumingin na si Elle sa akin. "Secret!" tawa ng babae.

I rolled my eyes and smirks. I somehow know this person Elle is referring to pero ayaw ko lang magsalita. Hindi pa 'ata siya ready sabihin ang nararamdaman niya.

"That person feels like home whenever we're together. Kahit minsan hindi kami nagkikita face to face, masaya ako na we still check up on each other via social medias. Ang masiyahin niya and amiable. Isa siya sa dahilan kung bakit gusto ko din maging doctor. But sadly, that person doesn't see themselves on what I see in them. Wala pa siya confidence sa sarili niya dahil sa anxiety niya sa pagsabi ng 'no' o makasakit ng damdamin ng tao. I love that person so much to the point ang sakit niyang mahalin dahil alam ko din naman na imposible maging kami."

Bigla sumakit ang aking dibdib habang umiinom ng whisky. I realized that I fell first to Elle but she fell with another person that can't be hers also.

I coughed a little. "I'm sorry." 

Sorry for falling in love with you.

Tumingin si Elle sa akin na may onti ngiti. "It's fine! potangina naman, wala naman mamatay, okay?"

I laughed a little, forcing a smile para hindi mag-alala ang babae. Elle asked me again. "Ikaw? Do you have someone that you admired?"

Oo, ikaw.

"Imposible nga din maging kami, eh. The fact na nag-ayos ka na lang sa pagiging kaibigan.. para ma-keep mo lang siya sa buhay mo," my voice crack while looking at her beautiful hooded eyes.

Tinapik ni Elle ang braso ko. "I know it hurts, lods. Bawi tayo sa next life."

Tinaas ko ang aking glass na tinaas din ni Elle ang kanya. "Cheers to bawi next life," biro ko.

"Cheers!" at nagsimula na kami mag-inom.


I glanced at her and started another topic. "So, simula na tayo mag practice for the Battle of the Bands the day after tomorrow?"

"Oh, gosh ka! Buti pinaalala mo!" natatawang sabi ni Elle while playfully slapping my shoulder. I cursed silently dahil ang lakas ng hampas niya. Nalalasing na kasi si Elle sa alak.

"Duh ako pa!" Pagmamalaki ko sa sarili.

"Oo na retsam! Ikaw na po, pota. Excited na ako mag practice hihi," lasing na sabi niya.

"Ako din, Elle."


Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)Where stories live. Discover now