~ 28 ~ Luna

8 0 0
                                    


(might be a long narration)

--flashback


Kakagaling ko lang sa school ko at nanalo ako sa isang singing contest doon. Since ngayon hapon ang uwian ni mama sa office, balak ko siya surpresahin at ipakita ang aking medal at trophy.


"Ma?!"

Nasa parking area ako ng building na pinapasukan ng aking ina nang makita ko siya nakaluhod sa harapan ng dalawang boss niya, sila Sir Lucas at Ms. Wendy. Kilala ko sila dahil kinukwento sa akin ni mama tungkol sa dalawang mag-asawa. At tsaka, kilala din nga sila dahil isa sila sa mga mayayaman sa Pilipinas.

Tumakbo ako papalapit kay mama upang tulungan siya tumayo nang iniwas niya ang aking tulong at nanatiling nakayuko ang ulo. "Hayaan mo na ako dito, ako na bahala."Tumingin ako sa boss niya ng pagtataka. "Hi, ako po si Luna! Anak niya po ako, pwede ko po ba malaman ano nangyayari dito?"

Buti na lang wala masyadong tao dito sa parking lot at kung may tao man dumadaan, mag bow lang sila sa kanila Sir Lucas at Ms. Wendy at aalis na.

Ms. Wendy approached us at matalim tiningnan ang aking ina. "Hindi mo ba alam na yung ina mo ay gumagawa ng paraan upang kunin ang bank account ko?"

Hindi ako nakapag-salita sa sinabi niya. Isang accountant kasi si mama at nag trabaho nga siya sa kanila ng 3 years pero hindi ko expect na gagawin niya yun.

Tumingin ako kay mama na hindi nag sasalita. "Ma, totoo ba yun? Ma, hindi naman po diba?" pagmamakaawa ko kasi sayang ang pagtatrabaho niya if ever ipakulong siya sa ginawa niya; knowing na powerful people ang kausap namin.


"Totoo yun," walang emosyong sagot ni mama sa akin.

Parang tumigil mundo ko sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw sa aking pwesto pero nakayanan ko tumingin sa Agustin couple.


"I..." I trailed off muna, hindi ko alam ano sasabihin ko. "I am sorry, in behalf of what my mom did. Is there anything that we can do for what she did?" I innocently asked and genuinely apologized.

Bigla hinawakan ni mama braso ko ng madiin at tiningnan ako ng masama. "Ano ginagawa mo? Bakit mo sinasabi na kasalanan mo din?"


Bago ako magsalita, may babaeng pumunta sa tabi ni Sir Lucas at siya'y niyakap.

"Hi, dad! Hi, mom! Ano meron dito?" she asked in an innocent and curioused tone. Matangkad siya sa akin ng kaunti, naka soot ng white puff sleeves top, blue ripped jeans, and a white Adidas sneakers. Her hair is tied up in a bun.


I saw how beautiful her smile is when she looked at me.

"Uhmm," so this is their beautiful daughter that my classmates and other people talked about? I didn't even noticed that I showed her my half-smile.


"Ipakulong niyo na siya," nawala ang aking ngiti ko noong sinabi ni Ms. Wendy na ipakulong ang aking ina habang may kausap sa kanyang cellphone.

Ako, si mama, pati na din ang anak nila Ms. Wendy ay nagulat. Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kamay nila Ms. Wendy at Sir Lucas.


"Maawa po kayo. Hindi po kasalanan ni mama yun! Baka na mistaken po kayo ng tao," pagmamakaawa ko sa kanila dahil hindi ko alam gagawin ko pag nawala si mama.

Siya lang kasi ang nagbibigay ng pera sa akin para sa baon ko at pamasahe. Hindi pa ako ready mag part time job lalo na't 15 years old pa lang ako.

Umiling si Sir Lucas at nagbigay ng apologetic look. "I'm sorry, but she did something that will affected our company, obviously it is against the rules and regulations to do that."


"Don't worry, you will see your mother maybe in three years," walang emosyon na sabi ni Ms. Wendy sa akin.

Gusto ko mainis. Gusto ko siya sampalin kasi bakit wala siya pake sa sitwasyon naming mga mahihirap?! Naalala ko sinabi ni mama na masungit si Ms. Wendy, habang si Sir Lucas ay ang understanding na medyo strict na boss.

Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)Where stories live. Discover now