THE HEIRESS
"Kill me, and you'll be killed."
"May umatake nanaman kagabi sa kabilang bayan! Kailan ba mawawala 'yang mga salot na 'yan dito sa mundo?" Rinig kong reklamo ni Tito mula sa kusina. Isa siyang pulis na nakadestino sa lugar namin at sa karatig-bayan kaya alam nito ang mga kaganapan sa lugar.
Tahimik ko lamang na tinignan ang bagong nail polish ko, namumula ang mga iyon na para bang isinawsaw sa dugo.
"Baka naman wild animal lang 'yon na napadaan lang sa lugar nila?" ani Tita.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom, habang umiinom tinitigan ko si Tito, nakakunot ang noo niya sa sinabi ni Tita. Hindi siguro naniniwala.
"Imposible namang magawa ng hayop iyon Margarita."
"Naku Alfonso baka sawa lang 'yan. Nagkalat na ang mga nagsisilakihang sawa rito sa mundo. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo sa mga bagay na iyan."
Hindi ko na natiis na sumabat sa usapan nila Tita, bago pa man ako makalabas sa kusina ay nagsalita na ako.
"Baka naman po hindi maipaliwanag na nilalang 'yan Tito?"
Agad na napatingin sa akin sila Tito at Tita.
"What do you mean, Corazon?
"Something like Aswang, Vampires, or wolves!" Excited kong wika.
Sabay na napailing sila Tito at Tita sa sinabi ko. Ayaw nilang maniwala pero may possibility naman, kakaiba ang paraan ng pagpatay. Ayon kay Tito at halos hindi rin makakaya ng hayop daw na gawin iyon.
"Tigilan mo na ang panonood ng mga fantasy movies, Corazon."
"Whatever. "
I never liked the idea of watching fantasy movies, not until my grandmother storytells me about witches or what they call aswang.
Seventeen years old, nagulat ako nang pumasok si Lola sa loob ng kwarto habang dala-dala ang isang tila makalumang libro.
Nakangiti ito at tila walang sakit na dinadala, when in fact may sakit siya sa puso. Nakapaghanap na kami ng magdo-donate sana sa kaniya pero hindi ito pumayag sa heart transfer operation. Kaya wala na kaming nagawa pa roon.
"Magandang gabi po, Lola."
"Magandang gabi, Apo. Mabuti naman at hindi ka pa natutulog. May ikwe-kwento sana ako sayo. Hindi rin kasi ako makatulog tulad mo, Apo."
Itinapik ko ang kabilang higaan ko para doon maupo si Lola. First time kong makasama si Lola ngayong gabi, halos lahat kasi ng pamilya namin ay ayaw akong mapalapit kay Lola sa hindi ko malamang dahilan.
Ngayon lang humiling si Lola ng pagkakataon na makuha ang lahat ng mga apo niya para manatili muna sa mansyon niya at makasama kami.
"Lola, mas maganda ho siguro kung isasama natin sila Dexter, Sophia, Jasmin at Jowi. Gustong-gusto rin nila makinig, Lola."
"Pinuntahan ko na sila pero tulog na sila Iha." Malungkot niyang wika.
"Ganoon po ba Lola. Ano po bang kwento iyan?"
"Pamana. Tungkol ito sa pamilya."
"Ituloy niyo na po."
"Sige."
"Isinumpa ang pamilyang ito dahil hindi sila mabait sa isang matandang babae, nang minsang kumatok at humingi sa kanilang tahanan ang matandang babae ay hindi nila binigyan ito ng makakain at maiinom bagkus nagalit pa ang pamilyang iyon sa matandang babae. Ipinagtabuyan at dinuraan pa nila ang pamilya."
BINABASA MO ANG
Queries: Compilation Of Short Stories
Historia CortaQueries: Compilation of Short Stories The story composed of compilation of different themes‚ genre and issues that has been written purely by it's author. The author's purpose is to express her thoughts and persuade the readers to think wisely with...