01: THE PHOTOGRAPHER

40 7 2
                                    

THE PHOTOGRAPHER

"Hindi sa lahat ng pagkakataon, isa kang superhero na tagapagligtas ng lahat."

"Okay, at the count of three, do your best pose. Understand?"

"Yes." They both replied while smiling.

"One."

"Two."

"Three."

Magsasalita na sana ako para sabihing nice shot pero natigilan ako nang makita ang paligid, nasa isang wedding ceremony ako at wala sa lugar kung saan kasalukuyan kong kinukuhanan ng litrato ang dalawang magkasintahan.

Sinubukan kong igalaw ang katawan pero hindi ko magawa, iginala ko ang tingin sa buong paligid para sana tignan kung anong kasalukuyan nang nangyayari.

"You may now kiss the bride." Narinig kong ani ng Pari sa dalawa, napatingin ako roon.

Hindi ko makita ang hitsura ng dalawa dahil sa telang nakatabing sa mukha ng bride habang ang groom ay nakatalikod sa akin.

Tinitigan ko ng mabuti ang dalawang ikinasal, nang buksan na ng lalaki ang telang nakatalukbong sa mukha ng bride ay halos matulos ako sa kinauupuan.

Ano bang nangyayari?

Isa rin ba sila sa mga taong hindi nararapat para sa isa't isa?

Isang pagkakamali nanamang muling gamitin ang camera ko para kuhanan sila.

Anong dapat kong gawin, Kyra, mag-isip ka. Hindi pwedeng wala kang gawin tulad ng dati.

Do something. Do something. Think.

"Itigil ang kasal!" Kasabay ng sigaw niyon ay ang pagputok ng baril mula sa taas.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, kasalanan ko ito, kung sana'y hindi ko na lamang ginamit ang camera na iyon, hindi ito mangyayari. Kasalanan ko ito.

"Akala mo ba'y pahihintulutan kong maging masaya kayo habang kami ng anak mo, Heir, ay patuloy na nagdurusa dahil tinalikuran at iniwan mo kami para lang sa babae na ito!"

Inilayo ni Heir, ang katipan nitong si Aya mula roon at saka lumapit sa bagong panauhin.

"Huminahon ka Vanessa, hindi ba't napag-usapan na natin ito."

"Napag-usapan? Ang alin? Na pipiliin at papakasalan mo ang babaeng iyan dahil mahal mo siya kahit na kami ang una mong pamilya? Sinong tanga ang papayag doon, Heir. Mag-isip ka nga!"

Sinubukang lapitan ni Heir si Vanessa pero nagsitilian ang lahat nang marinig ang muling pagputok ng baril, huli na para makaisip ng gagawin dahil tuluya  ng bumulagta ang katawan ni Heir, punong-puno ng dugo ang pasilyong kinabagsakan niya.

Nagsisigawan na rin ang mga tao sa loob ng simbahan, nagtatakbuhan at halos hindi na alam ang gagawin.

Patuloy na nagsibagsakan ang mga luha ko, panibagong biktima nanaman ba

Sinabunutan ko ang sarili, hindi ko naman sinasadya, akala ko matapos ang huling insidente ay hindi na masusundan pa iyon.

Isang pagkakamalimg gamitin muli ang camera, kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ngunit halos mawalan ako ng ulirat nang biglang umikot ang buong paligid.

No! Aayusin ko pa iyon! Nooo!!!

"Miss, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Cassandra, nasa tabi nito si Heir nakahawak sa baywang niya.

Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Heir, hinawakan ko ang kamay nito bago binigkas ang mga salita.

"Huwag muna kayong magpakasal sa taong ito, huwag muna, huwag muna. Makinig kayo, mamamatay ang isa sa inyo kapag nagpakasal kayo ngayon."

"Ano bang pinagsasasabi mo, Miss."

"Makinig na lang kayo sa akin, wala namang mawawala kung makikinig kayo, senyales ito na may mangyayaring masama. Huwag muna."

Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa bago muling tumingin sa akin, "Sinong mamamatay sa amin kung ganoon?"

Yumuko ako bago sumagot, "Si Heir pero sa pakiramdam ko ay ikaw Cassandra ang tinutukoy na mamamatay. Kaya huwag muna. Isalba niyo ang sarili niyo."

Napagdesisyonan nilang i-cancel na lang ang kasal na magaganap ngayong taon para sa pag-iingat sa sinabi ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago inayos ang mga gamit.

Paalis na sana ako nang isang picture ang nakaagaw ng pansin ko, nakakalat lang iyon sa ibaba.

Pinulot ko ang papel at tinignan ang litrato, may mga maliliit na letra sa gilid niyon.

"Ang pagpigil sa nararapat na mangyari ay may kaukulang parusa,
salamat sa iyong pag-unawa."

Nanginginig kong nabitawan ang litratong hawak at dali-daling tumakbo palayo roon, huli na para tumigil sa pagtakbo nang masilaw ako sa ilaw na paparating mula sa kung saan, naramdaman ko na lang ang malakas na pagbagsak ng katawan mula sa konkretong daanan.

Bago mawalan ng ulirat at hininga, narinig kong nagsalita ang kung sino mula sa tabi ko.

"The camera was designed to foretell what will happen, helping them to prevent what is written will change your path too."

Thank you for reading.

Queries: Compilation Of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon