PAHIRAM NG BALLPEN
“Paano kung...naubusan ako? Pwede bang ako na lang?”
Nakanguso akong lumapit sa pwesto ni Triff.
"Pahiram ng ballpen?" Nakanguso kong ani habang inaabot ang kamay kay Triff tinignan lang ako nito at saka kumunot ang noo.
"Please?" Pahabol ko pa. Napabuntong-hininga na lang siya at saka iniabot sa akin ang tatlong ballpen.
Yes! Tatlong ballpen.
Nakangiti akong nagpasalamat sa kaniya bago nagtungo sa sariling upuan at nagsimula ng magbilang.
Ilan na nga ba lahat ng ballpen na nahiram ko?
22 pieces noong nakaraang buwan
9 pieces noong nakaraang linggo
At ngayong linggo na ito nakahiram ako ng 30 pieces.
Ilan ba lahat ng kakailanganin ko?
Nagsimula na akong isulat ang mga salitang bubuuin at saka binilang ang lahat ng iyon.
61! 61 ang kailangan ko na piraso ng ballpen.
Binilang ko lahat ng nalikom ko na ballpen at napangiti na lang ako ng sakto lang ito! Saktong sakto!
Kagat-labi akong tumingin sa pwesto ni Triff. Nahuli ko pa itong nakatitig sa akin. Umiwas na lang ako nang tingin.
Tamang-tama naman na tumunog ang kampana ng paaralan, hudyat na recess na.
Kaniya-kaniya silang lahat sa paglabas pati si Triff lumabas rin. Napangiti ako. Umaayon ang pagkakataon sa akin.
I love you pagkakataon!
Nang ako na lang ang tanging naiwan sa aming room. Isinagawa ko na lang ang plano.
Mabilis lahat ng galaw ko baka maabutan ako ni Triff na nag-aayos, mabulilyaso pa ang ilang buwan kong pinagplanuhan.
Napatalon ako sa gulat ng marinig na tumunog ang pintuan, hudyat na may papasok.
Hindi man handa sa sasabihin. Nanatili akong nakatayo.
Sa swerte ko, napahagikgik na lang ako. Sanhi ng paglingon ni Triff sa pwesto ko. Nakakunot-noo nanaman ito.
"Ang sungit talaga," bulong ko sa hangin.
"Ano yan?" tanong nito. Ilang beses pa muna akong napakurap at saka napalunok. Hindi siya masyadong palangiti o kung palasalita man. Kaya nakakaramdam na ako ng kaba.
Unti-unti ng nagsipasukan ang aking mga kaklase, at pare-parehong napapasinghap sa tuwing napapatingin sa pisara. Kung saan may tatlong salita na nakadikit sa kartolinang puti gamit ang piraso ng mga ballpen.
"PAHIRAM NG BOYFRIEND?" Natatawang tanong ng kaklase kong babae.
Nanlalamig ang mga kamay ko na tumingin sa kaniya. Napaatras ako nang makitang nakangisi na ito habang nakatingin sa akin.
"Ano yan?" Muling nitong inulit ang tanong kaya mas lalo akong pinamulahan. Nagpalipat-lipat ang tingin ng aming mga kaklase sa aming dalawa.
"Nanghihiram ng boyfriend."
"Pwede ba?" Buong lakas kong ani, pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko.
This is not my plan! Ang plano ko, sasabihin ko lang ito sa harap niya, ng kaming dalawa lang. Sobrang dami na nilang nanonood. Narinig may napahiyaw pa sa huling sinabi ko.
"Paano kung naubusan na ako?" Sinadya nitong bitinin ang sinabi.
"Pwede bang ako na lang?" Namumula man hindi ko maiwasang mas mamula pa. Kung ikaw ba nasa posisyon ko? Hindi mo rin ba mararamdaman ang nararamdaman ko? Gayong sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko. Isang dangkal lang ang layo ng mukha nito.
"I'm waiting..." Napasinghap ako ng hilahin nito ang baywang ko palapit sa kaniya.
"Hindi mo pa nga ako sinasagot, minamanyak mo na ako." Tumatawa nitong ani. Napatingin ako sa kamay kong nakahawak na pala sa tiyan nito. Inalis ko kaagad iyon. Ikaw self ah, may tinatago ka.
"Ano na? Diba nanghihiram ka ng boyfriend. Ako lang pwede eh." Nakangisi nitong ani. Napapikit na lang ako at saka itinapon ang hiyang natitira sa katawan ko. Sinalubong ko ang titig nito.
"Oo na! Ikaw na. Ikaw na available. Hmp," ani ko sa naiiritang tono. Ako dapat ang magpapapula sa kaniya bakit parang bumaliktad ata? Bakit laging may paraan ang mga lalaki para baliktarin ang sitwasyon.
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Queries: Compilation Of Short Stories
Short StoryQueries: Compilation of Short Stories The story composed of compilation of different themes‚ genre and issues that has been written purely by it's author. The author's purpose is to express her thoughts and persuade the readers to think wisely with...