'TILL DEATH DO US PART
This story is dedicated to Sachi Yoshimasa
"Memories will always haunt you. Be aware."
"Congratulations for the both of you."
"I'm really happy, hindi natin inaakalang kayo pa rin pala ang para sa isa't-isa after all the hindrance na dumating sa buhay niyo."
Nakangiti ko lamang na tinignan ang mga panauhing dumalo sa kasal naming dalawa ni Finn. Tama nga siya, hindi talaga inaasahan na kami pa rin pala ang magkakatuluyan ni Finn dahil sa mga pagsubok na dumating para subukin ang katatagan naming dalawa.
Nakipagbreak sa akin noon si Finn sa kadahilanang hindi raw ako tanggap ng aming mga magulang, nang mangyari 'yon, patuloy kong tinanong ang sarili ko kung anong hindi nagustuhan sa akin ng mga magulang niya para ayawan nila ang relasyon naming dalawa?
My queries were answered, may nire-reto pala sila sa anak nila, hindi na rin bago sa pamilya nila Finn dahil may lahi itong chinese, may-kaya rin ang pamilya niya.
Kapuwa nahihirapan man pero ipinaglaban namin ang isa't-isa, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, una siyang sumuko, una siyang umayaw sa relasyong pinaghirapan naming dalawa, una siyang bumitaw habang pilit ko pa ring itinatayo ang relasyon namin.
"Hon?" Napukaw ng pagtawag niyon ang atensyon ko.
Napangiti ako nang makitang si Finn pala 'yon, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
Umiling ako, "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala, may naalala lang ako."
He gently kissed my head and pulled me closer.
"I will always love you, no matter what, till death do us part. I'll be here with you."
Niyakap ko rin ito ng mahigpit, "I love you, Hon."
Matapos magpaalam sa mga guest, magkahawak-kamay kaming nagtungo sa sasakyang magiging lulan namin patungo sa Hotel Room na pinag-check in-an namin.
"Are you nervous?" He playfully asked while driving.
"No! I'm not. Well, kaunti lang. Wait, is it really needed to have honeymoon after the wedding? Baka naman pwedeng next time na lang. Pamahiin ba 'yan?" Tuloy-tuloy kong tanong.
"Okay, you're not really nervous."
Agad kong tinampal ito dahil sa sinabi.
"Okay. Sa susunod na araw na lang ang honeymoon. I know you're tired, it's better to rest." Akmang hahalikan na sana ako nito nang nanlaki ang mga mata kong tumingin sa harapan ng kotse.
"Finn!!!"
Isang malakas na pagbunggo ang siyang nakapagpaguho ng buong buhay ko. Unti-unting pumipikit ang talukap ng mga mata ko ngunit sinusubukan ko pa ring labanan.
Naramdaman kong may mabigat na bagay ang nakadagan sa akin, tinignan ko ito at halos manlumo ako nang makitang si Finn iyon at halos punong-puno na ng dugo ang buong mukha nito, nakapikit na rin ang mga mata niya. Tila pinoprotektahan ako sa anumang galos.
No. He's not death, he's probably sleeping dahil sa mapakas na impact.
"H-Hey Finn, w-wake up, w-wake up Finn."
"No, Finn, wake up please. It's not happening. No! You're not dead!"
Narinig ko ang pagdating ng ambulansya sa paligid, sinubukan kong tulungan sila sa pagbuhat ng sasakyan pero nauubos na rin ang lakas ko. Muling tinitigan ko si Finn, mahimbing na natutulog siya, oo, mahimbing lang.
BINABASA MO ANG
Queries: Compilation Of Short Stories
Short StoryQueries: Compilation of Short Stories The story composed of compilation of different themes‚ genre and issues that has been written purely by it's author. The author's purpose is to express her thoughts and persuade the readers to think wisely with...