~ 30 ~ Elle

7 0 0
                                    


[A/N: before one of the day of LuLla's monthsaries]

[tw// present of alzheimer's disease symptoms]


Elle: 11:11 happiness for the both of you. I want you two to accomplish your ambitions and realize your aspirations together. Stella, please be happy with her because it makes me glad to see you happy. Alam ko kung gaano ka kasaya when you talk to her and when you are with her. I trust her with you kasi nakikita ko nga ang pagmamahal at care niya sa'yo. 

Nag send ako ng wish para kay Stella via Message. Busy na ako mag advance study since sa ADMU ako mag-aaral at ang course na kukunin ay Pre-med. 

Hindi na ako nagulat nang tumawag si Stella sa akin dahil doon namin mas naiintindi ang isa't isa.

"Gago, pinagsasabi mo doon?" Bungad ni Stella na halata sa tono ng boses ang kuryosidad. 

Ngumiti ako at binitawan ang higlighter na hawak upang mag-pokus sa pag-uusap namin. "Sinabi ko pala 'yun for motivation na lang, I guess," natatawang sagot ko sa tanong ni Stella kanina. "Minsan kasi ito yung point sa life natin na we feel we've been left behind or hindi pa tayo sigurado sa ating desisyon sa buhay. With that, we must strive in order to lead ourselves along the best path, which will make us happy."

Hindi nakapag-salita si Stella kaya nagtataka na ako kung may nangyare ba sa kabilang linya. Magsasalita na sana ako nang tumawa ng mahina si Stella. "Don't worry, I'm doing fine."

I questioned incredulously, "Are you sure?" Hindi kasi halata sa boses ni Stella na masaya siya.

"Yep, ako pa ba? Strong ako, noh."

I hoped so. "Kamusta pala kayo ni Luna? Pumupunta pa ba siya dyan?" Matagal na naman bago magsalita si Stella. 

Napabuntong-hininga muna siya. "No. Bakit naman siya pupunta dito?" 

Tinaas ko ang aking balikat kahit hindi ako nakikita. "Maybe because she's your girlfriend, I suppose."

Narinig ko na tumawa si Stella ng peke. "Ah, oo nga pala... Girlfriend."

Um-oo naman ako sa kanya. Sumasakit dibdib ko sa sinabi ni Stella na mag-jowa sila ni Luna, dahil mahal ko si Stella... more than a friend.


-- flashback

New tweet:

@itsmeStella: Kakagising ko lang ito agad bungad ng mga tropa ko, nice!

Replies- @Elleisme: oks lang yan pre para magising ka na sa katotohanan

@privko: sa katotohanan na may gusto ako sa'yo na dapat alam kong bawal.. hindi ko magustuhan ang iba dahil ikaw lang hinihintay ko tangina, na tanggapin mo na ako. Fuck being friends, Stella. Ang sakit mo mahalin!

Sinabi ko din na mag date sila Stella and Matthew kasi halata naman sa lalaki na may gusto siya kay Stella. Naseselos pa nga ako when they were together sa Tagaytay and their road trips. Before we met the boys, ayun ang mga ginawa namin dati pero naselos parin ako dahil ginawa na ni Stella sa iba iyon. 

Sino ba naman ako para maselos? Sa bagay, kaibigan lang turing ni Stella sa akin.

Ang mali sa akin ay tuwang-tuwa ako sa mga bare minimum ni Stella, katulad ng pag send ng good morning messages sa social medias, sa pagtulong sa akin sa ibang projects, kahit magkaiba kami ng strand, since Stella is willing to help me. Ang resulta? Ay nahulog ako sa hindi inaasahang panahon. 

--end of flashback


"Nainom mo na Memantine medicine mo? Next week pa siguro yung para sa Aducanumab, noh?" tanong ko sa kaibigan.

I heard Stella asked Yaya Wena, who entered her room na, since hindi niya daw maalala kung naka-inom na siya. "Yes, po. Naka-inom na kayo kanina." Nagpasalamat si Stella at sinabi niya sa akin ang sinabi ni yaya, kahit narinig ko naman 'yon.

I let out a short sigh of relief, "Well, okay. that's nice to hear. Kumain ka na?"

Stella chuckles. "Grabe magtanong, jowa ba kita?" 

Natatawa na lang ako sa sinabi ko at nag mura sa kaibigan. "Hindi pa nga, eh. Nawawala ako ng gana. At 'tsaka, I guess I once started to experience nausea, pre. Parang gusto ko isuka 'yung gamot hehe."

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ang mga sinabi niya. Napahawak ako sa aking noo at nag-aalinglangan magsalita sa kanya. "Uhm... May I speak with Yaya Wena?"

"Hello, 'iha?" tanong ni yaya after a few seconds.

"Hi yaya, pwede po ba sabihin sa doctor ni Stella tungkol sa mga symptoms niya? Importante po kasi sabihan siya ukol dito," paki-usap ko na may halong pag-aalala.

"Sige, iha."

Magpapasalamat na sana ako nang marinig ako na may umiiyak. "Teka asan si Luna? Bakit nasa'yo ang cellphone ko? Sino katawag mo?" 

Si Stella 'yung umiiyak.

"Ms. Stella, ako si Yaya Wena. Ang kaibigan mo po katawag ko dahil binigay mo sa akin ang cellphone mo, may sinabi lang po siya sa akin about your symptoms," mahinahon na sabi ni yaya.

"Yaya? Ano symptoms? I'm completely fine! I have to go outside at tignan kung nasa labas si Luna. May sasabihin pa ako sa kanya---"

"Stella, 'iha, higa po muna kayo dyan. You need to rest," putol ni yaya kay Stella. Tawag ako ng tawag sa kanila pero mukhang hindi ako marinig. 

Narinig ko na humihikbi na ang kaibigan ko kaya balak ko na pumunta nang marinig ko ang sigaw ni Stella. "Sino ka para tigilan ako? Wala ang makakapigil sa akin ngayon dahil hindi ko naman kilala kaibigan ko. At taena bakit ba ako naiiyak?!"

Natigilan ako sa sinabi ni Stella. Hindi niya daw ako kilala. 

"Hello Elle?" biglang tanong ni yaya sa cellphone. 

"P-po?" nauutal na tanong ko pero I tried to be blissful.

"Papainom ko muna si Stella ng anti-anxiety pill." I nodded and affirmed with her that this was the most effective strategy for calming Stella down.

Narinig ko pa na tumatanggi ang aking kaibigan na uminom pero pagkatapos na makipag-usap ni yaya, ininom na niya iyon.

Napabuntong-hininga si Stella at umubo ng konti. "Bakit ba kasi ako umiinom niyan? I should be studying right now, 'diba? Kailangan ko mag advance--"

Hindi ko na narinig ang sunod na sasabihin ni Stella nang bigla namatay ang tawag. Sinubukan ko tumawag muli but after a few seconds, hindi na sinagot.

I felt that Stella could have easily forgotten about me.


@privko: I'm sorry for falling in love, Stella. But why are you really sweet to me? Even your affection for me puzzles me. Even the cardiologists are unable to support in my treatment from our friend zone.

@privko: The world is unfair, right? Gusto ko makita na naabot mo na pangarap mo... bago ka pa mawala. 



Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)Where stories live. Discover now