STICKY NOTES
“Hindi nga kita gusto, kasi mahal kita.”
"Sino na namang nagdikit nitong mga sticky note sa pisara?" Naiiritang tanong ni Suzi. Habang nagsisimula na sa pag-alis niyon sa pisara.
"I love you till the last of snow disappears."
"I love you till a rainy day becomes clear."
"I love you more, the world may know, but don't be scared."
"Cause I'm falling deeper, baby be prepared."
Napailing na lang ako nang matanto na lyrics ng kanta ang love letters na iyon.
"Akin na yan Suzi." Hingi ko sa mga malalanding notes na itatapon sana nito sa basurahan. Nakakunot-noo man, iniabot nito sa akin ang mga iyon.
Alam ko naman kung kanino galing ang mga ito at para kanino ito.
Itinabi ko na lang sa bag ko ang mga malalanding notes. Sakto namang pagtunog ng bell, hudyat na lunch na.
Nanatili na lang ako dahil wala naman akong balak na lumayas o mag-gagagala, dahil tinatamad ako.
Naabutan ako ni Allan roon, ngunit hindi pa rin ako naging hadlang para magulantang ito.
What's the use? Alam niya naman na, na alam ko na.
Napailing na lang ako."Magtigil ka na nga dyan. Nagagalit na si Suzi sayo," sita ko, pero parang wala itong narinig dahil dere-deretso lang ito sa pagpasok at pagdikit ng mga malalanding notes nito sa pisara. Hayy.
Akmang aalis na sana ako ng magsalita ito.
"Bakit?" Napatingin ako rito, patuloy pa rin ito sa pagdikit ng mga malalanding notes niya.
"Anong bakit?"
"Bakit lahat ng letter ay napupunta sayo?" Napaatras ako sa tanong nito.
"Huh?" Pikit-dilat kong tanong.
"Akin na," saad niyang muli. Napayuko ako roon. Nakakahiya talaga.
Mabilis kong kinuha lahat, ngunit napatigil ako ng unti-unti itong lumapit sa aking pwesto.
"A-anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko.
"May gusto ka ba sa akin?" Deretsong tanong nito. Nagpapasalamat ako dahil huminto ito di kalayuan saakin.
Hindi ko ito sinagot at saka nagmamadaling inilagay sa lamesa ng upuan lahat ng love letters nito.
Paalis na ako. Ngunit nakakabiglang sa isang iglap, nakahapit na ako rito.
Napasubsob ako sa dibdib nito. Napakagat-labi na lang ako ng marinig ang pagtibok ng puso nito. Mali. Marahas ang pagtibok ng puso nito, tulad ng puso ko.
"Narinig mo?" Naguguluhan man, tumango pa rin ako. Tila napipi ako sa posisyon naming ito. Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Ngunit nang di na ako nakatiis ay naitanong ko na ang matagal na namamayani sa buong sistema ko.
"May gusto ka ba sa akin?" Umalis ako sa pagkakahapit nito sa akin. Mabilis ang mga galaw na lumayo rito.
"Ako?" Natatawang tanong nito itinuro pa ang kaniyang sarili. Buong tapang akong tumango.
"Sa tingin mo?" Balik-tanong niya. Napayuko na lang ako, ayokong umasa kasi masakit. Pero ginagawa ko nanaman.
"Hindi," sagot ko sa sariling tanong. Halos mapatalon ako ng marahan nitong hinaplos ang aking buhok.
"Hindi naman talaga kita gusto. Sino bang nagsabi sayong gusto kita?" Natatawang tanong niya. Napailing na lang ako. Mas masakit pala, mas masakit malaman mula sa taong gusto mo na hindi ka rin nito gusto. Parang pinagsisisihan ko tuloy na naririto parin ako.
Akmang tatalikod na ako ng hilain ako nito at saka niyakap ng mahigpit. Tila ba hindi ako pinapayagang makatakas.
Ngunit ang bulong nito na para bang nanglalandi ang nakapagpagulantang sa akin, sa puso ko at maging sa utak ko.
"Hindi nga kita gusto, kasi mahal kita."
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Queries: Compilation Of Short Stories
Short StoryQueries: Compilation of Short Stories The story composed of compilation of different themes‚ genre and issues that has been written purely by it's author. The author's purpose is to express her thoughts and persuade the readers to think wisely with...