17: I WISHED‚ I WAS YOUR LEADING MAN

8 2 0
                                    

I WISHED‚ I WAS YOUR LEADING MAN

"I wish, I am your leading man, but I guess... you're not really my leading lady, pinagtagpo lang siguro tayo para matuto."

Malamig ang simoy ng hangin kaya naman lumabas ako para magpahingin, sobrang init kasi sa loob ng kwarto 'yong electric fan imbes magbuga ng malamig na hangin nagkaroon ng problema nanaman kaya mainit ang hangin na inilalabas niya.

Habang hawak-hawak ang cellphone pumunta ako sa duyan na nakatali sa mangga. Hanggang ngayon hindi pa rin natatapos ang lockdown kaya naman hindi talaga kami makalabas ng bahay, ultimo bibili lang ng gamot hindi ka na makakalabas. Lalo pa na nasa gubat ka.

'Yong mga ka-baranggay naman namin hindi kami pinapababa kaya talagang wala kaming magagawa kundi manatili na lang rito.

Ipinikit ko na lang ang mga mata, maya-maya ay idinilat ko nanaman iyon saka in-open ang account ko sa rpw. Magbabasa na lang ako kaysa naman matulog, hindi naman ako inaantok.

Scroll dito.

Scroll doon. Hanggang sa naabot ko na ang pinakadulo ng Facebook. Wala na ba talagang magandang magawa sa account ko na 'to?

Kung tutuusin pareho lang namang amag ang account ko sa real world at dito. Walang ka-chat kasi hindi naman ako famous.

Natigilan ako nang may isang sikat na writer ang napadpad sa newsfeed ko.

"I wish I was your leading man." Paulit-ulit kong binasa ang title nito habang walang ganang napairap. Ano ba namang title 'to, hindi man lang nag-isip ng mas maganda. Common nanaman.

Hindi ko na sana babasahin 'yon nang makuha nito ang atensyon ko, "Mina, bakit hindi na lang ako?"

Bakit sa dinami dami ng pangalan, pangalan ko pa ang ginamit niya. Marami siyang readers bakit hindi 'yon ang gamitin niya. Haysst.

"Puro ka reklamo, hindi naman para sayo 'yang story na 'yan," wika ko sa sarili.

Habang binabasa ang story ni Loki hindi ko alam kung bakit imbes na mawalan ako ng gana na basahin ang gawa niya mas lalo akong ginanahan sa mga bawat tagpo.

Feeling ko ako talaga ang babae doon, kasi pakiramdam ko nangyari na sa buhay ko ang bawat lines at tagpuan sa story.

I rejected my friend twice, gano'n din ang nakalagay sa story na ginawa niya. Hindi ko na lang pinansin iyon at ipinagpatuloy ang pagbabasa pero agad muli akong napakunot-noo.

"Why can't you love me? Dahil ba sa hitsura ko, dahil pangit ako, dahil may bisyo ako? Mina, ano sabihin mo sa akin." Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko dahil sa nabasa. Hindi naman siguro siya ang kaibigan kong lalaki na ni-reject ko diba? Hindi naman siya 'yon e.

How can you explain all of this? Tanong mula sa sarili ko. Siguro coincidence lang ang lahat.

Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagbabasa, mahaba pala ang story niya pero worth it naman, mararamdaman mo talaga ang tensyon. Baka naman ako lang talaga ang nakakaramdam dahil naranasan ko na.

Mas lalo akong napalunok nang mabasa ang huling parte ng story.

"Hindi niya ako sinagot dahil ang tingin niya sa akin ay kaibigan lang, pero ang totoo hindi niya talaga ako gusto dahil hindi ako gwapo."

"Sinira ko ang buhay ko, I didn't attend school, party, I even drink alcohols and smoke kahit pa na hindi ko gawain 'yon. I was devastated, sobrang tagal kong naghintay sa kaniya. Eleven fucking years pero ni minsan sa mga araw na 'yon ay hindi siya nagkaroon ng pagmamahal sa akin."

"Nagpaiba-iba ako ng babae, but I didn't fuck them. I just played with their feelings. Hindi naman ako gwapo pero mayaman ako kaya nagtitiis na lang ang mga babae na magpalandi sa akin."

I cried silently. I'm sorry.

"Five years has passed, muli kaming nagkita. Masaya na ako sa girlfriend ko hanggang sa isang araw. She came to me, crying and begging me to love her again."

Tumingala ako sa langit para pigilan ang sariling mapaluha dahil sa mga pinaggagagawa ko.

"I wish I was your leading man, Mina." Panimula niya habang nakatingin sa malayo. Niyaya ko siyang makipagkita sa akin para sabihin na ang totoo kong nararamdaman.

"Noon lagi kong hinihiling sa mga bituin na sana ako na lang si Lark. Sana gwapo ako."

"As the time past, natanggap ko rin, mahirap oo, lalo na kung sobrang tagal mong na-attach sa taong 'yon. Sobrang hirap kalimutan ng nararamdaman, Mina. Sobrang hirap kalimutan ka."

"Alam mo ba kung bakit sobrang hirap? Kasi ikaw ang pilit kong kinakalimutan at hindi ang nararamdaman ko para sayo."

"Until one day, Giselle came. She lighten up my world, nandiyan siya para iparamdam sa akin na hindi lahat ng babae gwapo ang hanap."

"Now, we're happy. I'm happy---" Inunahan ko na siya sa sasabihin niya.

"Hindi totoong hindi kita minahal, Kian. Minahal kita."

"Pero... Pero natatakot ako sa mga taong nasa paligid nila, what if hindi nila matanggap ang pinili kong desisyon. I'm afraid of judgements." Hinawakan ko ang kamay nito na nasa lamesa agad naman niyang kinuha iyon at ipinatong na lang sa hita niya.

He intently stared at me, "Then you're not choosing yourself, you are choosing them to control your decisions."

Umiling ako, "I love you, Kian. I'm sorry. I'm sorry. Ngayon lang ako natuhan, I'm really sorry. Mahal naman talaga kita eh pero natatakot lang ako sa sasabihin ng iba. I don't trust myself that's why I always choose to trust people around me."

"I'm sorry, Mina." Seryoso pa rin ang nga mata nito.

"No, Kian. No." Mahal pa niya ako, sinasabi niya lang 'to dahil nasasaktan pa rin siya.

Tumayo siya at akmang aalis na ngunit napatigil siya, "I wish, I am your leading man, but I guess"

"You're not really my leading lady, pinagtagpo lang siguro tayo para matuto."

Thank you for reading.

Queries: Compilation Of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon