SOLACIUM
"Sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa pagkawala mo."
Maaga naming nilisan ang Maynila nang sa gano'n ay maaga kaming makarating sa Apartment na tutuluyan ko.
Napakahirap talaga maging isang estudyante. Yung pakiramdam na kailangan mong isakripisyo ang agwat mo sa mga magulang mo. Mararanasan mo kung paano dumepende sa sarili, kung paano maging matatag sa bawat pagsubok, kung paano maging responsible sa bawat desisyon at higit sa lahat kakailanganin mo ang tiwala sa sarili.
"Ikaw pala ang magiging room mate ko." Nakangiting bati sa akin ng babae. Tahimik akong nakangiting tumango sa kaniya at saka pumasok.
"Akala ko wala akong room mate," ani ko habang inaayos ang sapatos ko sa gilid ng pinto. Hindi ito sumagot kaya naman napatingin na ako sa kaniya nginitian lang ako nito bago tumalikod para magtungo sa palagay ko ay kusina. Hindi ko na lang pinansin ito at tinungo na ang kwarto ko.
Nagsimula na ako sa paglilinis, mula sa agiw na para bang walang nag-aalaga sa apartment, mula sa mga alikabok, tae ng butiki na nakakalat sa gilid gilid. Inayos ko na rin ang mga libro sa maliit na shelf ng kwarto. Lumabas muna ako sa kwarto para uminom at kunin ang walis tambo. Napakadumi kasi ng ilalim ng kama ko doon ko pa naman balak ilagay ang dalawang maleta ko.
"Nasaan na ba ang walis tambo na 'yon?" Kanina ko pa hinahanap ang walis tambo sa lababo, kusina, cr, sala pero wala pa rin. Teka nasaan ba yung room mate ko? Baka alam niya kung nasaan ang walis tambo.
"Anong hinahanap mo?" tanong ng pamilyar na boses sa likod ko.
"Ahh...ehh yung ano kasi...yung walis tambo! Oo yung walis tambo kailangan ko eh." Hindi pa rin ako lumilingon kaya naman narinig ko itong tumawa. Napakunot-noo ako at saka lumingon sa kaniya umiiling-iling pa ito.
"Ginamit ko sa pag-aalis ng agiw rito sa labas. Pasensiya na at iisa lang ang walis tambo natin."
"Nag-aagawan tuloy tayo," tuloy nitong wika. Nakangiti ngunit kinakabahan ang kamay kong kinuha ang walis tambo sa kamay niya. Muli nanaman itong umiling-iling habang nakangiti. Tinungo ko na ang kwarto ko at saka nag-umpisa na sa paglilinis.
Hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod nagising na lamang ako sa katok na nagmumula sa pintuan ng kwarto ko. Namumungay ang mga mata kong kinusot-kusot ito at saka binuksan ang pinto. Halos mapatalon na lang ako ng makita ko ang ka-room mate kong nakangiti sa harap ko. Hindi naman ako magugulatin pero bakit lagi na lang akong nagugulat kapag kasama ko siya? Lagi na lang ako kinabahan. Siguro ganito lang ang pakiramdam sa unang experience na wala sa tabi mo ang mga magulang mo.
"Bakit?" Inaantok kong tanong.
"Hindi ka pa kumakain simula ng dumating ka rito. Nag-aalala lang ako baka magkasakit ka. Nagluto pala ako ng pagkain natin. Halika saluhan mo na ako." Nakangiting sagot nito. Tumango lang ako at saka sumunod na sa kaniya sa paglalakad. Totoo ngang nagluto ito ng pagkain. Nakahinga ako ng maluwag.
Unang araw ko sa pag pasok ngayon sa paaralan ng University of Lazarus. Transferee ako kaya naman kinakailangan kong maging behave sa mga dapat kong gawin.
Halos buong araw ay nagpakilala lang naman kami sa bawat subject teacher namin. May mga masusungit, matatalino at mababait na professors. Unang klase pa lang yan pero ganyan na ang pakikitungo ng mga professors paano pa kaya sa mga susunod na araw? Bumuntong hininga na lang ako. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa Apartment namin. Nang makarating sa Apartment hinanap ko kaagad 'yong room mate ko na babae. Wala nanaman siya. Saan kaya nagtungo ang babaeng 'yon? Siguro hindi pa siya nakakauwi.
BINABASA MO ANG
Queries: Compilation Of Short Stories
Short StoryQueries: Compilation of Short Stories The story composed of compilation of different themes‚ genre and issues that has been written purely by it's author. The author's purpose is to express her thoughts and persuade the readers to think wisely with...