27: SHE ACCUSED ME OF STEALING HER MASTERPIECE

7 1 0
                                    

SHE ACCUSED ME OF STEALING HER MASTERPIECE

"I let them accused me—for her."

"Baby, ang galing ko talaga! See? Napakaraming mambabasa ang naghihintay sa bawat updates ko." I took her cellphone away from her. Sinamaan naman agad ako nito ng tingin.

"Let's eat, mamaya na 'yang puro pagbabasa mo ng mga comments at appreciation letter." Hindi ito umimik sa mga sinabi ko pero nagsimula na siyang kumain. Itinago ko ang mga ngiti saka nagumpisa na ring kumain.

She loves to write different stories, and plotting some unique ideas to twist her cliché artworks.

Hindi na lamang ako umiimik sa isang tabi para hayaan siya at panooring maging masaya sa bawat appreciation na ibinibigay ng mga mambabasa niya.

"Love, date tayo. Libre ko." Nakangiting wika ko habang hawak-hawak ang isang kamay nito. Busy nanaman siya sa pagbabasa ng mga comments sa story niya at pagre-reply sa mga chats.

I sighed heavily.

Alam kong maraming nagbago sa bawat pagdaan ng mga araw na nagiging sikat siyang manunulat. Masaya ako para sa kaniya, sa bawat achievements na nakukuha niya, at pag-abot ng mga pangarap niya.

Naging abala na siya sa pagiging isang manunulat at nakakalimutan na akong bigyan ng atensyon. Kaya naman para libangin ang sarili ko ay muli kong binuksan ang rpw account ko, kung saan dati akong manunulat.

Marami akong mambabasa pero nawala lahat ng mga iyon nang magsimula si Amora na magsulat. Pinahinto na rin ako nito sa pagsusulat at inutusang i-delete ang rpw account ko pero hindi ko ginawa 'yon.

Dine-activate ko lang dahil pakiramdam ko ay babalik pa rin ako sa pagsusulat at hindi ko kayang umalis, masakit dahil napakaraming alaala na ang nabuo sa account na 'yon.

Nakangiti lamang akong nags-scroll sa mga post ng ibang writer na kaibigan ko, minsan pa nga'y matapos mabasa ay nagco-comment din ako para malaman nilang may nagbabasa sa mga akda nila.

Iyon ang hindi ko maintindihan sa mga manunulat na nagsisilabasan, marami akong nababasang confession tungkol sa mga ganiyang tagpo sa rw account ko.

Hindi naman nila kailangang tawagin ang sarili nilang underrated dahil lang sa hindi aabot sa one hundred ang mga reacts o comments sa akda nila.

"Hindi niyo kasi alam ang nararamdaman naming mga underrated, dahil famous kayo!" Napailing na lang ako, lahat naman ng mga sikat na manunulat ngayon ay dumaan sa ganiyang sitwasyon paano niyo nasasabing hindi namin nararamdaman ang nararamdaman niyo?

Tila isang karayom ang tumusok sa puso ko.

Akala siguro nila, ay isang post lang namin noon ay may magbabasa na agad? Isang post lang namin may magco-comment na agad na magaling kaming manunulat at hinahangaan kami? Akala siguro nila sa isang post lang dinumog na agad kami?

Mapait akong napangiti, ginugol namin ang oras namin sa pagsusulat, tahimik na nagsulat nang nagsulat hanggang sa mapansin kami ng mga mambabasa. Iyon ang totoo. Umabot pa nga ako ng limang taon sa pagsusulat bago nakilala tapos sila na baguhan lang sa larangan ng pagsusulat ay nagrereklamo na agad dahil walang sumusuporta sa kanila?

Muli sana akong mags-scroll nang may nagnotif sa account ko, agad kong tinignan at binasa ang nakapaloob doon.

"To: Nike Soren
Please lang po, delete niyo na po mga gawa niyo.
From: hindimoakokilala"

"To: Nike Soren
Bakit bumalik ka pa? Matapos mong nakawin mga story ni Amora.
From: haha"

"To: Nike Soren
Wala ka ng readers na babalikan. You left remember. Charot. Magsorry ka na kay ate Amora.
From: Cute"

Queries: Compilation Of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon