Wendy and I are in front of Stella's room in the morning, after the celebration of our daughter's birthday. Nag-uusap kami kung paano namin isurprise si Stella since may gift kami sa kanya.
Bigla bumukas ang kwarto ni Stella.
Stella is wearing her green silk camisole with a black lace neckline pajamas. Mukhang kakagising lang niya dahil gulo-gulo pa mga buhok niya at may muta pa sa mata. Kinamot niya iyon at nag-yawn. "Good morning?" she asked kasi nagtataka siya kung bakit ang aga namin magising.
Rinig ata yung pag-uusap namin ni Wendy sa loob.
Mahina ako tumawa sa kanya tsaka ngumiti. "Good morning, anak!"
Yumakap naman si Wendy sa anak niya. "Good morning, love," masaya niyang bati. Yumakap pabalik si Stella sa kanyang ina.
Nang humiwalay na sila sa yakap, curiously tumingin si Stella sa amin na naman. "So, what brings you here early in the morning? Medyo rinig ko pa pinag-uusapan niyo sa loob po, eh hehe."
I turned to Wendy with a smile on my face. "Well," panimula ko and then look at Stella. "We have a gift for our hardworking and beautiful daughter."
Lumaki ang mga mata ni Stella at tinaasan niya ang kilay sa amin. "Weh, hindi nga? Seryoso? Ano iyon?" hindi makapaniwala tanong niya. "Grabe naman sa compliments din, daddy, ah? Maganda tuloy umaga ko."
Tumawa kami ni Wendy sa tanong ng aming anak. "Yes, meron nga," Wendy said habang natatawa pa rin.
"Then... where is it?" Tumingin si Stella sa kamay namin kahit wala naman kaming hawak na kahit ano.
Instead, nasa office ko iyon. "Edi tara na! Excited na ako makita regalo niyo sa akin, eh!" Sigaw ni Stella habang tumatakbo papunta sa office ko. Tumawa muli kami ni Wendy sa inasta ng aming anak.
Nang makapasok na kaming tatlo doon, pumunta ako sa aking office table at binaba ang ulo upang kunin ang regalo na nasa drawer.
Nakalagay ang regalo sa isang gift box na kulay white na may black ribbon pa. Ngumiti si Stella nang ibinigay ko ang regalo sa kanya.
"Wow! Ano kaya laman neto? Pwede ko ba shake muna?" taka na natutuwa na tanong ni Stella.
Tumango naman kami habang naka ngiti. Mahahalata sa amin ni Wendy na excited kami makita ang reaction ni Stella.
Inalog nga ni Stella ang box pero dahan dahan lang habang pinapakinggan ang nasa loob. Hindi niya mahulaan ang laman kaya balak na niya buksan iyon. "Buksan ko na po ah," sabi niya sa amin habang tinatanggal ang ribbon.
Seconds later, tinakpan ni Stella ang bibig niya at lumaki pa ang kanyang mga mata na nakatingin sa loob ng box. "Is this for real?" bulong niya sa sarili.
Tsaka niya nilagay ang box sa ibabaw ng office table at kinuha ang susi at ang driver license niya. "Susi sa motor po ito, diba?" tanong niya sa amin.
Ngumiti kami kay Stella at lumapit sa kanya. "Yep, may motor ka na, love," sabi ng ina.
Napakagat sa labi si Stella upang pigilan ang ngiti at luha pero hindi niya kaya itago yun, kaya bigla na lang niya kami niyakap. "I love you both so much, what the--"
"Ay magmumura?" I interrupted while laughing.
Tumawa pabalik si Stella habang pinupunas ang mga luha. "Ay hehe sorry. Nasanay lang magmura po kapag masaya," she giggled. "Sorry po."
"Now, now," Wendy comforted Stella by tapping her back softly. "Don't cry. You know, we would always support you on your dreams, right?" Tumango naman si Stella sa kanyang ina at pinakawalan ang yakap namin sa isa't isa.
"We'll show you your motorcycle in the garden," I encouraged while messing her hair kahit magulo na kanina pa.
