UNANG TAGPO, UNANG HULOG
"Unang hulog na alam kong unang bagsak rin ang kapalit."
Nakangiti ako habang sumisimsim ng kape. Saktong napunta sayo ang atensyon ko. Tahimik ka. Tahimik. Tila ba may malalim kang dinadamdam, sobrang lalim, para bang ang hirap bungkalin no'n at ilabas mula sa pagkakabaon.
Hindi ko na napigilang mapaluha, maging ako'y nasasaktan sa nararamdaman nito. Walang imik kong pinahid ang luhang pumatak mula sa mga mata at saka muling sumimsim. Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya saka itinuon ang pansin sa pagsusulat.
Muling nagtagpo ang landas natin ngunit wala kang kamalay-malay, naroon ka sa dati mong pwesto. Tahimik pa rin. Walang bago.
Naabutan mo akong nakatingin sayo, hindi ko maiiwas ang tingin ko mula sayo, hindi ko alam kung bakit habang tumatagal ang titigan natin sa isa't isa, mas lalo kong nararamdaman ang katotohanan sa bawat lungkot na ipinapakita ng mga mata mo.
Ngunit ako para ipakitang naiintindihan kita. Kakaiba at nakapagtataka man sa parte mo, pero muli akong ngumit kasabay no'n ang katagang, "Magiging maayos rin ang lahat."
Umalis ka.
Mabilis kong inayos ang mga gamit na dala ko at hinabol ka.
"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.
"Bakit?" Panggagaya ko sa sinabi niya. Tinignan ako nito, walang emosyong makikita sa mga mata nito. Tila ba itinago na niya.
"Bakit ang sakit ng emosyong ipinapakita ng 'yong mga mata?"
Unang tagpo.
Naging malapit tayo sa isa't isa, mga kwentuhang hindi ko inaasahan, mga pagbabagong unti-unti kong nasisilayan mula sa mga mata mo, at dahan-dahang paghulog. Iyon ang higit kong hindi inasahan. Unang hulog. Unang hulog na alam kong unang bagsak rin ang kapalit.
Saksi ako ng bawat ngiti mo, bawat pagbagsak ng luha mo, bawat saya na dala ng nakaraan, bawat lungkot na dala niya sayo. Saksi ako.
Malalim ang gabing 'yon, pareho tayong nakatingin sa liwanag ng buwan at sa mga kumikislap na bituin.
"Nahuhulog na ako." Biglang saad mo. Napatingin ako sa direksyon mo ngunit nabigla ako ng makitang hinihintay mo na lang pala akong tumingin sayo. Nakangiti ka.
"Kanino?" Mahinang usal ko. Nagdadasal, nagsusumamo sa kaloob-looban ko, na sana, sana sa akin.
"Sa kaniya." Para bang nagkaroon ng batong bumara sa lalamunan ko. Bakit parang ang sakit? Bakit parang ganito? Hindi ako makahinga ng maayos. Kumikirot. Sumasakit. Dinudurog ng palihim ang puso ko.
"Ahh." Tanging naiwika ko.
"Umiiyak ka ba, Nina?"
"Huh? Hindi ah." Tinignan mo lang ako.
"Masaya lang ako para sayo. Finally, nakamove on ka na rin. Finally, magmamahal ka na. Magiging masaya ka...hindi mo na ko kailangan." Mahinang ani ko. Tahimik ka lang na tumingin sa akin. Walang salitang lumabas sa labi mo. Walang ingay. Nasasaktan ako.
Huminga ako ng malalim bago muling tinitigan ang asul na karagatan. Mahinang inusal ang bawat katanungan.
"Bakit lagi na lang akong nasasaktan?"
"Bakit lagi na lang akong nag-aayos ng pusong wasak habang ang sarili puso ko hindi ko maayos-ayos? Wasak na wasak na."
"Bakit kailangan masaktan ng paulit-ulit?"
"Bakit hindi ako pinipili?"
"Bakit lagi na lang akong nasasaktan sa huli!"
"BAKIT? BAKIT!!!!!!!" Umiiyak kong sigaw.
Sobrang sakit. Sobrang sakit na. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang kontrolin. Hindi ko na kayang tanggapin lahat ng sakit. Nagsabay-sabay na sila. Pagod, lungkot, at sakit.
Humakbang ako papalapit sa karagatan. Dahan-dahang naglakad patungo roon. Dahan-dahan. Iniisip na sana may pumigil, sana. Ngunit wala. Walang dumating. Mapait na tawa ang kumawala mula sa akin. Dahan-dahang inilubog ang sarili sa kailaliman ng karagatan
Walang anuman. Salamat sa pansamantalang saya, kilig, lungkot, at sakit. Salamat sa lahat.
Hanggang sa muling pagkikita.
Sana sa pagkakataong 'yon, ako naman, ako naman ang piliin mo.
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Queries: Compilation Of Short Stories
Short StoryQueries: Compilation of Short Stories The story composed of compilation of different themes‚ genre and issues that has been written purely by it's author. The author's purpose is to express her thoughts and persuade the readers to think wisely with...