TELL ME HOW TO LIVE
"Accept what happens and try to love yourself. You can live peacefully."
How to live? Paano? Nakalimutan ko na ata kung paano. Kung paano mabuhay.
We were happy back then, sobra. Buong pamilya, masaya, tahimik at kuntento na sa isa't isa. Kami na nga ata ang papasa sa pinakaperpektong pamilya sa sobrang komportable namin sa isa't isa.
Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan.
"Miyuki..." Hindi nila magawang humawak sa akin, dahil alam nilang ayaw kong kinaaawaan. Hindi gano'n. Hindi ganito.
"Umalis na lang muna kayo. Gusto kong mapag-isa." Malamig ang tono ng boses ko ng sinabi ko iyon. Hindi pa sana ito susunod sa sinabi ko ngunit hinila na siya ni Jerome.
I'm not fine. Hindi.
"Why? Bakit ako lang ang iniwan mo? Bakit hindi na lang ako?"
Sumiksik akong muli sa tabi ng pintuan. Pinakiramdaman ang buong paligid. Wala na. Anong saysay ng lahat ng ito? Anong dahilan ng lahat ng ito?
Muling nanumbalik sa akin ang bawat masasayang alaala ng aming pamilya. Masakit.
"Ate! Paturo naman dito sa assignments ko. Please?" Nagpapa-cute na wika ni Alexa. Hindi ko ito pinansin dahil abala ako sa ginagawa ko.
"Please ate? Sandali lang naman eh."
"May ginagawa pa ako, Alexa. Pwede bang mamaya muna. Okay?" Mabilis itong tumango at saka humalik sa pisngi ko bago umalis sa aking kwarto.
Tila ba naging anyong tubig ang aking mga luha. Sinubukan kong muling habulin ang musmos na bata ngunit bigla itong naglaho sa kawalan.
"Alexa..."
"Ate..." Rinig ko pang bulong nito hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.
Hindi ko na napigilang suntok-suntukin ang sahig. Tangina bakit ba kasi ganito kasakit? Bakit ba kasi kailangan pang magdusa? Bakit pa kailangang umiyak? Bakit pa kailangang ganito? Bakit masakit? Bakit ang sikip-sikip sa dibdib? Bakit?
Tinitigan ko ang parte kung saan naglaho si Alexa, muli akong napangiti nang makita siya.
"Alexa, come here. Hindi na busy si ate. Ikaw na lang aasikasuhin ko. Ikaw na lang. Hindi na talaga busy si ate. Promise."
Hindi ito gumalaw nanatili lang roon. Nakatitig sa akin ng malungkot. Tangina ang sakit-sakit na. Kailan ba mawawala 'to?
"Ano nanaman bang oras itong uwi mo, Miyuki?" Nanatili akong nakayuko habang kinakalikot-kalikot ang kuko.
"Ganito ba ang oras ng uwi ng isang babae?"
"Minsan lang naman po eh."
"Kahit na! Anong akala mo sayo sobrang lakas? Paano kung may nangyari sayong masama sa labas? Kinid-nap ka? Ni-rape ka? Pinatay? Anong gagawin mo?"
"Sorry po, ma."
"Ayoko ng maulit 'to! Sa susunod magpapaalam ka na kung aalis ka o kung nasaan ka man."
Mama
Gusto kong abutin ang mga ito ngunit hindi ako makagalaw. May pumipigil sa akin na makarating sa kanila.
"Mama hindi na po ako sasaway. Bumalik na po kayo. Promise, susunod na po ako. Magpapaalam na rin po ako araw-araw."
Hinawakan ko ang sariling dibdib at saka pinalo-palo iyon.
"Pero bakit ma? Hindi man lang kayo nagpaalam na aalis na pala kayo. Hindi niyo sinabi. Hindi tuloy ako nakasama."
Ang sikip sa dibdib, ma. Sobra. Paano na ako? Iniwan niyo ko.
"Ano itong nababalitaan kong may boyfriend ka?"
"Wala po 'yon, papa."
"Ayos-ayusin mo pag-aaral mo, Miyuki. Hindi kita pinag-aaral para lang magka-boyfriend diyan sa school niyo."
"Naiintindihan ko po, papa. At saka hindi naman po ako nakikihalubilo sa lalaki kaya 'wag po kayong mag-alala papa."
"Good. Come here, I wanna hug my lovely daughter." Nakangiti na akong lalapit kay papa nang may malakas na pwersang humila mula sa akin.
"Tangina Miyuki! Anong ginagawa mo sa sarili mo! Balak mo na ba talagang magpakamatay? Ano tatalon ka naman ngayon? Tangina talaga Miyuki!" Niyakap ako nito ng mahigpit, sobrang higpit pakiramdam ko gumaan ng kaunti ang nararamdaman kong sakit. Tinitigan ko ito habang abala naman ang kamay niya sa pagpunas ng mga luha kong patuloy sa pagbagsak.
"Gin..." Tumigil ito sa pagpunas ng luha ko, pinakatitigan ako nito pabalik. Kusang dumantay ang kanang kamay ko sa pisngi nito. Totoo siya. Pumikit ako.
"How can I live? Tell me, Gin." Ramdam kong ikinulong ng dalawang kamay nito ang aking magkabilang pisngi.
"Accept what happens and try to love yourself. You can live peacefully."
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Queries: Compilation Of Short Stories
Short StoryQueries: Compilation of Short Stories The story composed of compilation of different themes‚ genre and issues that has been written purely by it's author. The author's purpose is to express her thoughts and persuade the readers to think wisely with...