Excited muli lumabas si Stella ng office room at tumakbo papunta sa lugar na kung saan ang motor na binanggit ko.
Sinundan namin si Stella habang naglalagkad.
"Support her on her dreams kahit pinilit mo siya mag abm?" I saractically asked my wife about what she said earlier.
Wendy also sarcastically laughed and shakes her head. "Iyon lang naman ang na force ko sa kanya, 'diba? Nothing more, nothing less," she strictly said the last one.
Umiling na lang ako sa pinagsasabi ng aking asawa.
"Do you think Luna looks familiar?" I asked, curious. Bumalik sa aking alaala ang pangalan ni Luna.
Tumango naman ang babae. "Yeah... and I have a gut feeling na may gagawin siya in the future with our daughter... I'm concerned," Wendy worriedly said.
I hopefully wala mangyari masama.
Nang nasa garden na kami, nakita namin sila Rando at Stella na katabi ang motor. Ducati Panigale v4 na color red at meron pang pillion seat sa likod upang maging 2 seater ang motor.
"Wow naman, teh! May motor ka na! Baka pwede ka na utusan bumili sa grocery," Rando teasingly said to her sister.
Stella rolled her eyes and smirks. "Weh? Inggit ka lang may motor na ako, eh."
"As if."
Lumapit kami ni Wendy sa aming makukulit na dalawang anak na may ngiti sa labi. "Do you like it?"I asked my daughter. Stella smiled back and give me a thumbs up.
"I love it!"
"Ate! Use the safety kit I gave you, okay? Ilagay mo yun sa susi since keychain naman yun.. Naku talaga kapag may nangyari masama sayo," kunyareng naiinis na bilin ni Rando sa ate niya.
Stella pinch her brother's cheeks. "Oo, noted boss! Sweet mo sa akin ah, baka eto ang way mo para sumakay sa akin, noh?" asar niya.
Tinanggal ni Rando ang paghahawak ng kanyang ate sa pisnge niya at tiningnan siya with an irritated look. "No! I'm just worried. Ew naman sa sweet mo. At tsaka baka mahawa ako sa virus dahil inano mo cheeks ko at hinawakan mo pa yung motor huhu," kunyareng iyak at nadidiri angal ni Rando.
Umiling na lang ako sa asaran nilang dalawa.
"Ugok! Hindi sa ganon nag spread ang virus!" angal ni Stella at binatukan ang ulo ni Rando.
"Opss," pagpigil ni Wendy sa kanila. "Tara na sa loob at kumain na ng breakfast. Gugulo ng itsura niyo oh."
---later in the afternoon; Lucas office
"Hello, Mr. John Dawson? I have something for you to search for," I said sa katawag ko na nangangalang John Dawson.
"Yes, Sir Agustin, sino po ang ipapahanap niyo sa akin?" John politely asked. I assume that he's in the office too since marami maingay na tunog ng mga telephones sa background.
"It's the girl named Lucyiana Rhys Alvarado. Schoolmate daw ni Stella."
Hindi nakapag-salita si John, assuming na kilala niya ang pinapahanap ko sa kanya. "You know her, Mr. Dawson," I said, hindi pa patanong ang sabi.
"Yes, sir," tahimik na sabi ni John na parang ayaw niya iparinig sa iba niyang kasama.
Tumango ako and sighed heavily. "Okay... Give me her background information and bring it to me when you're done," utos ko.
Sumang-ayon si John sa utos at binaba na ang call.
John A. Dawson. Pamangkin ko sa aking mother side. Isa siya sa mga kilalang detective chief inspector ng bansa. Marami na siya naitulong lalo na pagdating sa mga criminals. Buti na lang mag-tito kami at na highly respect ako ni John kaya susundin niya ang utos ko.
"I hope my assumptions about her are wrong..." I hopefully said to myself.
YOU ARE READING
Loving in Another Universe (The Friend Zone Series 1)
Teen Fiction[Based on a true Filipino story] "You're the light of my life, my star, my Stella... I will love you, even in another universe." A story wherein Stella is currently having a hard time to survive in her life. After crossing paths with Luna, will Luna...